Thursday, October 6, 2011

One Lucky Day

Naholdap ako kagabi.


It seemed the whole universe connived for this one lucky day. 


Umaga pa lang, mali na. Late ako nagising kaya di ko nagawa ang aking usual routine sa oras. Bagama't nakapag-Morning Prayer and Reflection, hindi na ako nakapagsimba. I just told myself --- and promised through a prayer na sa tanghali na lang magsisimba sa Don Bosco Makati.


Sa pila ng FX, BV na agad ang haba. Close to 30 minutes akong naghintay at nagwawala na aking mga varicose veins nung may dumating na sasakyan to Makati. Change of routine pa rin kasi dahil usually, sumasakay ako ng tren. Pero dahil tanghali na nga, didn't bother to catch it.


As promised to the Lord, pati na rin sa mga taong humihiling na isama ko sila sa aking panalangin, nakapagsimba naman ako sa Don Bosco at nakapag-short visit  sa Adoration Chapel. May bonus pang Adobo Pandesal na livelihood project ng kanilang mga kabataan.


Pagbalik sa office, nabasa ko sa sports page ng PDI na may laro ang Shopinas at Powerade. So ayun nagbago uli ng plano. Dapat kasi maggi-gym ako after office. Nagdecide na lang akong manood at gumawa ng paraan na magkatiket. Gusto ko kasing suportahan si Coach Franz et al at pati na rin si JVee na nasa kabilang team. 


At dahil paranoid ako pag Pasay ang pinag-uusapan, super tago ako ng aking wallet at celfone. Yung bag ko na may laptop ay super yakap ko all throughout the game. OK naman yung game at masaya ako dahil nakita ko sina Odette, Cholo, Gab Banal, Jvee, etc. 


Di na ako nanood ng second game kahit nandun sina Papa Yeo, et al kasi nga praning ako. Ayokong gabihin sa Pasay! 


Eto na, instead of taking the LIbertad route, sa Roxas Blvd ako naghintay ng FX. Nakasakay naman agad ako ng FX na Sucat-Lawton route. 


May mga lalaking sumakay sa kanto ng Roxas Blvd-Kalaw at bumaba rin agad sa kanto ng Kalaw-Taft. I got a strange feeling so sabi ko pagtawid ay bababa na ako instead of Lawton. Naisip ko madilim sa Lawton at mas safe na sa tapat ng Save More (Masagana dati) ako maghintay ng FX to Espana.


Maraming naghihintay at puro babae pa. E ever-gentleman ako kahit bading ako, kaya pinapauna ko sila kapag may FX na dumarating. Out of the blue, may dumating na FX na walang laman. At dahil masuwerte ako ng araw na iyun, sa harap ako napaupo. All throughout, wala akong katabi until may sumakay sa SM Manila. Pagdating sa bridge bago mag-Quiapo, naganap na ang declaration ng mga buhong na holdupper. 


Nung una, deadma pa ako. Bingi-bingihan. Nung narinig ko na hold-up talaga, nag-attempt akong buksan ang piinto at bababa talaga kami ng katabi ko. Aba, tinutok sa batok ko ang baril. Naramdaman ko! Malamig ang dulo pero mainit ang katawan ko. This is it na ba Lord?


I prayed. 


Noong hiningi celfone ko: Lord, dalawa dala kong phone, yung isa lang po bibigay ko...


Slow motion ako at dahan-dahan kong binababa ang bag kong dala habang inaabot ko ang E75. Dasal lang nang dasal.


Noong hiningi wallet: Lord, kakawithdraw ko lang, medyo malaki to, masakit mawala...


Yung gagong driver nagsalita, ibigay nyo na habang busy ang mga holdupper sa paglimas sa ibang pasahero. 


Hindi ko binigay wallet ko. Nagbigay na lang ako ng ilan.


Hindi ko rin binigay laptop ko dahil hindi naman hinihingi at malamang di na nga nakita bag ko. Lord, sana matapos na, sana bumaba na, sana hindi na kami saktan, sana tama na...


After 5 minutes, the ordeal was over. Bumaba na sila. Tapos na ang hold-up. Buhay pa kami. Buhay pa ako. Nakuhanan man ako, ang mahalaga buhay ako. Natutukan man ako ng baril, ang mahalaga di ako nasaktan. Mapalad pa rin ako.


Indeed, it was one lucky day. And I thank the Lord that I am safe, that I am still alive.







No comments: