Wednesday, June 19, 2013

Losing

I am about to lose a job on July 15, as served notice stipulates.

At my age at 45, I am considering my options:

A)   Mag-apply na taga-abot ng jacket ni Willie Revillame
B)   Humabol sa blind auditions ng The Voice of the Philippines
C)   Sumali sa Gay Council ng CPP-NPA at sa bundok makibakla este makibaka
D)   Mag-asawa ng mayaman, yung kasing yaman ni Kris Aquino

Pero mukhang not doable, kaya pwede ring:

A)   Tumalon sa building pero tiyaking may coverage ni Doris Bigornia
B)   Sumulat sa MMK at i-request na si Piolo ang gaganap na ako
C)   Ibenta ang katawan sa mga sakang, kasama na kidney
D)   Mag-macho dancer sa Afghanistan o Mag-boksingero sa Mexico

Kidding aside, malungkot ako. Sino ba namang mawawalan ng trabaho ang matutuwa? Natural, iniisip ko yung mawawalang income, kahit sabihin pang may iba pa akong racket. Kaya nga biglang dagdag kita, iniisip kong:

A)   Magtinda ng sago at gulaman at karokya sa tapat ng bahay namin
B)   Sumampa sa mga barkong lumalayag at mag-alok ng manicure-pedicure at kulot
C)   Tumanggap ng labada pero bawal ang mga panty at bra (baka masukahan ko)
D)   Magkunwaring bulag at mag-alok ng masahe sa airport at mall

Seriously now, mas malungkot ako para sa mga kasamahan ko at lalo na dun sa boss ko. Pagkatalikod ko nga kay Boss ay di na napigilang umiyak. Nakakahiya mang sabihin, nakaramdam ako ng awa, hindi para sa akin, kundi para sa kanya at para sa mga kasamahan ko. Mahal ko itong kumpanyang ito eh. Nilayasan ko na dati, pinabalik pa ako. Pinagsarahan na nang pintuan, pero lahat ng bintana pati fire escape binuksan. Dito na ako nagkaroon ng puting pubic hair, dito na lumala ang aking varicose veins, dito na tumaba, sumobrang taba at pumayat, dito nagkasugat-sugat ang aking puso --- the whole gamut of emotions --- galit, tampo, takot, aligaga, kaba, tuwa, saya, at ngayon, lungkot. Sobrang lungkot. Matinding lungkot.

Akala ko handa ako. Akala ko alam ko na yung pakiramdam. Hindi pala. No one will be ever prepared; no one will easily accept losing someone or something. It’s not just a job that I am losing; I am losing a company, I am losing this family.

After July 15, hindi ko alam ang gagawin. Malamang pumunta ako sa mga ancestors namin sa Spain o mamasyal muna sa Costa Rica. O kaya magpunta sa Discovery Boracay. O baka magmuni-muni sa riles ng tren. Bahala na.

Ang totoo, nagpapatawa lang ako, pero malungkot palang talaga ang mawalan.



No comments: