This is the last time that I will write or talk about him. Tawagin na lang natin siyang Asa Boy. Siya ang laman ng ilang blog, siya rin ang laman ng kuwento ko sa ilang kaibigan kong hiningan ko payo ng kung go or no go. Apparently, no go na talaga. At kahapon nga, natuldukan na ang anumang natitirang pag-asa na maging kami nga.
May common friend (CF) kami, nagkita kami kahapon sa gym. Sabay kaming nagbuhat. Alam ni CF na ayaw ko nang pag-usapan si Asa Boy. Pero kahapon, while he was spotting me on incline press, sinabi sa akin ni CF na nagpaalam na si Asa Boy sa kanya.
Paalam? Mag-aabroad?
Uy, biglang naging interesado...
Wala lang, gusto ko lang malaman...
Wag na, baka magalit ka lang...
May mga bagay na sana nga hindi na lang natin nalalaman o hindi na lang pinaalam. Pero dahil sinimulan na ni CF, hindi ko na siya pinigilang magkwento.
Hindi siya mag-aabroad, sasama na kay Senator.
Si Senator ay ang kanyang kliyente. Mayaman siguro, hindi ko alam. Maganda siguro estado sa buhay, hindi ko alam. Noong nag-uusap pa kami ni Asa Boy ay hindi ko tinatanong ang tungkol sa kanila ni Senator, bilang respeto. Nagkuwento siya tungkol rito pero hindi ako nagtatanong. Minsan tinutukso ko siya rito, pero naiinis siya pag ginagawa ko to. Honest naman si Asa Boiy na madalas siyang regaluhan ni Senator. Alam kong may hindi siya sinasabi tungkol sa kanila ni Senator, pero hindi nga ako nagtatanong. Pero ngayon parang ang dami kong tanong.
Ibabahay na siya ni Senator?
Sila na ni Senator?
Paano na trabaho niya? Kay senator na siya magtratrabaho? Kay Senator na siya aasa?
Paano na kami? Paano na ako? Asa pa ako?
Hindi na, hindi na talaga. Sabi nga ni CF, mukhang kiniwento sa kanya para ipaalam na rin sa akin. Para matapos na ang lahat, para mawala na anumang natitirang pag-asa. Sabi ko nga, wala naman talaga siyang maasahan sa akin. Hindi ko naman kaya ang ibinibigay a sa kanya ni Senator. Hindi ko kayang tapatan, hindi ko sasabayan.
Pero sabi ni CF, hindi naman pera o materyal na bagay ang inaasahan sa akin. Sabi raw ni Asa Boy, umasa raw siya na may patutunguhan kami. Umasa raw si Asa Boy sa akin, sa aming dalawa bilang isa. Pero dahil sinabi ko raw na wala, umasa na lang siya ibang bagay. Umasa na lang siya kay Senator.
Hay. Promise, last na ito.
No comments:
Post a Comment