Kung hindi pa ninyo napapanood ang video tungkol kay Karen Klein, ang 68-year old bus monitor who was BULLIED and TORMENTED by kids, click this: http://www.youtube.com/watch?v=E12R9fMMtos
Nakakagalit. Nakakapikon. Nakakainis. Nakakaiyak. Kung ikaw ay natawa o natuwa (sa English, amused) sa mga pinagsasabi ng mga bata tulad ng "You fucking fat ass...look at all this flab right here" "I can't stand looking at your face, put your glasses back..." What's your address...so I can piss all over your door." Tanginathis, may tama ka na sa utak. Kung idadahilan mo e mga bata yan at nagkakatuwaan lang, ang wish ko lang makasakay ka sa letseng school bus na yan at makatuwaan ka rin. At kung sasabihin nating lahat, e sa States naman nangyari yan, mga bastos talaga mga bata dun, mag-iisip tayo at magpakatotoo.
Kaya rin ako naiiyak dahil bigla kong naalala yung mga teacher ko nung high school. Si Ms. L na tuwing daraaan sa corridor ay biglang maghahalinghingan ang mga estudyante o kaya sisigaw ng 'tigidig, tigidig, nandyan na ang kabayo'. Si Ms A, na ang bansag sa kanya ay bukbok, tuwing tatalikod sa klase at haharap sa blackboard, magtatawanan ng 'bukbok-bukbok-bukbok-bok-bok'. O si Mr B, nagkalat sa pader at sa CR ang drawing ng kanyang ari, dahil tawag sa kanya "Manyak". Si Sir P, tawag bisugo.
Alam ko iniyakan din nila ang panunukso at pangungutya naming mga estudyante. Alam ko nasaktan din sila.
Naaalala ko si Ms. P na pinaglalaruan ng mga babaeng estudyante dahil sa kanyang makapal na salamin. At isa pang Ms A na binobosohan ng mga lalaki at yung iba pa habang naglalakad ay aakbayan o babanggain ang boobs. Naalala ko yung kabigan kong teacher, si Sir R, tawag sa kanya Bitoy. Naalala ko yung kapatid kong guro.
Alam natin mali lahat yun, pero sa tingin ng iba, katuwaan lang. Part of growing up.
Alam ko kayo rin dumaan sa ganito, yung nangutya ng teacher, yung pinagtawanan o binansagan nang kung ano-ano. Alam ko naranasan ninyo rin ito, ang mambastos paharap man o patalikod ng ating guro --- maging ng mga security guard, maging ng mga maintenance o accounting personnel, maging ng mga madre o pari.
Alam ko minsan naging bata tayo at gumawa ng mga kalokohan, kasama na ang pagtawanan at paglaruan ang ating mga teacher at iba pang nakakatanda sa atin. Tandaan lang natin, tatanda rin tayong tulad ni Miss Karen Klein.
Malinaw na malinaw, ang tawag diyan ay adult bullying. Ginagawa ng mga bata sa mga nakakatanda, ginanagawa ng mga estyudante sa kanilang mga guro. Ginagawa hindi lamang sa States, pero maging dito sa ating sa Pinas.
Sa aking pagninilay, HUMIHINGI AKO NG TAWAD KINA Miss Karen Klein, Ms. L, Ms. A at iba pa mga guro o school personnel na dumanas ng ganitong pangungutya at pambabastos. Humihingi rin ako ng tawad sa panahong wala akong ginawa o nagawa at minsan nga ay nakitawa pa. Humihingi ako ng tawad sa mga gurong nasaktan at nayurakan ang pagkatao.
Ipagpatawad niyo po, ma'am, sir.
Thursday, June 28, 2012
Wednesday, June 27, 2012
Mga Epal Kayo!
Epal
Isa ako sa masugid na sumusubaybay sa pagsasabatas ng
Anti-Epal Law (pati na rin sana yung RH Bill at FOI Bill). Kasi naman kahit
saan ka tuminigin ay namumutiktik ang tarpaulin ng mga politikong epal. Happy Fiesta. Happy Graduation Day. Happy
Birthday Jesus. Happy School Opening. Happy All Souls’ Day. Lahat na lang ng
happy mayroon. Mabuti nga sana kung happy tayong lahat sa pinagkakabit ng mga
epal na ito.
Sa aming lugar, may epal na nagpatayo ng ihian sa gilid ng
Simbahan at buong ningning na nilagay ang kanyang pangalan. Sarap lang isipin
na araw-araw na iniihian ang kanyang inaalagaang pangalan. May isa namang epal
na nakabit ang pagmumukha maging sa basurahan. Sarap lang isipin ang kanyang nabotox
na face ay mistulang tapunan ng lahat ng kalat at dumi.
Dahil naniniwala siguro na ‘the more the merrier’ kaya
pati asawa o kung sinumang kaanak ay sumama na rin sa kanilang epal bandwagon.
Tuloy raw ang serbisyo sabi ng tahimik na asawa ng isang reyna ng tarpaulin.
Kung kaya raw ni Misis, kaya rin daw ni Mister, sabi noong isang nagkalat na
tarpaulin. May asawa ni Dok, na kapuso
at kapamilya at kapatid ng bayan. Ewan. Mayroon ding tatay, may lolo, at baka
sa susunod pati alagang aso.
Nakakatawa minsan pero kadalasan, mas nakakainis. May
isang epal na sadyang lahat na yata ng Simbahan, lahat ng sulok ng distrito,
lahat ng puno at poste na maaari niyang tampalasin --- mayroon siyang
tarpaulin. Minsan nakacostume ng fireman para sabihin nagdonate siya ng fire
truck. Sarap lang isipin na sana nakawheel chair din siya noong sinabi niya sa
tarpaulin na may sampu siyang libreng wheel chair (Sampu!? Tinarpaulin pa!?)
Nagkalat ang libreng scholarship, libreng ganito at ganyan --- na sana nga
galing sa bulsa niya. Hello, buwis namin yan no, pati yung mga tarpaulin na pinagkakabit
ninyong mga epal kayo, buwis naming yan, mga buwisit kayo! Yung pagpapagawa ng
kalye, nakatarpaulin na parang sila nga nagpagawa. Ang masakit, lagpas na sa
deadline at hirap na hirap na kami sa kalyeng itong di matapos-tapos, pero ang
malamyos pa rin nilang mga ngiti ang nakikita sa tarpaulin. Ang sarap ngaratan
o lagyan ng sungay.
Pati Sakramento, hindi pinalalampas. Lahat ng epal may
libreng binyag, libreng kasal, libreng libing --- pati yun nakatarpaulin. Mayroon
pang nag-i-speech pa bago maganap ang binyag. Hindi bawal magalit ang pari at
kung akala niyaook lang sa pari ang kanyang ginawa, nagkakamali kayong mga epal
kayo. Tapos magpapapicture pa, gusto pa
nga sa altar! E may funeral mass na susunod eh, magpapicture din ba siya katabi
ng kabaong?!
Hay mahaba pa itong ka-epalan na ito. Magkakalat pa rin
ang mga tarpaulin, dadami pa rin ang hanep-buhay TVC ni Cynthia Villar at print ad
nina Chiz Escudero at Sonny Angara…marami pa ring epal na susulpot na parang
kabute habang papalapit na ang 2013.
Kaya magbantay tayo ha. Kunan ng litrato ang mga epal na
ito at ilagay sa Facebook at iba pang social network maging sa website ng mga
media organizations, at kung saan-saan pa. Ipahiya at ikalat natin ang kanilang ka-epalan
na parang sinasabi natin sa kanila na: Epal
kayo ha! Eto ang sa inyo!
Pero ang tanong, tatablan ba sila? E, epal nga eh! Kaya
dapat, isabatas na ang Anti-Epal Law. Now na!
Tuesday, June 26, 2012
Isang blog ng luha 2
Wala rin. Hindi rin ako nakaiyak para sa aking sarili gaya ng aking inaasahan sa aking nakalipas na blog. http://tonichiarcher.blogspot.com/2012/06/isang-blog-ng-luha.html
Mas naiyak pa ako sa galit noong nabalitaan ko sa text ang nangyari sa aso naming si Harry. Natanggap ko na nga nang maluwag sa aking kalooban na kailangan na naming siyang i-let go pero hindi ko inakala na pwede pa pala siyang mabuhay ng mas matagal. Hindi ko gusto yung word na 'abandonment' kahit alam mong nasa mas mabuti siyang kamay at ayon na rin sa text ng aking pinsan --- "pwede mo naman siyang dalawin, kuya". Sa inis, hindi na ako nagtext. Sa ngitngit, hindi ako umuwi ng maaga, sa galit at pag-alala --- iniyakan ko talaga si Harry ng bonggang-bongga. Kahapon, nagising ako ng alas tres ng madaling araw dahil parang narinig ko siyang kumakahol. Napabalikwas ako sa pagkahiga, naisip ko nakatakas siya PAWS at nakauwi pabalik. Pero wala,.Wala na talaga si Harry.
Mas naiyak ako sa galit at awa noong nalaman ko ang nangyari kay Jayson, isang Personal Trainer sa Fitness First. Akala ko nag-resign o nag-awol gaya ng karamihang fitness instructor na either lumilipat sa ibang gym o nakakahanap ng mas magandang trabaho (karamihan sa kanila RN o licensed physical therapist). Medyo magaan ang loob ko kay Jayson, ewan ko ba bakit. Hindi siya gwapo. Siya yung tipong hindi lalapitan masyado ng mga bakla at matronang client. Siya yung tipong out-of-place o parang hindi bagay doon. Ang alam ko nga nilakad lamang siya ng kaibigan niyang si Jasper (na nag-awol na rin) para makapasok sa Fitness First. May sakit daw kasi ang nanay nito, wala nang tatay, at apat pa ang kapatid na pinag-aaral sa probinsiya. Kailangang-kailangan ng trabaho kaya pinagbigyan siya.
Pero hindi madaling maging fitness instructor. lalo nasa Fitness First. Bagama't may basic salary, you earn more by getting a client or selling a PT program. Hindi pwedeng umasa ka lang sa basic mo dahil may quota kayo ng benta every period. Meaning, dapat makabudget ka ng benta. Halimbawa si Jayson, ang budget niya na dapat mabenta ay P60K sa loob ng isang buwan pero ang nabebenta lang niya ay 1K; bad record yun. Marahil dahil hindi siya gwapo. Out of place siya doon, ang personality niya ay hindi gaanong likeable. Pero sa akin, malpit siya sa akin at hindi nga Sir tawag niya sa akin, minsan Kuya Tonich, minsan Tay (na bagama't ayoko e tinatawanan ko lang).
Grabeng pressure yun para kay Jayson. Lalo na iniisip niya yung nanay niya na kailangang i-dialysis. Lalo na iniisip niya yung apat niyang kapatid sa probinsiya. Lalo na yung iniisip niya girlfriend niya for six years ay inisplitan siya dahil wala na raw siyang oras para dito simula ng nagtrabaho sa Fitness First. Lalo na siya pala mismo ay may kidney deficiency din at may maintenance med siya na halos isang buwan niya nang hindi natetake dahil wala na siyang pambili; kaya ayun namaga ang paa at halos hindi maka-assist sa kanyang kakaunti na ngang client.
Kahapon ko lang nalaman ang totoong nangyari kay Jayson.
Nag-break-out daw ito ng isang araw.
Niyaya ang isang kliyente ng mag-boxing ng walang gloves o kahit hand wrap. Sabi niya raw sa kliyente, depensa lang depensa lang habang si Jayson ang suntok ng suntok at ilag lang ilag yung kawawang kliyente.
Nagwala sa locker room dahil may hinanap na kung ano.
Nag-iiyak sa gym floor at nagsisigaw dahil wala pa raw siyang benta at nanganganib matanggal sa trabaho.
Tapos, salita na raw ng salita. Sigaw ng sigaw. Mura ng mura. Nagwala ng tulad ng isang taong tuluyan ng nawala sa sarili.
Sabi raw ng magaling na manager na laging nakangiwi ang pagmumukha: Papapulis kita! Papakulong kita!
Hindi nakulong si Jayson. Bagkus siya ay dinala sa Mandaluyong.
Naiyak ako sa galit at awa sa ginawa nila kay Jayson. Naiyak ako sa galit at awa sa nangyari sa isang taong nangarap lamang na mabigyan ng kaunting kaginhawaan ang kanyang pamilya. Naiyak ako sa galit at awa dahil wala man lang kumalinga kay Jayson, walang nakinig o umintindi, walang kumausap. Naiyak ako sa galit at awa dahil sa halip na siya ay tulungan, si Jayson ay sinaktan pa raw ng mga kasamahan at kinaladkad palabas.
Naiyak ako sa galit at awa sa nangyari kay Harry at Jayson dahil WALA AKONG GINAWA, WALA AKONG NAGAWA.

Friday, June 22, 2012
Isang blog ng luha
Luha
May katagalan na rin akong di nakakapag-blog. Bagama’t
sankaterbang ideya ang pumapasok at sandamakmak na pangyayari ang
worth-blogging, hindi ko pa rin nasulat o nasalin sa titik. Lahat nasa utak
lamang, lahat nasa larawang diwa lamang. Nakikita sa isip, nadarama sa puso ---
pero hindi ko maisawalat sa pamamagitan ng pagsulat.
May katagalan na rin akong hindi umiiyak talaga. Naluha
ako kagabi sa His Last Gift, isang Korean movie tungkol sa isang napariwarang
ama na binigay ang kanyang liver sa kanyang anak na di siya kinilalang ama.
Naluha ako noong isang linggo noong pinanood ko muli (ika-54th time
na) sina Popoy at Basha. Naluha ako kanina noong natanggap ko nang kailangan ko
nang magpaalam kay Harry, ang alaga naming aso. Ang desisyon ko na lang pala
ang hininihintay nila. Kasi alam sa bahay na mahal na mahal ko si Harry kahit
saksakan ng kulit. Pero may mga pagkatataong kailangan na talagang magpaalam
--- maging sa tao o aso man.
Si Harry yung kayakap ko dito.
Pero yung luha talaga para sa akin ay matagal nang
hindi. Hindi ko alam kung magka-ugnay ang hindi ko pagsususulat sa hindi ko
pag-iyak o pag-emote, pero sadyang nagkataong sinipag ako ngayon dahil parang
gusto ko ring umiyak eh. Yung iyak as in iyak. Hindi yung titingala sa langit
na kunwari pinipigilan ang pagpatak ng luha. Hindi yung kinukusot ang mata o
sumisinghot para lang ma-induce ang luha. Kundi yung luha na kusang aagos dahil
kailangang ilabas. Parang catharsis, yung iiyak mo lahat para in the end you
will feel better.
Pero ano nga ba ang dapat kong iiyak? How I wish I can
share it with all of you. Sa akin na lang muna. Ako na lang muna ang iiyak. Pero
darating din tayo dyan. Mapapaluha ko rin kayo. Malalaman niyo rin, ikanga, sa
takdang panahon.
For the meantime, please excuse me as I cry my heart
out. Alone.
Subscribe to:
Posts (Atom)