Isa sa mga matalik kong kaibigan si Nanay Becka. Kasama
ko sa simbahan at tinuring ko na talagang kapamilya. May mga anak siyang bakla.
At lagi niyang sinasabi sa akin noon na pinagdarasal niya ang kanyang mga anak
na bakla upang maging ‘matuwid’. Kawawa raw kaming mga bakla.
Maski kailan ay hindi ko matatarok ang damdamin ng isang
magulang. Lalo na ng mga magulang ng mga bakla at tomboy o kung ano pa man ang
tawag niyo sa amin. Sa mga sarili kong magulang, hindi man kami perpekto at
tatlo man kaming baklang magkakapatid --- bagay na napakahirap tanggapin ng mga
ibvang magulang --- hindi ko naranasang ilagay sa sako, itapon sa dagat,
paamuyin ng pulbura o bigbugin dahil sa pagiging ako.
Pero dahil kay Nanay Becka, inisip ko marahil kaya lagi
akong sinasama ng Mama ko sa pagnonobena sa Baclaran, sa St. Jude, sa Quiapo,
sa St. Anthony sa Bustillos at kung saan-saan pa ay dahil gusto niya rin akong
matuwid. Matuwid na tao sa matuwid na landas, hindi matuwid as in ‘straight guy’
o tunay na lalaki.
Wala naman sigurong magulang na gustong mapariwara ang
kanilang mga anak. Pero ang tanong: may magulang bang magnanais na magkaroon ng
anak na bakla?
Sinusundan ko ang blog ng isang Pastor at kamakailan
lamang ay sinulat niya ito:
Sana lahat ng magulang ay ganito.
No comments:
Post a Comment