Tuesday, January 14, 2014

Ambon sa Tacloban

Noong 90’s, nagsulputan ang local band at talagang humataw. Pinangunahan ito ng paborito naming magkakapatid na Eraserheads. Isa pa sa mga bandang aking nagustuhan ay ang True Faith. Sa lahat ng naging kanta nila, itong Ambon ang aking pinakapaborito. Para kasing maganda siyang ikanta sa kaibigang namumorblema o sa kakilalang may pinagdadaanan.

Ano'ng nararamdaman

Tila ba'y nasasakupan

Lumbay at kalungkutan

Nais mo bang ika'y makaraos
 din

Refrain 1:

Di ba't pananampalataya

Kailangan upang makaahon

Sa delubyong iyong
 nararanasan

At sa kasawian na dulot ng panahon

Ambon lang yan (ahh)

Ambon lang yan (ahh)

Sa aking pakikipaghuntahan sa Tacloban --- dun kay Manong Tricycle Driver na natangayan ng bahay at pangkabuhayan, kay Eugene na hindi pa alam kung saan makakauha ng susunod na hapunan, dun sa magpuputong nag-iisa na lang sa buhay dahil namatay lahat ng kapamilya, dun kay Ate ng Dahil Sa Iyo eatery, dun kay Padre Edwin ng St. Anne Parish, dun sa Manang na nagrorosaryo sa Palo, Cathedral, dun sa Lolang nagtyatyagang bantayan ang puntod ng kanyang asawa sa harap ng San Joaquin Church --- ito ang aking nalaman: Ambon lang ang Yolanda.


Kalangitan ay umiitim

Naupos ang ilaw ng mga bituin

At sa paglipas ng oras ika'y napaiyak

Mga luhang
 tumulo buhat ng iyong pagtitimpi

Refrain 2:

Di ba't ang Diyos ang siyang liwanag

Sa dulo ng madilim na
 daan

Sa kanya lamang manalangin

At wag nang tumungo pa kung kahit saan-saan

Ambon lang yan (aaah)
 

Ambon
 lang yan.
 Sa gitna ng matinding dagok, sa dami ng mga nasira at namatay; sa gitna ng mga nawala at nawalan, sa lakas ng hagupit, sa lupit ng hampas ng hangin at taas ng tubig na dumaluyong --- para sa kanila, ambon lang ang Yolanda.

Mas malakas pa rin ang kanilang pinagkakapitan. Mas matindi pa rin ang kanilang pananampalataya. Para sa mga may Diyos --- ambon lang ang Yolanda.


Tara na sa Tacloban, katumbas nito’y byaheng langit, kung saan sa Diyos lahat nakakapit.

Refrain 3:

Yayain mo ako sa yong jeepney

Sa makulay at magara mong jeepney

Na ang biyahe
 ay patungong langit

Kahit na signal no. 3, tayo ay magsisiawit

Kung ako'y sinusumpong,
daglian mong ibubulong

Ambon lang yan (ahh)

Ambon lang yan (ahh)

No comments: