Ayoko namang maging Pariseo o Paulino na nabuhay sa pagmamasid sa Misa, paghahanap ng mali o paghihintay ng pagkakamali. Pero napagnilayan ko lamang na gamitin ang 'power of social networking (ito rin naman ang sabi sa amin sa Ministry for Social Communications ng Archdiocese of Manila) sa pagbibigay paalala sa mga tamang gawi sa pagdalo ng Misa. Ito naman ay opinyon lang na maaring maging pakiusap sa mga kababasa at maaari ring gamiting gabay ng iba. I will make it as light as possible para di naman self-righteous ang projection ko. Again, hindi ako Paulino.
1. Maging conscious sa time. I am sure kung ikaw ay matagal nang parokyano ng isang Parokya o madalas ka nang magsimba sa isang Simbahan, alam mo na dapat ang Mass Schedule. Kung special celebration/feast naman, announcements are being made to inform the parishioners or you can simply call the office to verify.
Pero yung iba, sadyang mahilig sa dramatic entrance. Darating nang late, tapos gusto pa uupo sa harapan, makikipagbeso-beso sa kakilala, titingin sa orasan na parang ang pari pa ang mali sa oras. Yung iba darating after ng homily, tapos pipila sa communion. At ito ang pinaka-jologs sa lahat, darating sa kung anong aabutan tapos aattend uli sa susunod na Misa para mapakinggan yung na-miss tapos aalis uli pag dumating na sa portion na kung yung naabutan nung unang Misa. Parang sine lang. E naman, pati sine ngayon e may oras na, nagpapalabas ng tao kapag tapos na palabas at di na puwedeng ulitin.
Yung iba, mahilig din sa dramatic exit. Kapag communion, aalis na, wala nang keber sa final blessing. Kapag may mass announcement, aalis na, yun tuloy di alam na may cancel pa lang ganito, may ganun pa lang activity, tapos magsasabi na 'they were not informed...' Hay.
Paalala No. 1: Huwag ma-late para hindi rin late ang biyaya.
2. Maging concious sa suot. Dito ay medyo guilty ako. Kasi dati pagkajogging ko ay nagsisimba ako daily ng 5:45AM. Pero hindi naman ako nakasando o nakasuot ng pawisang t-shirt. Usually may baon ako at nagpapalit ng pantaas. Pero lately di ko na ginagawa (sa gabi na ako nag-ssprint o rowing) ang ganun. Kaya naka-John Lloyd get-up na ako pag nagsisimba sa umaga.
Pero yung iba, kahit Linggo, nakakaloka. Naka-shorts, nakaduster, naka-Pek shorts, naka tanktop...Hindi naman kailangan dumating ng naka-gown o nakatuxedo. Dahil tayo ay Simbahan ng mga Dukha, maski simpleng kasuotan ay pwede na. Payak subali't kaaya-ya. Hindi yung parang napadaan ka lang o pupunta sa mall (yung iba nga pagpupunta sa mall ay todo outfit, pero pag Misa parang galing sa banig). Pagdating dito ay idol ko si Tatay Pinong Sayo, as in naka Sunday Best talaga siya pag nagsisimba. Noong bata pa kami, Sabado pa lang ng gabi ay nakahanda na ang 'magara' naming suot pangsimba. Meron kaming ganung set of wardrobe 'pang-simba'.
Paalala no. 2. Huwag magsuot ng kung anu-ano. Ikaw din, baka mahubaran ka ng biyaya.
3. Maging gising sa Misa. Naalala ko tuloy si Fr. Ferdie Fajardo. Sabi niya minsan sa kanyang homily sa isang 5:45 Mass, kayo naman sinasayang niyo ang paggising nyo ng maaga, sinasayang niyo ang pagbibihis, sinasayang niyo ang paglagay ng lipstick kahit lagpas...matutulog lang pala kayo sa Misa. Kapag Simbang Gabi naman, 3AM pa lang ay puno na ang Simbahan...pero pagdating ng Misa, kalahati nito ay mahimbing na ang tulog sa loob ng Simbahan habang ginaganap ang pagdiriwang.
Pero yung iba, kahit hindi maaga o Simbang Gabi, sadyang tinutulugan ang Misa. Nakakaantok daw si Father...E yung iba nga, wala pang homily, nakapikit na. Naalala ko tuloy ang nasirang Dakilang Manunulat, napahimbing ang tulog niya sa Misa, tapos naalimpungatan, biglang tumayo habang ang lahat ay nakaupo at biglang lumabas ng Simbahan. Noong na-realize niyang hindi pa tapos ang Misa, bumalik siya sa kanyang upuan.
Paalala no. 3 Huwag matulog sa Misa, either tutulugan din kayo ng biyaya o baka hindi na kayo magising ng tuluyan.
4. Maging magalang sa Misa. Hindi ko maintidihan kung bakit kailangang sumingit sa pila kapag communion. Parang maabusan ng hostia. Hindi ko alam kung bakit kailangang kasama ang alagang aso sa loob ng Simbahan at nakapuwesto pa talaga sa harapan. Hindi ko alam kung bakit kailangan mag-chikahan habang nagmimisa. Hindi ko alam kung bakit kailangang sumiksik sa isang pew e ang dami-dami namang ibang pew, para maganda ang view kay Father?
Pero yung iba, sadyang inakala na 'social gathering' ang Misa. May super-friendly na lahat kinawayan o nakikipag-beso-beso kahit na habang may Misa. May sobrang suplada namang ayaw makipag-Peace be with you at parang bahong-baho sa paligid na nakatakip ang ilong buong Misa. May maingay na akala mo nasa videoke lang. Ok lang naman kumanta ng malakas kahit wala sa tono dahil ito ay pagpupuri sa Panginoon at aktibong pakikilahok sa Misa. Pero yung makipagdaldalan, yung mag-ikot ng mata at maghanap ng crush o kakilala, yung mamintas o maghanap ng mali sa iba lalo na sa lector, yung itsismis si Father o yung kasamahan sa organization, yung kumanta ang choir na sila lang ang may alam ng kanta...ito ay hindi na pakikilahok sa Misa. Ito na ay pagtalampasan sa esensiya ng pagdiriwang ng Eukaristiya.
Paalala no. 4. Huwag bastusin ang Misa at ang ibang nagsisimba. Kayo rin, baka kunin na kayo ni Lord.
No comments:
Post a Comment