Tuesday, July 21, 2015

To be gay and Catholic

To be understood. To be accepted and not just tolerated. To be heard and to be allowed to speak your mind. To be gay and Catholic.

Not every gay in this world can be ‘lucky’ to be wholly embraced in their churches and parishes, even in their homes. Not every gay can be given the opportunity to lead and to serve; to shepherd. I am lucky to be one.

I believe it’s not really about luck. I had my shares of struggles; I had my doses of rejections. I was stereotyped, maligned, discriminated and judged. But at the end of it all, love prevailed. Love prevails. The reason why I am still serving in our parish, the reason why I am surviving; it’s really about love, not luck.

Last Sunday, that love was affirmed. We were in a meeting, along with Parish leaders, members of the Parish Pastoral Council executive committee led by our Parish Priest, Fr. Erik. We talked about emerging ministries; about expanding our horizons in reaching out and serving. They acknowledged the little steps we are doing in establishing LGBT Ministry.

Our LGBT Ministry is NOT founded to provide a pastoral care for gay Catholics; it is not a rehabilitation center. We are not recruiting anyone to ‘heal’ and make him straight. There is no magic factory that will transform anyone to be a holy knight or a special minister. No lesbians will be forced to wear below-the-knee skirts to be accepted. No gays will be asked to remove their false eyelashes.

Our LGBT Ministry is giving all gays the opportunity to serve their Church. Thus, it is not a pastoral care ministry that makes gays automatic beneficiaries of programs; as a matter of fact, there is no program. It is calling the flock to come home, to make them feel comfortable, and to rediscover love, mercy and compassion taught by Jesus Christ.


To understand, to accept, to speak, to listen, to serve, to shepherd: to be prouder to be gay Catholics.

Tuesday, July 14, 2015

To be a parent of a gay child

Isa sa mga matalik kong kaibigan si Nanay Becka. Kasama ko sa simbahan at tinuring ko na talagang kapamilya. May mga anak siyang bakla. At lagi niyang sinasabi sa akin noon na pinagdarasal niya ang kanyang mga anak na bakla upang maging ‘matuwid’. Kawawa raw kaming mga bakla.

Maski kailan ay hindi ko matatarok ang damdamin ng isang magulang. Lalo na ng mga magulang ng mga bakla at tomboy o kung ano pa man ang tawag niyo sa amin. Sa mga sarili kong magulang, hindi man kami perpekto at tatlo man kaming baklang magkakapatid --- bagay na napakahirap tanggapin ng mga ibvang magulang --- hindi ko naranasang ilagay sa sako, itapon sa dagat, paamuyin ng pulbura o bigbugin dahil sa pagiging ako.

Pero dahil kay Nanay Becka, inisip ko marahil kaya lagi akong sinasama ng Mama ko sa pagnonobena sa Baclaran, sa St. Jude, sa Quiapo, sa St. Anthony sa Bustillos at kung saan-saan pa ay dahil gusto niya rin akong matuwid. Matuwid na tao sa matuwid na landas, hindi matuwid as in ‘straight guy’ o tunay na lalaki.

Wala naman sigurong magulang na gustong mapariwara ang kanilang mga anak. Pero ang tanong: may magulang bang magnanais na magkaroon ng anak na bakla?

Sinusundan ko ang blog ng isang Pastor at kamakailan lamang ay sinulat niya ito:



Sana lahat ng magulang ay ganito. 

To be young, gay and different

Nung bata pa ako, naririnig ko ang mga linyang ‘iba na mga bata ngayon.’

Sa panahon ng social media ngayon, ganun pa rin ang sinasabi ‘iba na ang mga bata.’

Marahil nabalitaan na nating lahat ang tungkol sa 15-year old TV star na nagpakamatay. Maraming nagtatanong kung bakit, walang sagot at hindi naman kailangan pang sagutin. Subali’t sadyang malikot ang isip at makati ang mga kamay, natagpuan sa isang social media account ang tila isang suicide note. Sabi, isang ‘panromantic demisexual’ ang bata, ‘ássigned female at birth, identified as nonbinary’’. Sa mga bata ngayon, mas naiitindihan nila kung anong kasarian nung nagpakamatay. Yung iba iniisip, yun ang dahilan nang pagpapakamatay ‘ iba na talaga mga bata ngayon.’

Marahil napanood na rin ang live streaming, maski man lang screen shot o sa youtube na lang, ng PBB kung saan pinapakita ang sweetness ng dalawang kabataang Pinoy. Yung isa e totoy pa. May mga akmang halikan, may holding hands at yakapan sa swimming pool. May patungan, tabihan, kandungan at sabi, hipuan sa ilalim ng kumot. Sabi nung totoy, he’s like a brother to me. Sabi ng mga malisyoso, bakla sila pareho. Sabi nga,’ iba lang talaga mga bata ngayon.’

Marahil, iba nga ang bata ngayon. Nagbabago talaga ang panahon, nagbabago rin ang pananaw.

Pero may hindi pa rin nagbabago. IBA pa rin ang tingin sa mga bakla at tomboy. Iba pa rin ang pakikitungo. Iba pa rin ang turing. Lalo na kung bata pa.

Noong isang Linggo, may isang kabataang taga-Simbahan ang humingi ng payo sa LGBT Ministry ukol sa kanyang pagiging kasapi ng isang religious organization. Kinausap daw sya ng kanilang pinuno at sinabihang ‘nalilihis ng landas, babagsak na sa impyerno, kinukunsinti ng magulang pero sa amin hindi maaari.’ Dahilan para siya ay maguluhan, dahilan para sya ay magtanong ‘iba ba talaga tayo sa paningin ng Diyos?’

Iba na ang mga bata ngayon.

PS.

Sa mga kabataang nakakaranas ng takot o lungkot at pagkalito o pagkabigo dahil sa kanilang pagiging  ‘iba’, narito lang ako, 09176274233.