Sunday, September 25, 2011

Di na ako aasa pang muli

' Di na ako aasa pang muli
Kung ikaw ay darating
Saka na lamang ngingiti
Tandaan mong mahal kang talaga
Tanging ikaw lamang ang nasa aking alala ...' 



Kanta yan ng Introvoys, yung bandang medyo sumikat nung 90s. Pinalitan ko lang ng darating, instead of babalik. Kasi nga eto na naman ako, umasa. Naghintay. Nag-akala. Ayun, di na nadala.


Kung kailan nagpatangay ako sa agos. Kung kailan ko muling binuksan ang puso. Kung kailan ako naniwala na handa na akong magmahal muli. Kung kailan ako umasa na maaaring siya na nga.


Niyaya niya ako ng lunch. 11AM pa lang daw magkita na . So ako, parang nagdadalaga, nataranta. Para akong si Kim Chui na pa-coy effect pero talagang kinikilig sa kaloob-looban. Dumating ang takdang araw, gusto ko nang hilahin ang oras. Gusto ko nang makita si Gerard Anderson ng buhay ko. Ang tagal-tagal ko nang hindi nakaramdam ng ganitong kaba at kilig. Sa loob ng mahabang panahon, natutulog ang aking puso. Parang si Sleeping Beauty lang, kailangang may Prince Charming na dumating para gisingin ang nahimbing damdamin.


Pero tama si Janice De Belen, hindi totoo si Prince Charming. Hindi siya dumating sa aming tagpuan. Dahil dalagang Pilipina ako at ayoko namang isipin niyang atat ako, di ko siya tinext agad. Hinintay ko pa rin at umasa na siya ay darating.  1 PM at talagang nagmumura na ang tiyan ko sa gutom, nagtext ako:


Ako: San ka?
Siya: Kakagising ko lang...
Ako: Hinihintay kita for lunch...
Siya: Ay sori, may bday kasi kagabi, ayun napuyat ako....


Hindi na ako sumagot pa. Kumain na ako. 


Nagtext siya uli, Di na ako sumagot. Text uli. Deadma uli. 3PM. Text siya uli.


Siya: Asan ka na?
Ako: Bahay na.
Siya: Awwww.
Ako: Bakit?
Siya: Bakit di mo ko hinintay?


Asa ka pa talaga? Di ko na sinagot. Text siya ng text hanggang kinabukasan, wala na akong sagot.


Hanggang kanina, nagkita uli kami.


Siya: Hoy Boy Tampo, bakit di ka nagrereply...
Ako: Di na ko bata para magtampo...
Siya: So galit ka, eto naman, may bday talaga...biglaan lang...
Ako: Ok.
Siya: Bawi ako sa'yo, mamaya ha, dinner tayo...


Habang nag-uusap kami, layo ako ng layo, Kim Chui nga eh. Yakap naman siya ng yakap, hila ng hila ng kamay ko. Pakiramdam ko, pinagtitinginan na kami. Kaya sumagot na ako.


Ako: Bahala ka...
Siya: Dinner ha


Nagsabi ng lugar at oras pero walang tumatagos sa aking pusong natututulog muli.


Dumating ang takdang oras. Nagtext siya.


Siya: Saan ka na, dito na ako....
Ako: Ay sori, may bday akong pupuntahan...biglaan lang
Siya: Awwwwwwwwwwwwwwww.


Alam ko nang katapusan na iyon ng aking kahibangang umasa pang muli. 


Sa iyo sana'y maghihintay
Ikaw ang gusto ko sa habang buhay, ngunit…

Di na ako aasa pang muli...







No comments: