Tuesday, December 13, 2011

Kati Wala

...the Lord answered [her], '[Martha, Martha], you are worried and distracted  by many things; there is need of only one thing.'

Lately ay inaatake na naman ako ng matinding allergy. Kinakati ako in other words. Huling atake sa akin nang ganito ka-fierce ay noong Baguio retreat, as in buong leeg ko ay nabalutan ng makapal at pulang-pulang rashes. This time hindi lang leeg, pati magkabilang tenga, magkabilang pisngi, at ang nakakatakot ang paligid ng mga mata ni Angelita. Naiirita ako kasi madalas kapag nag-iisip ako ng malalim o yung tipong matutulog na lang ako ay umaatake siya. Yung tipong gusto kong magbabad sa whirlpool o itali ang aking mga kamay o burahin ang aking buong mukha.

Ayokong isipin na kaya ako nagkakakaganito ay dahil pressured ako. Sabi ko nga sa huling post ko sa facebook, I am not going to panic. Napost ko yun dahil one week to go ng party for kids, ang dami pang kulang, wala pang pledges for this and that, walang for pick-up. Hay. Hindi rin naman ako stressed o anxious o worried. It seemed that we were running out of time but I needed to be composed. And take a pause and PRAY.

Isang pikit ko lang ng panalangin, ayun may text na si Liz. May pasabi na si Dodjie. May tawag na mula kay Eli. May tawag na from Calgary. May message na from Ireland. Yung iba galing sa mga taong sa FB ko lang na-contact. Yung iba halos 20 years kong di nakikita. Yung iba, hindi ko talaga kakilala. Lahat sila, pinagkatiwala sa akin ang kanilang tulong upang mabigyan ng kaunting saya ang 200 bata ng Sampaloc.

Hindi ko alam kung bakit ako nangangati o bakit ako may allergy. Ang alam ko lang, hindi mawawala ang aking KATI. Ang kating makapaglingkod, the itch to serve. Ang kating makapagpasaya, The itch to make people happy. Ang kating maging alagad ni Hesus, The itch of discipleship.

Yun ang aking hangad: maging katiwala. At lahat tayo, hindi lang sina Beng, Liz, Dodjie, Gov Vi, Madam Nympha, Arnan, Bong, Eli, Che, Charles, Chu, Kris at iba pang tumugon [ pati rin yung mga nagpasabi na pass muna sila this year] ang kasama kong KATIWALA ni Hesus. Lahat tayo, lahat kayo. Sa mga munting pamamaraan, maaari tayong maging katiwala sa paglilingkod sa ating malililiit na kapwa.

Kasama sa dasal ko ngayon na mawala na aking pangangati sa katawan, pero sana, huwag mawala ang KATI NG PAGLILINGKOD, ang pagigiging KATIWALA. 




No comments: