Friday, November 21, 2008

buhay paglilingkod ng isang bading

isinusulat ko ito sa filipino upang mas ramdam ko. ikanga, mula sa puso. sinubukan ko na itong ilagay sa multiply pero nilipad ng hangin at nawala. bale, ito ang kauna-unahang pagkakataoon na isisiwalat ko ang buhay ko bilang tagapaglingkod ni Kristo. alam kong marami sa aking mga kasamahan sa Parokya ang maaring makatisod nito at mabasa. sa kanila, i offer no apologies. ay, inles. sige, taglish na nga lang. i will write as i feel and think. huwag kayong mag-alala dahil ito ay tungkol sa akin, at hindi tungkol sa inyo o sa kanila o kaninuman.

hindi madali sa isang bading na katulad ko na maglingkod sa Simbahan, yan ang katotohanan. kung susuriin, kahit saan naman may rejection. pero sa tinagal-tagal ko sa advertising industry kung saan cutthroat competition ang umiiral, mas marami pa ring sakit at hagupit ang aking nakamit sa mga taong-Simbahan. marami na akong kliyenteng nakaaway, marami na akong account ang nawala o natanggal, marami ng creative material ang nabaril, may mga event akong sumabit ... pero lahat ng iyon ay balewala. Kasi nga sinusukat lamang ay ang aking trabaho; sa Simbahan, buong pagkatao.

pero nais kong sabihin (at ipagmalaki) na i am not unique. hindi lamang ako ang bading na naglilingkod sa Simbahan o Parokya. Marami kami. May kilala nga ako bec organizer pa siya sa isang Parokya. Malaking responsibilidad yun at carry niya naman talaga. Maraming aktibo sa youth, sa music ministry, mayroon ding mga altar servers o mga sakristan; kailangan nga lamang ay pino sila o hindi hayag kapag nasa altar.

sadly, not all of us are openly gay in serving Christ. Nakarinig na ba kayo ng Gays for Christ? Eto yung nais ko sanang itaguyod. Kung may Singles, Couples, Youth, etc for Christ bakit hindi ang mga bading di ba? Kesa naman pilitin niyo kaming gawing straight para lang makapaglingkod kay Kristo, bakit hindi na lang kaming tulungang gawing karapat-dapat na mga bading sa paningin ng Panginoon? Sabi nga ng propesor ko nung college (pari na siya ngayon ha at hindi siya bading) HOMOSEXUALITY IS ANOTHER PERFECTION. e paano nga kaya? e marami pa ring makabagong Pariseo? sa simbahan lamang na aking pinaglililingkuran, isang batalyon sila.

yun ang pangalawa kong gustong ipunto: i am not special. hindi abnormal, special, or mental case ang isang bading. nagkataon lang na pinili ko ang daan ng paglilingkod. come to think of it, kahit sino dapat ito ang dapat tahakin: ang buhay paglilingkod. nagkataon lang din na bading ako. walang special label, walang name tag. bading. period. tagapaglingkod. period.

kahit sino, nararapat lamang makapaglingkod in his, her or whatever capacity. pero sa totoong buhay lang, hindi ito madaling tanggapin.

hindi ito kayang tanggapin ng mga tumatatandang paurong. sa aming Simbahan, maraming matatandang kahanga-hanga. mga tahimik na naglilingkod. mula pagbukas sa madaling araw hanggang sa pagsara sa Huling Misa sa gabi. dun na sila inaabutan ng dapithapon ng buhay. mga tahimik na tumanggap ng mga pananagutan na binibigay sa kanila. walang reklamo. walang satsat o pag-iimbot. sila nga yung mga nanay at lola ko na nagpapalakas ng aking loob kapag nanghihina at nanghihinawa ako sa paglilingkod. kung sila nga hindi napapadapa ng sakit o pasakit, ako pa ba ang bibigay?

pero marami rin sa aming matatandang paurong. mga nagrereyna-reynahan. mga reklamadora. mga umaastang akala mo ay pag-aari nila ang Pari at ang Simbahan. mag mahilig magtamo at manumbat. minsan nga, sinabi ko na sana maging bading mga apo nila. on second thought, binawi ko. naisip ko, karangalan ang magkaroon ng anak, kapatid o apong bading, hindi sumpa.

hindi rin kayang tanggapin ng mga machong naglilingkod na isang bading ang kukumpas sa kanila. what? those ministers and knights will take orders from a gay man? nananaginip ka ba? masakit sa akin pero sanay na ako. ilang taon na ring ganyan. ilang beses na silang nagpalit ng presidente at coordinator. nandito pa rin ako. last gay, este, man standing.

pero marami sa kanila, feeling powerful. gusto akong patalsikin. pati minutes gustong pakialaman. pati closeness ko sa mga pari, issue. wala naman akong pakialam kung ayaw nila sa akin e. okay lang din naman kung hindi nila imbitahan sa kanilang mga birthday party o binyag ng kanilang mga anak. (hindi rin naman sila kumbidado sa aking mga party, hehehe). pagod na ako sa kaka-please sa kanila. eto pa rin naman ako, ako pa rin pinili ng Kura Paroko. kahit sabihin pa nila sa Santo Papa o i-petition pa nila sa Vatican.

hindi rin kayang tanggapin ng mga mayayaman kong ka-Parokya. Kaunti lang naman mayaman sa amin, kaya kaunti lang naman yung talagang naglilingkod sa kanila. Yung iba, nagpapanggap lang na mayaman. Yung iba nagpapanggap na naglilingkod. Yung karamihan, pareho. Nagpapanggap na mayaman at naglilingkod. Pero ang totoo, nabubuhay sa favors. sa utang na loob.

Kailangan may sariling oras ng binyag, at ibang chapel. Kailangan may misa sa tapat ng bahay nila. Kailangan laging nandun ang pari sa mga okasyon nila... hay naku. Di kasi ubra sa Kura Paroko namin ang mga special favors. Dangan lamang, ako nababagsakan ng sisi at puna. Pinagbibigyan masyado itong mga dyaskeng donya-donyahan at hari-harian ng aming parokya. kailangang may reservation ang kanilang upuan sa Simbahan. kailangan lagi silang imbitado....
pero kapag hihingan mo o bibigyan ng sobre para sa mahihirap, puro reklamo. may donor fatigue daw. ano naman ba daw ito. ang lakas pa ng loob magduda at magkuwenta. at manumbat.

sabi ko nga lagi, kung ako lang ang may yaman materyal. ni kalabit, di ko gagawin sa mga taong yan. kung manukat ng pagkatao, para kang sentimo. e ni piso, pahirapan sa pagbibigay.

hanggang ngayon, isyu sa mga taong ito ang aking pagiging bading. nung isang gabi lang ako pa ang gustong scapegoat sa kanilang kapalpakan. akala yata di ako marunong sumagot. akala yata di ako marunong masaktan.

kahit batiin mo ng good morning, para lang akong hangin na nagdaan. minsan, sinita pagsusuot ko ng shorts. minsan, yung ang aking language o choice of words. gusto pa yata akong gawing robot. nakakakita na bakyo ng baklang robot? di ako yun.

sabi nga ng nanay ko nung nabubuhay pa siya, gumalang sa nakakantanda at gumalang sa nakakakatanda. Gumalang sa nakakatanda. pasalamat sila at hindi nagkulang ang nanay ko sa paalalang ito. pero sori na lang din dahil tiniruan din ako ng nanay ko na manidigan. huwag raw akong papayag na gawin o tratuhin akong basahan. baklang basahan? asa pa sila.

tatayo ako at manininidigan.

kaya pupunta na ako sa aking ikatlong punto: I AM NOT PERFECT. Tulad niyo, isa pa rin akong makasalanan. Nadadapa pa rin ako, natutukso, nagkakasala. Sa kabila ng mahigpit na pagyakap at pagmamahal ni Kristo, kumakawala pa rin ako at nagkakasala.

pero sana, walang paghuhusga. is that too much to ask for? minsan, gusto ko na rin silang hamunin na batuhin ako ng mga taong walang bahid. sa tooto lang, ang dami na rin insulto ang pinagbabato sa akin eh. gusto kong imalik sa kanila, at least ako di nandadaya sa election at tapos nagbabasa ng Salita ng Diyos. At least ako di ako kasangkapan ng malawakang plunder sa gobyerno. At least ako.... pero ayoko. ayokng matulad sa kanila. Mapaghusga.

Yes, i am a sinner. Pero mapalad ako dahil ang dami-daming pinadala si Kristo upang yakapin ako at mahalin sa kabila ng aking pagkakasala.Yes, inspite and despite of me. (Gusto ko lang i-stress, hindi ako naging makasalan dahil bading ako. naging makasalanan dahil ako ay ako. My gayness is incidental for my being a sinner).

Mapalad ako dahil may tagakapit sa akin pag hinihipan ako ng hangin. tagapigil kapag ako ay yumayabang o limilipad sa ere. minsan kasi, sa paglilingkod, ako ang sumisikat, hindi si Kristo. Bad yun. marami akong taga-baba sa lupa.

Mapalad ako dahil maraming nagmamahal sa aking sa kabila ng mga pagdududa at paghuhusga sa aking pagkatao. Kaya nga wala rin akong karapatang manghusga! Dahil ako mismo, minahal nila! Niyakap ni Kristo!

kaya eto pa rin ako. naglingkod at maglilingkod. hindi ko kakayanin ito kung wala sa Kristo sa buhay ko. At ginagawa ko ito dahil at para sa kanya.


No comments: