1. Amoy Jovan. Pag papunta, asahan mo na ang sari-saring amoy ng pabango at pomada. Dito ko nga lamang nalaman na may gumagamit pa pala ng Tancho. Uso pa pala ang Jovan at mayroon pa rin palang Forest Interlude. Mayroon ding mga amoy banig pa at mayroon ding amoy tapsilog. Alam na alam mo kung anong almusal nila.
2. Tibayan ang dibdib. Literally, dibdiban ang labanan sa puwesto sa loob ng tren. Kung ayaw mo nang siksikan, sabi nga ni Manong Guard sa Sta. Mesa Station, magtaxi ka. Pero kung nagtitipid o nagmamadali ka o gusto mo lang ma-experience, be ready to be bumped. Gamitin ang pagiging quarterback o sumo wrestler. Make sure also na kaya mong tumayo nang 15 minutes habang nagpapagewang-gewang ang tren sa daang bakal.
3. Kung babae ka, dun ka. May reserved coach para sa mga babae (unfair!) kaya please lang huwag nang makipagsiksikan pa sa lugar ng mga lalaki (kami na lang makikipagkapaan sa kanila!). Ewan ko ba sa mga ibang girl, gustong-gustong pumapagitna sa mga brusko. Gustong-gustong makipagdibdiban kahit wala namang boobs! Tse. Huwag nang umasa na may magpapa-upo sayo. Hello.
4. Kumapit. Kung wala ka nang rail na makapitan, ok lang dumantay sa katabi. Make sure lang walang malisya o hindi pabigat ang iyong kapit. At huwag ding sa pantalon kumapit at baka may sumabit.
5. Wear a smile. You will never know kung sino makakasakay mo, kaya dapat easy ka lang. Wag magmasungit o magmaganda kung ayaw mong masiko. Kung manit ang ulo mo, wag dalhin dito. Magbigay ng daan sa iba at respect each other's space (gaano man ka-imaginary). Wag ka ring umere na feeling boss ka, hindi uubra dito yan kahit amoy perry ellis ka pa. Dahil pangmasa ang tren, asahan mong pantay-pantay lahat dito. Kung nababahuan ka sa katabi, think of happy thoughts na lang. Swerte-swerte lang yan.
6. Ingat sa mandurukot. Kahit saan meron. Pero wag naman ma-praning na lahat ng katabi ay tinuturing mong suspek. Ang sinasabi lang, mag-ingat. Mag-sling bag kung carry.
7. Huwag magbasa o maglaro ng PSP. Kung siksikan, huwag nang maging pasaway na para kang walang pakialam na maglalaro ng PSP at tutungkuran yung nasa harapan mo. Tsong, baka makutusan ka, di kita sagot. Kung magbabasa ka ng pocketbook o magazine o dyaryo, make sure na hindi ka sagabal sa iba. At huwag magsuplado, dahil kung magbabasa ka, asahan mong makikibasa ang katabi mo. Pahiram mo na lang yung sports page.
8. Gamitin ang phone ethics. Naku maraming ganito, kung kailan nasa loob ng tren, dun magtetext o dun tatawag. At para malaman ng lahat na may load, makikipagsigawan siya sa kausap nya sa cellphone kahit puro sige-sige, ok-ok lang naman ang sinasabi.
9. Have fun. Sa lahat ng bagay, ito ang huwag na kakalimutan. Enjoy the ride. Lalo na kung it's the start of your day. Isipin mo rin na yung kasabay mo e nagsisimula rin ang araw at hindi mo hahangarin na sirain ang araw ng isa't isa.
Sakay na!
No comments:
Post a Comment