Life can be cruel to those who are obese or generally
fat. Kanina papuntang Makati, nakakita ako ng FX na may nakalagay sa gilid na
sign ‘bawal ang mataba dito sa gitna o harap, sa likod lang.’
It’s totally disgusting, in bad taste, and rude. Hindi
magandang tingnan o pakinggan, hindi makatao at hindi makatarungan. In trying
to rationalize it, maaaring may point yung driver o yung may-ari ng FX. Kasi
nga apatan ang gitna ng FX, dalawang pasahero sa harap plus yung driver.
Meaning kapag may medyo may katabaan sa gitna, usually, nagiging masikip na at nagiging pangtatlo na lang ang
dapat para sa apat. Yung sa harap, wala nang sasakay para tumabi sa pasaherong may
katabaan. At least sa likod, mas may legroom, mas may space, kaya siguro, pwede dun ang mataba, as the sign would
say.
Pero kahit na, nakaka-offend pa rin eh. Saka may aamin
bang mataba sila? Kapag sumakay ba sila sa gitna, masasabi ba ng driver na ‘ ay Miss, pakibasa yung sign, sa likod ka
na lang…’ ?
Pero may kilala ako, sa pila ng FX papuntang Makati, talagang
hindi niya papasakayin sa harap o sa
gitna ang pasaherong may katabaan. Minsan nga, pinababa nya pa at pinalipat.
Walang takot o hiya ang driver mapalalaki man o mapababae ang pasaherong sa
tingin niya ay pampasikip at pampabigat lang sa biyahe. Minsan, nakatiyempo
siya ng mas gago sa kanya. Inalam kung saan siya nakagarahe. Ayun, paggising
niya sa umaga, nakaspray paint na ang FX niya, may dumi pa ng aso sa hood.
After that incident, di na namin siya uling nakitang bumiyahe.
Pero minsan naman, may mga matatabang tao who would
literally and figuratively throw their weight around, sa FX man o sa araw-araw
na pamumuhay. Yun bang ang dating e, o
dumadaan ako, tumabi kayo, kundi bangga kayo. Yun bang mga pasahero na ayaw
umusog at talagang halos nakahilata pa’t walang pakialam sa ibang pasahero. O
yung mga nanggitgit talaga…O yung mga sumisingit talaga, yung nambabalya, yung
gumagamit ng kanilang lakas o taba
para mauna o makauna. Yun bang tipong dahil malaki sila, e nambu-bully na.
Actually, maraming ganyan. Hindi lang sa FX. Hindi lang
sa gym. Hindi lang sa elevator. Hindi lang sa basketball. Yung ginagamit ang kalagayan
sa buhay para makalamang sa kapwa.
Indeed, life can be cruel, and us, vicious.