Wednesday, January 23, 2013

Bawal ang Mataba


Life can be cruel to those who are obese or generally fat. Kanina papuntang Makati, nakakita ako ng FX na may nakalagay sa gilid na sign bawal ang mataba dito sa gitna o harap, sa likod lang.’

It’s totally disgusting, in bad taste, and rude. Hindi magandang tingnan o pakinggan, hindi makatao at hindi makatarungan. In trying to rationalize it, maaaring may point yung driver o yung may-ari ng FX. Kasi nga apatan ang gitna ng FX, dalawang pasahero sa harap plus yung driver. Meaning kapag may medyo may katabaan sa gitna, usually, nagiging masikip na at nagiging pangtatlo na lang ang dapat para sa apat. Yung sa harap, wala nang sasakay para tumabi sa pasaherong may katabaan. At least sa likod, mas may legroom, mas may space, kaya siguro, pwede dun ang mataba, as the sign would say.

Pero kahit na, nakaka-offend pa rin eh. Saka may aamin bang mataba sila? Kapag sumakay ba sila sa gitna, masasabi ba ng driver na ‘ ay Miss, pakibasa yung sign, sa likod ka na lang…’ ?

Pero may kilala ako, sa pila ng FX papuntang Makati, talagang  hindi niya papasakayin sa harap o sa gitna ang pasaherong may katabaan. Minsan nga, pinababa nya pa at pinalipat. Walang takot o hiya ang driver mapalalaki man o mapababae ang pasaherong sa tingin niya ay pampasikip at pampabigat lang sa biyahe. Minsan, nakatiyempo siya ng mas gago sa kanya. Inalam kung saan siya nakagarahe. Ayun, paggising niya sa umaga, nakaspray paint na ang FX niya, may dumi pa ng aso sa hood. After that incident, di na namin siya uling nakitang bumiyahe.

Pero minsan naman, may mga matatabang tao who would literally and figuratively throw their weight around, sa FX man o sa araw-araw na pamumuhay. Yun bang ang dating e, o dumadaan ako, tumabi kayo, kundi bangga kayo. Yun bang mga pasahero na ayaw umusog at talagang halos nakahilata pa’t walang pakialam sa ibang pasahero. O yung mga nanggitgit talaga…O yung mga sumisingit talaga, yung nambabalya, yung gumagamit ng kanilang lakas o taba para mauna o makauna. Yun bang tipong dahil malaki sila, e nambu-bully na.

Actually, maraming ganyan. Hindi lang sa FX. Hindi lang sa gym. Hindi lang sa elevator. Hindi lang sa basketball. Yung ginagamit ang kalagayan sa buhay para makalamang sa kapwa.

Indeed, life can be cruel, and us, vicious.  

No comments: