‘Jesus journeyed from one town and village
to another, preaching and proclaiming the good news of the Kingdom of God.
Accompanying him were … women… Mary,
called Magdalene, Joanna, the wife of Herod's steward Chuza, Susanna, and
many others who provided for them out of their resources.’
Noong
panahon ni Hesus, walang bilang ang mga kababaihan sa kanilang bayan. Sila ay
nakatalaga lamang sa tahanan --- kalimitan sa kusina. Sa templo o sinagoga,
mayroon silang pinaglalagyan, hindi maaring makihalubilo; silbing tagapagmasid
lamang at hindi maaaring aktibong maglingkod. Kaya subersibong matuturing ang
pagsama ng mga babae bilang tagasunod at alagad ni Hesus. Pinapakita lamang ni
Hesus, walang pinipili, walang sinisikil ang paglilingkod. Walang
diskriminisasyon o gender bias ang kaligtasan.
Naisip
ko lang, paano kaya ang mga bading na tulad ko?
Malamang
kasa-kasama ni Hesus ang mga bading sa bawa’t kasalan at bankete na kanyang
pupuntahan. Aakyat sa bundok, tatawid sa lawa, titiisin ang init --- marinig
lamang ang kanyang mga turo. Malamang taga-ayos kami ng pila ng mga maysakit,
tagapag-aliw ng mga bata habang abala ang kanilang mga magulang sa mga
pagtitipon. Malamang masaya naming tatanggapin ang aming misyon na ipahayag ang
Kanyang salita at maging katuwang sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos dito sa
lupa.
Naniniwala
akong isasama kami ni Kristo.
Sa
panahon ngayon, nasulat ko na ito sa dating blog, marami na naman talagang
bading na hayag na naglilingkod sa Simbahan. Dati-rati, tagatahi ng damit ng
Birhen, taga-ayos ng mga bulaklak sa altar, taga-tugtog ng organ (mabuhay ka,
Bong Infante!)… Pero ngayon, marami na ring mga bading ang ‘decision maker’ sa
kani-kanilang parish pastoral council. Marami
na ring mga bading ang organizer hindi ng mga Bingo o ng Santacruzan kundi ng
mga communities na nagkakaisa para kara kay Hesus o Batayang Pamayanang
Kristyano. Marami na ring bading ang binibigyan ng respeto at dignidad na
makapaglingkod.
Kasama
kami ni Hesus sa pagsusulong ng kaganapan ng buhay.
Kaya
naman, nanawagan pa rin ako sa mga kasama ko sa rainbow. Anuman ang tawag niyo
sa inyong sarili, becky, badush, bi, astig, effem, trannies --- lahat tayo ay
pantay-pantay sa paningin ni Hesus. Lahat
tayo ay tinatawag ni Hesus upang maglingkod. Kung nagkakaisa tayo para sa
Miss Universe o para sa Love Yourself Project o para sa Ladlad --- bakit hindi
tayo mag-volt in para kay Hesus at palawigin ang kanyang Kaharian? Huwag nang
alahanin ang diskriminisasyon, sa totoo lang, sa atin din mismong mga bading,
may rejection at prejudice; tayo-tayo naghihilahan pababa. Kapag matatagpuan
natin ang ating karisma at gagamitin ang mga ito sa paglilingkod, mabubura na
rin yang self-discrimination. Dahil si Hesus
mismo ang babaklas nito; si Hesus mismo ang yayakap sa atin upang
tanggapin natin ang isa’t isa at tanggapin tayo ng lipunan.
Gays
for Christ. It’s about time.
No comments:
Post a Comment