Ano bang petsa na?
Bakit ba hanggang ngayon ay makaluma pa rin ang pananaw
ng karamihan sa pagiging bading. Sa panahon ng hiphop at fliptop, sa panahon ng
social media --- mas naging balahura ang tingin at paggamit sa salitang bakla.
Ang tingin pa rin nila ay ang bakla ay katumbas ng pagiging duwag, ng pagiging
mahina, ng pagigang malamya at walang paninindigan, at paglalandi at
pakikipagtalik sa same sex ang inaatupag. Katulad na lamang ni Roy Hibbert
(ayan tuloy natalo) ng Indiana Pacers, nasambit ang katagang ‘no homo’ na slang o street phrase para
ipamukha ang kanyang tapang at galing. Nakalimutan, o nakapa-insensitive on his
part, na kamakailan lamang ay may isang Collins na naglalaro rin sa NBA na
umaming isang siyang bading.
Hindi lamang sa mga banyaga uso itong ‘no homo’ thing na
ito. Maging sa mga Pinoy fans ng NBA ay tila nagpi-feeling Kano ang ilan at
ganun na rin ang turing sa kapwa. Kapag hindi raw fan ng Miami Heat, hater.
Kapag fan daw ni Kobe, bading. Kapag papalit-palit ng team, gay. Kapag may
kaasaran sa Facebook ukol sa pagkatalo ng team, magtatawagang gay. Mayroon
akong tinapik through PM na mag-ingat sa paggamit ng salitang gay. Ang sagot
niya ay isang classic bigotry: biruan lang daw yun, katumbas ng murahan. Ang
turing nila sa salitang gay ay deregatory at profanity at ang pagiging bakla ay
isang malaking CURSE. Sa simpleng salita, isang sumpa.
Ano nga uling petsa na?
Bakit ang CBCP hanggang ngayon ay ganun pa rin ang
tingin sa pagiging bakla o tomboy? Sabi ng napakahusay na si Fr. Melvin Castro
ng Family and Life, si Charice na umaming tomboy kamakailan lamang ay dumadaan
lamang sa identity crisis. Identity Crisis my foot! Naman, napaka-80’s ng term
na ito, Fr Melvin!
Pero sige gamitin natin. Gamitin po ninyo sa inyong
sariling bakuran. Gamitin ninyo po sa ilang Obispo na hindi alam kung ano o
sino talaga ang pinaglilingkuran. Gamitin ninyo po sa mga paring hindi alam ang
ibig sabihin ng Simbahan ng mga Dukha. At huwag na tayong lumayo sa topic,
gamitin po ninyo sa mga seminarista at mga kapariang may bahid. Identity crisis
ba kamo, Fr. Melvin? Wala po bang salamin sa inyong palasyo?
The last time we gays and lesbians checked our mirrors,
we took pride of what we saw: our true selves. At hindi po yun identity crisis.
Bilang panghuli, nais kong sabihin ito:
I am no homo, I am human. We are all human and we ought
to be respected as such.
No comments:
Post a Comment