Salamat Jovet
Miyerkules ng gabi pagkatapos ng laro laban sa FEU
May lumapit sa akin at nagtanong
‘Hindi ba natin gagawan ng tarpaulin si Jovet?’
Naisip ko kung bakit,
Baka raw kasi last game mo na sa susunod,
Kahit man lang sa tarpaulin mapasalamatan ka namin.
Pero naisip ko,
Hindi magkakasya maski isang LED-billboard sa EDSA
Ang pagpapasalamat para kay Jovet.
Hindi kakayanin ng large format printing
Ang pusong punumpuno ng pagmamalaki
Para sa isang Jovet Mendoza, para sa iyo Jovet Mendoza.
Hindi sapat ang anumang salita o kahit anong graphics
Upang isulat o ilarawan ang aming nararamdaman
Para sa isang manlalaro na binigay ang lahat para sa amin
Ang laki-laki ng sampalataya ko sa kakayanan ni Jovet
Mendoza
Ang taas-tass ng respeto at tiwala ko sa galling niya
Hindi yun mapapantayan ng isang tarpaulin lamang
Sa kabila ng mga luha at panghininayang
Sa kabila ng mga sakit ng pagpapaalam sa’yo
Mananatiling nakalilok sa puso ko ito:
Maraming,
maraming salamat Jovet.