Nung bata pa ako, naririnig ko ang mga
linyang ‘iba na mga bata ngayon.’
Sa panahon ng social media ngayon, ganun pa
rin ang sinasabi ‘iba na ang mga bata.’
Marahil nabalitaan na nating lahat ang
tungkol sa 15-year old TV star na nagpakamatay. Maraming nagtatanong kung
bakit, walang sagot at hindi naman kailangan pang sagutin. Subali’t sadyang
malikot ang isip at makati ang mga kamay, natagpuan sa isang social media
account ang tila isang suicide note. Sabi, isang ‘panromantic demisexual’ ang
bata, ‘ássigned female at birth, identified as nonbinary’’. Sa mga bata ngayon,
mas naiitindihan nila kung anong kasarian nung nagpakamatay. Yung iba iniisip,
yun ang dahilan nang pagpapakamatay ‘ iba na talaga mga bata ngayon.’
Marahil napanood na rin ang live streaming,
maski man lang screen shot o sa youtube na lang, ng PBB kung saan pinapakita
ang sweetness ng dalawang kabataang Pinoy. Yung isa e totoy pa. May mga akmang
halikan, may holding hands at yakapan sa swimming pool. May patungan, tabihan,
kandungan at sabi, hipuan sa ilalim ng kumot. Sabi nung totoy, he’s like a
brother to me. Sabi ng mga malisyoso, bakla sila pareho. Sabi nga,’ iba lang
talaga mga bata ngayon.’
Marahil, iba nga ang bata ngayon. Nagbabago
talaga ang panahon, nagbabago rin ang pananaw.
Pero may hindi pa rin nagbabago. IBA pa rin
ang tingin sa mga bakla at tomboy. Iba pa rin ang pakikitungo. Iba pa rin ang
turing. Lalo na kung bata pa.
Noong isang Linggo, may isang kabataang
taga-Simbahan ang humingi ng payo sa LGBT Ministry ukol sa kanyang pagiging
kasapi ng isang religious organization. Kinausap daw sya ng kanilang pinuno at
sinabihang ‘nalilihis ng landas, babagsak na sa impyerno, kinukunsinti ng
magulang pero sa amin hindi maaari.’ Dahilan para siya ay maguluhan, dahilan
para sya ay magtanong ‘iba ba talaga tayo sa paningin ng Diyos?’
Iba na ang mga bata ngayon.
PS.
Sa mga kabataang nakakaranas ng takot o lungkot at pagkalito o pagkabigo dahil sa kanilang pagiging
‘iba’, narito lang ako, 09176274233.
No comments:
Post a Comment