Monday, July 15, 2013

Galit Ako (Part 2): Abusing young boys

Read Part 1: http://tonichiarcher.blogspot.com/2013/07/galit-ako-part-1-raping-boy.html

Ang sabi, ang balita ngayon, kinabukasan, panis na. Pero yung galit, yung sakit, yung sugat, hindi yun basta-basta mawawala. Hindi makakalimutan, hindi mababaon ng bagong balita, hindi mapapanis.

Pagkatapos ng ilang Linggo ay wala nang balita dun sa kakilala kong ‘teacher-teacheran’ na nanghalay ng batang lalaking estudyante niya. Nakakulong pa rin siya, yun lang ang tanging alam ko; mahirap daw kaya walang abugadong makuha, hirap daw sa loob ng piitan.

Tanginathis! Hirap sa loob?  Utang na loob! E yung hirap sa kalooban na dinulot niya sa bata? Yung trauma, yung physical pain, yung fear lalo na at may video pa pala nung panghahalay?

Kahit matakpan ang balita, hindi yun mawawala.

Noong unang pumutok ang balitang ito ay maraming nagtanong sa akin. Yung iba naman ay nakikitsismis lang kaya di ko na sinagot. Yung iba naman ay wagas makapaghusga. Pero may isang kaibigan na nakipag-chat sa akin ukol sa kanyang karanasan nung siya ay bata pa.

Siya rin ay inabuso ng kanyang mga gurong lalaki. Kahit di niya pangalanan, kilala ko lahat ang mga sinasabi niyang gumawa sa kanya ng kahalayan. Ramdam na ramdam ko ang galit, ramdam na ramdam ko ang bigat sa kanyang kalooban, ang sakit. Kahit na ang lahat ay nangyari 30 taon nang nakakaraan.

‘Still fresh in my mind, Ton’, chat niya.

Yung isa raw ay nangahas pang kamustahin siya at i-add sa Facebook, gusto nga raw sana niyang bastusin. Yung isa ay nakita niya ang larawan sa isang nakalipas na pagdiriwang. Yung isa ay sumakabilang buhay na. Sa 30 taong nakalipas, hindi pa siya nakakapagpatawad.

‘I thought I already forgave them…I thought time will heal…’

Sabi niya nabuhay muli ang lahat nang pumutok ang yung rape case ng teacher sa 13-year old na estudyante. Iisa lang ang pinanggalingan nung bata at nung aking kaibigan. Iisa ang sinapit nila: yung walang-awang inabuso ng gurong pinagkatiwalaan nila. Yung sa aking kaibigan ay hindi lang isang guro ang gumawa sa kanya ng kademonyohan. Yun sa aking kaibigan ay hindi nabalita, hindi siya nakapagreklamo. At hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ito. At maaaring yung bata ngayon sa balita, dadalhin niya rin ito sa kanyang buhay.

Ang balita ay maaaring mawala at makalimutan bukas, pero ang galit at sakit, hindi basta-basta mawawala at makakalimutan.

‘ I will never forget what they have done to me...

I grew up bitter.’

No comments: