Wednesday, June 19, 2013

Losing

I am about to lose a job on July 15, as served notice stipulates.

At my age at 45, I am considering my options:

A)   Mag-apply na taga-abot ng jacket ni Willie Revillame
B)   Humabol sa blind auditions ng The Voice of the Philippines
C)   Sumali sa Gay Council ng CPP-NPA at sa bundok makibakla este makibaka
D)   Mag-asawa ng mayaman, yung kasing yaman ni Kris Aquino

Pero mukhang not doable, kaya pwede ring:

A)   Tumalon sa building pero tiyaking may coverage ni Doris Bigornia
B)   Sumulat sa MMK at i-request na si Piolo ang gaganap na ako
C)   Ibenta ang katawan sa mga sakang, kasama na kidney
D)   Mag-macho dancer sa Afghanistan o Mag-boksingero sa Mexico

Kidding aside, malungkot ako. Sino ba namang mawawalan ng trabaho ang matutuwa? Natural, iniisip ko yung mawawalang income, kahit sabihin pang may iba pa akong racket. Kaya nga biglang dagdag kita, iniisip kong:

A)   Magtinda ng sago at gulaman at karokya sa tapat ng bahay namin
B)   Sumampa sa mga barkong lumalayag at mag-alok ng manicure-pedicure at kulot
C)   Tumanggap ng labada pero bawal ang mga panty at bra (baka masukahan ko)
D)   Magkunwaring bulag at mag-alok ng masahe sa airport at mall

Seriously now, mas malungkot ako para sa mga kasamahan ko at lalo na dun sa boss ko. Pagkatalikod ko nga kay Boss ay di na napigilang umiyak. Nakakahiya mang sabihin, nakaramdam ako ng awa, hindi para sa akin, kundi para sa kanya at para sa mga kasamahan ko. Mahal ko itong kumpanyang ito eh. Nilayasan ko na dati, pinabalik pa ako. Pinagsarahan na nang pintuan, pero lahat ng bintana pati fire escape binuksan. Dito na ako nagkaroon ng puting pubic hair, dito na lumala ang aking varicose veins, dito na tumaba, sumobrang taba at pumayat, dito nagkasugat-sugat ang aking puso --- the whole gamut of emotions --- galit, tampo, takot, aligaga, kaba, tuwa, saya, at ngayon, lungkot. Sobrang lungkot. Matinding lungkot.

Akala ko handa ako. Akala ko alam ko na yung pakiramdam. Hindi pala. No one will be ever prepared; no one will easily accept losing someone or something. It’s not just a job that I am losing; I am losing a company, I am losing this family.

After July 15, hindi ko alam ang gagawin. Malamang pumunta ako sa mga ancestors namin sa Spain o mamasyal muna sa Costa Rica. O kaya magpunta sa Discovery Boracay. O baka magmuni-muni sa riles ng tren. Bahala na.

Ang totoo, nagpapatawa lang ako, pero malungkot palang talaga ang mawalan.



Tuesday, June 18, 2013

Angel in a Devil's Jacket

Kapag ganitong tag-ulan, isang malaking good luck sa ating lahat sa pagsakay ng taxi. Nandun yung namimili ng pasahero, nangongontrata, nagpapadagdag. Para bang ang mga taxi driver ay biglang nasasaniban ng demonyo dahil alam nilang maraming pasahero kapag umuulan. 

Kahapon ay may pinuntahan ako sa may Filmore, Makati. Medyo napasarap ang tsikahan at ang oras ay di namalayan. HIndi ko rin naramdaman na umuulan na pala. Paglabas ko ng condo nang bandang 6:30PM ay saka ko lamang nalaman mula sa guwapong SG na bumuhos pala ng malakas ang ulan. Patay sabi ko, pahirapan sa taxi nito. Nagvolunteer ang SG na itawag ako ng taxi, medyo natagalan kasi puro may sakay ang dumadaan. Nang sa wakas ay may taxi na tumigil, hinanda ko na ang sarili sa pakikipag-haggle sa demonyo. Inaasahan ko na ang pangongontrata o pagpatongpats ng taxi fare. Carry lang sabi ko sa sarili, mahalaga makauwi at baka lumakas pa uli ang ulan.

Nung sumakay na ako ay isang malaking OMG ang aking nasambit dahil kamukha ni Max Laurel yung driver. Alam mo yung mga kontrabida sa pelikula nina Jeric Raval o Roi Vinzon? Ganun yung peg. Dangan lamang ay hindi naka-leather jacket. Gusto ko mang bumaba, wala na akong choice. Pero milagro, hindi siya namresyo. In other words, nung sinabi ko yung destination ko, hindi niya sinabing. sir dagdag ng 50pesos dun ha...traffic kasi. Walang ganun. Check.

Pangalawang milagro, walang traffic sa kahabaan ng south super, malamang stranded pa sa loob ng Makati, sabi namin pareho. Galing daw siya sa Guadalupe, baha na raw talaga at hanggang Ocampo ay gapang na siya. Hanggang Qurino ay smooth sailing kami. PInagtripan namin yung bagong Audi sa harapan namin. Sabi niya, kahit ganito ako kapangit, kapag yan minamaneho ko, magiging Piolo ang dating ko....'  Ang lakas ng tawa ko sa mamang ito. Check. 

Pagdating namin sa Pedro Gil ay baha na, at pagkatapat sa Plaza Dilao, dito na nagkatipon-tipon ang mga sasakyan sa traffic. Tinanong nya kung gusto kong kumaliwa at sa Paz dumaan. Ayoko. Una, madilim. Pangalawa, baha. Pangatlo, wala pa rin akong tiwala kay Max Laurel na driver. Sabi ko na lang mas traffic dun sa bandang Unilever dahil sa mga truck na galing o papuntang Romualdez. Ay oo nga, sabi niya. Kinuwento niya na dati siyang delivery driver sa 'putang inang unilever na yan..' At habang pinagtyatyagaan namin yung mahabang traffic hanggang Nagtahan ay marami na siyang kuwento na punumpuno ng 'putang ina...'  

Pangatlong milagro, wala siyang sad story. Kalimitan kasi ng mga driver ay puro reklamo o puro problema ang kinukwento. Style nila yun para maawa ka at magdagdag ng tip sa pasahe. Itong si Max Laurel ay puro kalokohan at mura ang laman ng bibig. Tungkol sa boss niya, sa mga kasamahan niya, sa misis niya, sa mga makukulit niyang anak. Puro masasayang kuwento na hindi mo aasahan sa ganung pagmumukha niya. Kapag pagod na siyang magkuwento sa akin ay tatawag naman siya sa mga ka-driver niya at mangangamusta kung nasaan. Tuturuan niya kung saan dapat idaan, kung anong kalye dapat iwasan. Ayos siya di ba? Yung isa niyang natawagan ay papuntang Floodway sa Pasig. Sabi niya, pare bigyan mo muna ng jacket yang pasahero mo at patulugin mo muna, bukas na kamo kayo makakarating. Exagg pero iba yung delivery niya eh. Tapos, susundan pa ng malutong na PI at halakhak. Check na check.

Nalagpasan namin ang Nagtahan ng walang hassle, sa baba ng flyover ay gapangan papuntang Sta. Mesa. Sa Forbes ay pwede kang magskateboard dahil walang sasakyan. Malamang, ipit pa sa Espana. Pagdating sa G. Tuazon ay dito na kami nahassle. Buwelta kami sa loob, aba, mistulang parking lot. Buwelta na kami. Binuksan niya yung bintana at lahat ng papasok at makakasalubong na sasakyan ay sinasabihang huwag nang tumuloy, lagpas bewang ang baha, pare. Exagg pero alam mong hindi niya kailangang gawin pero dahil may concern sa kapwa driver, ginawa pa rin niya.

HIndi niya na alam kung saan dadaan kaya tinanong ako. Sabi ko dun sa gilid ng Ospital nng Sampaloc, may maliit na kalyeng shortcut, medyo may baha at medyo delikado dahil maraming informal settlers dun. Sabi niya, huwag kang matakot dun sir, kaya natin yun. Ikaw na ang maging Max Laurel! From there ay konting paikot-ikot pa hanggang makarating na kami malapit sa amin. 

Tinanong niya ako kung saan yung simbahan sa Balic-Balic, sabi ko dun ako malapit. Kanto lang namin kako. Sabi niya dadaan muna raw siya, sabi ko sarado na yun. Okay lang daw, madaan lang daw niya yung taxi niya. 

Pagbaba ko sa kanto namin ay nakita ko ngang dinaan niya yung taxi sa tapat ng Simbahan, saglit siyang huminto at pagkatapos ay bumuwelta na. Alam kong nagsambit siya ng panalangin sa Panginoon. 

Kung sino ka mang Max Laurel ka, salamat sayo. Isang kang anghel at magiting na taxi driver. 




PS. 
Pagdating ko sa amin, aba isang malaking surprise uli! May pizza. Yung utol ko na #medyobadboy na kagawad sa barangay namin ay sumuweldo pala at milagro nang-libre! Ang galing talaga ni Lord! 





Wednesday, June 5, 2013

No Homo


Ano bang petsa na?

Bakit ba hanggang ngayon ay makaluma pa rin ang pananaw ng karamihan sa pagiging bading. Sa panahon ng hiphop at fliptop, sa panahon ng social media --- mas naging balahura ang tingin at paggamit sa salitang bakla. Ang tingin pa rin nila ay ang bakla ay katumbas ng pagiging duwag, ng pagiging mahina, ng pagigang malamya at walang paninindigan, at paglalandi at pakikipagtalik sa same sex ang inaatupag. Katulad na lamang ni Roy Hibbert (ayan tuloy natalo) ng Indiana Pacers, nasambit ang katagang  ‘no homo’ na slang o street phrase para ipamukha ang kanyang tapang at galing. Nakalimutan, o nakapa-insensitive on his part, na kamakailan lamang ay may isang Collins na naglalaro rin sa NBA na umaming isang siyang bading.

Hindi lamang sa mga banyaga uso itong ‘no homo’ thing na ito. Maging sa mga Pinoy fans ng NBA ay tila nagpi-feeling Kano ang ilan at ganun na rin ang turing sa kapwa. Kapag hindi raw fan ng Miami Heat, hater. Kapag fan daw ni Kobe, bading. Kapag papalit-palit ng team, gay. Kapag may kaasaran sa Facebook ukol sa pagkatalo ng team, magtatawagang gay. Mayroon akong tinapik through PM na mag-ingat sa paggamit ng salitang gay. Ang sagot niya ay isang classic bigotry: biruan lang daw yun, katumbas ng murahan. Ang turing nila sa salitang gay ay deregatory at profanity at ang pagiging bakla ay isang malaking CURSE. Sa simpleng salita, isang sumpa.

Ano nga uling petsa na?

Bakit ang CBCP hanggang ngayon ay ganun pa rin ang tingin sa pagiging bakla o tomboy? Sabi ng napakahusay na si Fr. Melvin Castro ng Family and Life, si Charice na umaming tomboy kamakailan lamang ay dumadaan lamang sa identity crisis. Identity Crisis my foot! Naman, napaka-80’s ng term na ito, Fr Melvin!

Pero sige gamitin natin. Gamitin po ninyo sa inyong sariling bakuran. Gamitin ninyo po sa ilang Obispo na hindi alam kung ano o sino talaga ang pinaglilingkuran. Gamitin ninyo po sa mga paring hindi alam ang ibig sabihin ng Simbahan ng mga Dukha. At huwag na tayong lumayo sa topic, gamitin po ninyo sa mga seminarista at mga kapariang may bahid. Identity crisis ba kamo, Fr. Melvin? Wala po bang salamin sa inyong palasyo?

The last time we gays and lesbians checked our mirrors, we took pride of what we saw: our true selves. At hindi po yun identity crisis.

Bilang panghuli, nais kong sabihin ito:

I am no homo, I am human. We are all human and we ought to be respected as such.