Sa aking FB status kahapon, tinanong ako ng isang kaibigang pari kung sino kaaway ko. Sabi ko, wala akong kaaway. Ang boring na nga ng buhay ko kasi matagal-tagal na rin akong walang kaaway. Not that I wish for it, nakakapanibago lang. And I like the change, I like the peaceful difference of not having an enemy.
Pero alam kong may mga taong ngitngit o galit sa akin. Ang nakakaloka, hindi ko alam kung bakit. Para bang nagising na lang sila isang umaga at nag-usap-usap na huwag nating pansinin si Tonichi. Pero alam ko rin naman na noon pa man, may something na yung friendship namin. It stood on a hollow ground. Shallow. Didn't blossom or grow. Sa simula mo lang, wala nang spark o magic.
Ang masakit, ako palagi yung kontrabida, ako palagi yung suplada, ako raw yung namimili, ako raw yung hindi mabait.
Sigh.
In fairness to me, hindi ko naman hinahangad na sabitan ng medalya sa pagiging pinakamabait. Pero nagsusumikap akong MAGPAKABUTI. Hindi rin ako nagpapanggap na mabait na laging nagbibigay ng kung ano-ano, tapos may agenda pala. Tapos maninira pala ng kapwa. Tapos sasaksakin pala sa likod ang mga taong di nila gusto. Magpapanggap na mabait, itataas ang sarili at magmamalaki. Sige na, kayo na ang mabait. Basta ayokong masiraan ng bait.
In fairness to me, hindi ako namimili ng kaibigan. Sa dami nang naranasan kong rejection, sa dami kong kakilalang bading na biktima ng di pagtanggap ng lipunan --- ako pa ba ang magiging choosy? Dun sa may tunay na nakakakilala sa akin, makikita na pati sa sikyu, tricycle driver, nagwawalis ng kalye e chumichika ako.At kinukuha akong ninong ng mga anak nila kahit hindi ko naman sila close. (Hindi ko na nga mabilang inaanak ko, basta lagpas 45 na.). That's the point, aminin na natin, namimili tayo ng kaibigang pwedeng sabihan ng sikreto o talaga ka-close. Namimili tayo ng taong pwede tayong humarap ng walang make-up o maskara. Namimili tayo ng kaibigang pwedeng tumawa ng malakas na kita ngala-ngala. Hindi yun pagiging choosy, hindi yun rejection. Sadyang may iba't ibang level lang talaga ng pagkakaibigan.
At hindi ko pinipilit na kailangan e paakyatin mo rin ako sa kuwarto mo. Hindi ko rin pinipilit na isama ako sa lahat ng lakad sa lahat ng oras. Hindi ko rin pipilitin na maging Ninong ng anak mo. Sadyang may kaibigang para sa tamang oras, lugar at pagkakataon. At may kaibigan ding pang-all around, pang all the time. Mayroon din naman kaibigang may parameters. Aminin man natin o hindi.
In fairness to me, hindi naman talaga ako si Lucy Torres na Miss Congeniality ang special award. At lalong hindi ako si Sharon Cuneta na Miss Photogenic ang award dahil laging naka-smile at lahat favorite. Pero hindi ako suplada. Para lang akong si Gretchen Barretto. Hindi suplada, maganda lang talaga.
In fairness to me, ayoko nang maging kontrabida. Tapos na ang episode na pagiging Cherie Gil at Gladys Reyes ko. Hindi naman talaga ako bad. Pero para na akong kinahon sa ganitong label. Minsan nakakainis, minsan nakakaiyak, minsan nakakagalit, minsan sabay-sabay na emotions. Eto ka na nga, nagsusumikap na magpakabuiti pero nakatatak na talaga sa'yo na bitch ka, bad ka, mataray ka Tonichi, kilala kita Tonichi pala-away ka...
Sigh.
In fairness to me, I know I have mellowed, I have matured gracefully and beautifully. I am not picking my battles, on the contrary, I am not picking any. Yung mga dating kaibigan na ayaw na sa akin, so be it. Ganun talaga. I will take comfort to the fact na wala naman akong atraso sa inyo. Ang alam ko lang, alam na lahat na bading ako, kayo hindi...mahirap talagang itago yan, mga neng.
In fairness to me, I am Gretchen Barretto. You want war? I won't give you war, because I am enjoying this peace so much. Maiinggit na lang kayo mga girlash.
.
No comments:
Post a Comment