Luha
May katagalan na rin akong di nakakapag-blog. Bagama’t
sankaterbang ideya ang pumapasok at sandamakmak na pangyayari ang
worth-blogging, hindi ko pa rin nasulat o nasalin sa titik. Lahat nasa utak
lamang, lahat nasa larawang diwa lamang. Nakikita sa isip, nadarama sa puso ---
pero hindi ko maisawalat sa pamamagitan ng pagsulat.
May katagalan na rin akong hindi umiiyak talaga. Naluha
ako kagabi sa His Last Gift, isang Korean movie tungkol sa isang napariwarang
ama na binigay ang kanyang liver sa kanyang anak na di siya kinilalang ama.
Naluha ako noong isang linggo noong pinanood ko muli (ika-54th time
na) sina Popoy at Basha. Naluha ako kanina noong natanggap ko nang kailangan ko
nang magpaalam kay Harry, ang alaga naming aso. Ang desisyon ko na lang pala
ang hininihintay nila. Kasi alam sa bahay na mahal na mahal ko si Harry kahit
saksakan ng kulit. Pero may mga pagkatataong kailangan na talagang magpaalam
--- maging sa tao o aso man.
Si Harry yung kayakap ko dito.
Pero yung luha talaga para sa akin ay matagal nang
hindi. Hindi ko alam kung magka-ugnay ang hindi ko pagsususulat sa hindi ko
pag-iyak o pag-emote, pero sadyang nagkataong sinipag ako ngayon dahil parang
gusto ko ring umiyak eh. Yung iyak as in iyak. Hindi yung titingala sa langit
na kunwari pinipigilan ang pagpatak ng luha. Hindi yung kinukusot ang mata o
sumisinghot para lang ma-induce ang luha. Kundi yung luha na kusang aagos dahil
kailangang ilabas. Parang catharsis, yung iiyak mo lahat para in the end you
will feel better.
Pero ano nga ba ang dapat kong iiyak? How I wish I can
share it with all of you. Sa akin na lang muna. Ako na lang muna ang iiyak. Pero
darating din tayo dyan. Mapapaluha ko rin kayo. Malalaman niyo rin, ikanga, sa
takdang panahon.
For the meantime, please excuse me as I cry my heart
out. Alone.
No comments:
Post a Comment