Tuesday, November 11, 2014

Pila sa Yoga

Napost ko dati sa status ko sa FB na isa sa pinaka ayoko ay yung mga taong di marunong pumila. Maraming ganyan. At kadalasan, sila pa yung nakapag-tapos sa kolehiyo, mga professional, may titulo, mayaman. Display of arrogance ika nga. A case of entitlement sabi ng iba. Kahit ano pang itawag dyan, isang malaking kabastusan sa akin ang hindi pagsunod sa pila.

Pero dahil nagyoyoga ako at kung maari ay puro good, positive vibes ang pairalin, deadma ako minsan. Pinapalampas ko na lang. Pinapractice ang patience at yun nga yung peaceful halo na bumabalot sa aking pagkatao. Minsan dinadaan ko sa huni. Sa look to the sky. O kaya simpleng dirty finger at pabulong na nyeta.O kaya binibigyan ko ng matinding staredown at tapos smile na parang si Aby Marano ng DLSU Lady Spikers. Afterwards, wala na.

Ironically, sa yoga pa ako nakaramdam ng bad vibes dahil sa mga taong di marunong sumunod sa regulasyon.

Actually, iilan lang naman sila. Pero matitindi ang kapal ng mukha.

Nung wala pang registration before class, inaagahan ko talaga ang punta sa gym para makapaglatag na ng mat at makareserve ng space. Unahan eh. Pero may mga babaing sadyang arogante.

Yung isa walo nirereserve. Tigas ng mukha.

Yung isa may sariling pwesto, hindi raw pwedeng agawin dahil pwesto nya yun.

Yung iba nag-aaaway talaga. Walang ka-class class. Yung iba, akala mo naman kung sinong may class kung makaasta. Parang kanila ang yoga studio.

Minsan natanggalan na ako ng mat ng isang babae. Smile lang ako. Pwede naman ako sa ibang pwesto.

Yung isa sinabihan ako, nabili ko na ba raw pwesto ko at lagi ako dun. Sagot ko, with my Kim Chui giggling smile, 2 hours before the class e dumadating na ako para magpunas-punas ng sahig at maglagay ng mat. Nagsalita ang lola, give chance to others! The nerve. Pero deama pa rin ako, matanda eh.

Until finally, para wala nang away at agawan. nagkaroon ng regulasyon na you have to register one hour before the yoga session (naging confusing nung una, pero ganun naman talaga kapag may bagong policy).

Ayaw ng mga hitad. Yung isa nagcancel ng membership. Yung isa nagtalak nang nagtalak (isa sa mga bruha na nagbully sa akin ng bago pa lang ako sa yoga, akala mo kagandahan, tse!). Yung iba wagas magreklamo.

Pipila lang kayo, magreregister lang, mga nyetang paksyetano ba mahirap dun?

Two weeks ago, aga ko para sa  class. Wala pang one hour before the class kaya di pa open ang registration. Dahil good vibes, sumunod ako sa policy. Pila ako to wait.

Aba may hitad na dumating, kinuha ang floor plan at nagregister. Inunahan na nga ako, sumingit na nga, WALONG MAT SLOT PA ANG NIREGISTER. Kapal mo Teh. Smile lang ako. Nung turn ko na, sinulatan ko yung papel, ISA-ISA LANG PO REGISTRATION. With smiley at heart pa. Ganun kasweet. Sana nga, may Hello Kitty stamp pa, hindi ko lang dala.

Last week, naulit uli. Ang babaing matigas ang mukha.

Ganun uli scenario, hintay ako sa reception para sa pagbubukas ng registration. Dumating ang babaing matigas ang mukha. Kinuha ang papel. Sinabi ng reception na may pila at nauna ako. Wala siyang pakialam, nagregister pa rin. AT HINDI LANG ISANG MAT, TATLO.

Ito pa, habang nagsusulat, tumingin pa siya sa akin habang ngumunguya ng chewing gum. Parang nakakalaki ang babaing matigas ang mukha.

Ganun uli, sumulat uli ako ng ISA-ISA...pero wala nang puso at smiley. Kung pwede nga kabitan ng dirty finger e nilagyan ko.

May pag-asa pa ba ang mga taong ito? Ewan ko. Basta alam ko, good vibes lang ako.

Nyeta.  

No comments: