Dati-rati, kapag magaling kang mag-English, ang tingin
sa’yo conio. Mayroon pa ngang tinatawag na Atenista twang o Lasalista slang.
Pero ngayon, kapag nag-English ka sa isang simpleng conversation, tatanungin ka
na agad nang: sa Call Center ka ba
nagtratrabaho? Para namang taga-call center lang ang pwede o marunong
mag-English.
Wala namang masama sa pagsalita ng King’s language ika
nga. At marangal na trabaho ang pagiging call boy, este ang pagiging call
center agent. Kung nadadala man nila ang pag-iingles sa bahay o kahit saan sila
magpunta, hindi natin sila dapat tingnan ng masama. Kahit pa sabihin nila sa
jeepney driver na, ‘Kuya, just drop me
off that corner’ o sa sales lady ‘
Miss, can I get a size 29 of this pair please and kindly show me where the
fitting area is. Tenk yaw’ Hayaan na
natin. Minsan, mahirap ma-detach sa trabaho. Lalo na kung kailangang sanayin mo
ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo naman nakalakihan pero kailangag
maging ‘second nature’ na sa iyo dahil ito na ang source of income mo.
Mayroon akong paboritong expression sa English. Freaky. Sinasabi ko to pag nagugulat
ako, o pag may nangyayaring ganun, Freaky.
Kapag naiinis ako sa isang taong slow o may kakulangan, at hindi ko masabi ng
harapan, nabubulong ko sa aking thought balloon, Oh Stupid. Say it after me, Freaky,
Stupid.
One time, uy English, papunta ako ng Gateway, may kasakay
akong dalawang matabang babae na nagpapayabangan sa kanilang trip abroad. Sa Macau
yung isa, ayaw patalo ng kausap, galing daw siyang Singapore. Wala raw makikita
sa Malaysia, love raw nung isa ang Thailand. Banat naman isa, shopping sila
next week sa Hongkong! Tili naman uli ng isa, nag-iipon ako for Korea. Masama
pa nito, marami silang nilalait na tao, kasama na si Paris Hilton. So, jetsetter
sila at kabog si Paris Hilton para sa kanila. At ang mas masama, kailangan nilang
magsigawan para lang magkuwentuhan sa FX. Wala naman silang mga headset sa
tenga o earplug, so hindi sila bingi. Gusto lang talaga nilang iparinig sa
aming lahat kung saan-saang lupalop na sila nakarating at pupunta pa.
May hindi nakatiis, yung katabi kong lalaki sa likod
(nasa likod din yung dalawang matabang babae, bale katapat namin), sabi niya sa
driver:
‘Manong,
masyado yatang malakas ang aircon nyo, malakas ang hangin dito sa loob…’
Walang keber ang dalawa, tuloy pa rin. Si Manong Driver
naman ang bumanat:
‘Papatayin
ko na nga yung radio, mas malakas kasi yung radio dyan sa likod’
Deadma pa rin ang dalawa, kahit may mga natatawa na sa
harapan.
Ako, wala lang. Mainggit ba ako? Mainis ba ako? Ewan,
basta kanya-kanyang trip yan. Tinitingnan ko na lang sila, hindi naman sila
mukhang jetsetter. Hindi sila maganda kaya tingin ko yun lang ang paraan nila
na masabing may magandang nangyayari sa buhay nila. O siya, wag nang pansinin
ang dalawang babaeng mas maganda pa ang kuko ni Paris Hilton.
So, hindi ko sila pinapakialaman. Pero may nangyaring freaky.
Muntik na kaming mabangga ng bonggang-bongga dahil na
rin siguro sa kapapakinig ni Manong Driver sa dalawa o talagang distracted na
nga siya sa lakas ng hangin sa loob ng FX. Napasigaw ako ng, FREAKKKKYYYYY! At may pabulong na karugtong: Oh, stupid, how could you miss the red
light!
At eto, ang dalawang babae, tiningnan ako mula ulo
hanggang paa. At tapos nagtinginan at tumawa.
Sabi nung isa sa isa: Bakit kaya yung mga taga-call center, kahit saan nag-e-English! Hmp.
Aba. Maganda.
Sagot nung isa sa isa: Oo nga, akala mo kung sino, makapag-English lang…
Aba, aba, aba. Ang gaganda.
Marami pa silang sinabi. Napapatingin pa sila sa akin.
Yung katabi ko ay hindi rin mapalagay, alam niya ako ang pinapatungkulan ng
dalawang balyena.
Pero deadma lang ako. Hindi ko sila pinakialaman sa
kanilang around-the-world at eto nga tinatarayan sa pagsigaw ng English. Pero,
sige pagbibigyan ko kayong mga balyena kayo.
Eto na, Gateway na. Bababa na kaming lahat. E ako ang
mauuna kasi ako malapit sa pintuan. Yung katapat kong Balyena 1, gusto akong
unahan. Hinawakan ko yung handle at pinigilan siya, at sinabi ko sa pagmumukha
niyang malaki: BAAABOOOOOOOOOY!
Sa Balyena 2: PPPPPPPIGGGGGGGGGGG!
With matching talsik ng laway.
Sa Dalawang Balyena: MGA
BAAAAAABBBBBBBOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY! OOOOINKKKKKKKKKKKKKKKKKKK! With a
shower of laway freshness.
Natulala sila at hindi nakababa.
Lahat kami nakababa na pwera yung dalawa. Naglalakad na ako with my version of tsunami walk
at nilingon ko sila, with my imaginary bouncy hair. Na-stuck-up ang handle kaya nandun pa rin
sila sa FX na kailangan nang umandar dahil sinisita na ng traffic enforcer.
Freaky!