Friday, October 7, 2011

FXperience


FWB: ‘Bakit kasi di ka na lang mag-kotse…’

Me: ‘Sige, mamaya bibili ako ng lima, para di problema coding…’

FWB: ‘Hahahaha, magjeep ka na lang kasi…o kaya cab…’

‘Me: Nag-cab ako kanina…praning na ako sa FX.’

Totoo yun, pagkatapos kong maholdap nung Wednesday night, nakadama na ako ng takot mag-FX uli. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang trauma, ang paranoia, ang phobia  [Dr. Bernadette, usap tayo]. Basta alam ko lang, takot ako.

Marami na rin akong experience sa FX. Pa-Makati man o pa-Padre Faura o pa-Gateway.

Papuntang work sa Makati, sa FX ko nakilala ang lalaking akala ko ay may gusto sa akin. Yun pala gusto lang akong bentahan ng insurance. Nagkaroon na rin ako ng crush sa pila ng FX, inaabangan ko, hinintay at minsan nagpapalampas pa ako sa pila dahil alam ko ang oras ng dating niya. Nagkakilala kami --- nagkita kasi kami sa Bed Malate, may kahalikan siyang kapwa-lalaki. Sa FX ko rin nakilala ang mag-asawang gusto akong gawing ‘project’. Gagawin daw nila akong straight dahil mayroon daw ganung session sa Victory.

Pa-Padre Faura, papuntang Fitness First Manila, may nakilala akong law student. Sabado yun at maaga ako kasi hinahabol ko ang yoga class. Kami lang sakay sa gitna. Habang nagbibiyahe ay nagbabasa siya ng notes niya, nakibasa ako. Noong tinaas niya ulo niya, nagsmile siya. At nanginig ang tuhod ko. Maya-maya magkaholding hands na kami. Bago bumaba ay nagkapalitan na kami ng number. Pero hanggang doon lang. Busy kami pareho.

Pa-Gateway, manonood ng UAAP sa Araneta (I refuse to call it by its name today, lahat na lang kasi pinakialaman ni MVP), sa FX ko nakasabay ang dalawang hitad na tinawag na pangit si Kim Chui at Anne Curtis. Sa FX ko rin nakasabay ang dalawang balyena na nag-around the world at inokray ako sa pag-English. Tinawag ko silang mga baboy. Sa FX ko rin nakasakay ang asawa ng anak ng aking kaibigan; may kasamang iba at super sweet sila. Hindi siya mapalagay dahil text ako ng text. Akala sinusumbong ko siya. Oo naman. Ano akala niya, he can get away with it?

At nung Wednesday night, sa FX ako naholdap. Eto ngayon, may phobia sa FX. Hindi ko alam kung kailan ako sasakay uli para sa panibagong experience.

FWB: Mag-iingat ka na lang…kahit saan naman pwede kang maholdap…’

Me: Salamat ha, maglalakad na nga lang ako…

FWB: Pasalamat ka nga buhay ka pa

Me: Oo naman. Pasalamat din yung mga holdupper di ko dala yung bato

FWB: Bato?

Me: Bato ni Darna…

FWB: Luko-luko

Natatawa lang ako, pero ang totoo, takot na takot pa rin akong sumakay ng FX.

No comments: