Tuesday, October 2, 2012

Para kay Jovet


Salamat Jovet

Miyerkules ng gabi pagkatapos ng laro laban sa FEU
May lumapit sa akin at nagtanong
‘Hindi ba natin gagawan ng tarpaulin si Jovet?’

Naisip ko kung bakit,
Baka raw kasi last game mo na sa susunod,
Kahit man lang sa tarpaulin mapasalamatan ka namin.

Pero naisip ko,
Hindi magkakasya maski isang LED-billboard sa EDSA
Ang pagpapasalamat para kay Jovet.

Hindi kakayanin ng large format printing
Ang pusong punumpuno ng pagmamalaki
Para sa isang Jovet Mendoza, para sa iyo Jovet Mendoza.



Hindi sapat ang anumang salita o kahit anong graphics
Upang isulat o ilarawan ang aming nararamdaman
Para sa isang manlalaro na binigay ang lahat para sa amin

Ang laki-laki ng sampalataya ko sa kakayanan ni Jovet Mendoza
Ang taas-tass ng respeto at tiwala ko sa galling niya
Hindi yun mapapantayan ng isang tarpaulin lamang

Sa kabila ng mga luha at panghininayang
Sa kabila ng mga sakit ng pagpapaalam sa’yo
Mananatiling nakalilok sa puso ko ito:

Maraming, maraming salamat Jovet.





Friday, August 10, 2012

Wish List@45

I just can't believe I am turning 45. Really. 45? Not that I am regressive or have stagnated. On the contrary, I feel like I have flourished at 44. Wow, flourished. I was fab at 43. Wow, fab. I just don't know what will be at 45?! Any suggestions? 

The first thing that comes to my mind is this: ALIVE AT 45. Really, alive! Thank God, I am still alive.  Considering all things that have been happening to me, to my life and to my own little world --- I am so BLESSED TO BE ALIVE, to be able to reach 45! I must say, this life is already an extension, a bonus, an endless second chance. You just don't know, you just don't know.

But enough of drama. I must celebrate. And just like the past years, let me indulge to some self-propagation. Yes dear friends, I am writing again my wish list! Hoping this year, at least half of them will be fulfilled (and requited). Here goes:

I. Books to add up my collection which I wish I could bring in heaven:

1.       1. GONE GIRL, by Gillian Flynn.
2.      2.  WHERE WE BELONG, by Emily Giffin. 
3.       3. THE FALLEN ANGEL, by Daniel Silva
4.       4. A DANCE WITH DRAGONS, by George R. R. Martin
5.       5. I, MICHAEL BENNETT, by James Patterson



II. Dinner with friends at:
1. Senju at the Edsa Shangri-la
2. Circles Event Cafe in Makati Shangri-La
2.  
I
   IIII. Jersey of Arnold van Opstal



J
I IV. Jersey of Ryan 


V. Fragrances




VI. Massage treat at the The Spa at Bonifacio High Street

VII. Any of these pairs of shoes (pwede both?)



VIII. Trip to Batanes









Now you know what I want, don't you think it's just right to make them come true?! C'mon, aren't you glad I am still ALIVE AT 45?!

(crossing fingers, pushing my luck my friends. Hehehe. I love you all.) 














Wednesday, August 1, 2012

Luha 3: Paalam Eliot


Paalam Eliot
‘Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras na kailangang maghiwalay
Puso’y lumaban man, walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Kulang man sa ‘tin itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may pag-asa pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin’

Habang pinagmamasdan ko si Alma kagabi sa harapan ng kabaong ng kanyang asawang si Eliot, ito yung awiting sumagi sa aking isipan. Napakabilis ng pag-ikot ng buhay sa kanilang mag-asawa. Napakabata pa ni Eliot (37 years old) para tumawid sa buhay na walang hanggan. Napakabata pa ni Alma para mabiyuda at para mag-isang itaguyod ang dalawa nilang anak. Napakabata pa nila para paghiwalayin ng tadhana.

Tumabi si Alma sa akin pagkatapos ng kanyang tahimik na pakikipag-usap kay Eliot. Kahit hindi ako nagtanong, nagbahagi si Alma ng mga huling sandali nila ni Eliot. Yung paghatid sa kanya sa tricycle. Yung pagrequest sa kanyang magluto sana ng pasta sa Biyernes (August 3 – na siya na ngayong huling gabi ng burol). Yung pagtawag sa kanya sa opisina para masayang magkuwento tungkol sa padalang medyas ng kanyang tiyuhin mula Amerika. Yung pagtulong sa kanya sa pagsampay. Yung pagsabi sa kanya ng I love you. At yung nasa hospital na, noong bumubulong si Alma kay Eliot, ginalaw nito ang kanyang kamay at noong sinabi ng doctor na ‘lumalaban pa ang kanyang puso’. Yun nga lamang wala na talagang magagawa…kahit lumaban pa ang puso ni Eliot dahil sa kanyang wagas na pagmamahal kay Alma, bumigay na rin siya.

‘Siguro Nong, ayaw niya kaming mahirapan pa…’ paulit-ulit na sambit sa akin ni Alma. Inaanak ko sila sa kasal, actually sila ang una kong inanak sa kasal. Kahit napakabata ko pa para magninong sa kasal ten years ago, pumayag ako. Kasi nga, malapit ako sa kanila. Mga simpleng tao na may mga simpleng pangarap. Mga mabubuting nilalang na karapat-dapat makaranas ng tunay na kasiyahan at payak na kaginhawaan sa buhay. Lagi ko pa ngang niloloko si Eliot na napakapalad niya kay Alma dahil si Alma ang naghahanap-buhay para sa kanila. Ang totoo, may sakit sa puso si Eliot. Pero ang irony of it, ang puso ni Eliot ang hindi bumitaw, ang puso niya ang lumaban sa huling sandali ng kanyang buhay. Namatay siya ng parang natulog lamang ng mahimbing, namatay siya nang hindi nahirapan.

Natural, mahihirapan pa rin si Alma. Sa gitna ng mga impit na luha, sa pagitan ng mapapait na ngiti habang nagkukuwento…alam kong mahirap para kay Alma ang nangyari at ang buhay na kanyang haharapin.
Pero ten years ago, noong pinakasalan niya si Eliot, tinanggap niya na ang pagdating ng araw na ito. Alam niya nang may sakit sa puso si Eliot, alam niya nang mahihirapan siya mamuhay sa piling ni Eliot. Pero alam niya rin, mahal na mahal niya si Eliot noon.

At kagabi, alam rin ni Alma, si Eliot lamang ang kanyang mamahalin. 

Saturday, July 14, 2012

Eksena sa FF

Mayroon akong major, major crush sa FF. Pero dahil sa 5-sec rule, hindi ko siya masyadong tinitingnan nung una. (Para sa mga hindi nakakaalam, ang 5-sec rule ay ito - walang tunay na lalaki na tumitingin sa kapwa lalaki habang nagwowork-out. Kapag lumagpas ng 5-seconds ang pagsulyap, pagtitig na iyon, ibig sabihin, mas malamang sa hindi, bading ka). So para hindi niya malaman na berde ang dugo at pink ang favorite color ko, hindi ko siya tinitingan nang matagal. Nagbibilang talaga ako, after 5 seconds sa iba-iba ako tititingin. Tapos magbubuhat uli, susulyap ng 5 seconds, tapos magbubuhat uli...ganun.

Gwapo siya, hindi ako makaisip kung kaninong artista ko siya pwedeng i-peg. Basta gwapo siya, Chinese na   pang-Greenhills hindi pang-Binondo. Maganda ang katawan niya, lalong-lalo na ang kanyang pamatay na abs. Nagkaroon na kami ng mga chance na magkausap pero again, dahil sa 5-sec rule, hindi ko siya makausap ng matagal. Baka kasi biglang pumungay mga mata ko habang kausap ko siya o kaya biglang pumalintik ang aking mga daliri. Kapag nakakasabay ko siya sa Locker Area at lalo na sa sauna, sumasakit ang ulo ko. Nakakahigh blood pala talaga yung magpigil nang pagnanasa. Letse. Wala siyang keber kung magparada ng kanyang katawan at tila alam niya na may mga matang humahabol ng tingin sa kanya.

Pero dahil sa 5-sec rule, hindi ako sa kasama sa mga humahabol ng tingin.

Minsan nangyari na yung kaming dalawa lang sa Steam Room. Pareho kaming basa siyempre at kapag basa siyempre may bumabakat. Bakat kung bakat, bukol kung bukol (sa mga bagets, huwag nang basahin ang portion na ito). Parang kailangan ko na talagang basagin ang 5-sec rule. Tapos kinausap pa niya ako. Anovah! Isa kang tukso! Letse uli.

Pero dahil  convent-bred ako sa Assumption,  I stuck to the 5-sec rule, lumabas ako at sabay shower. Magpigil ka Tonichi! Iligo mo na lang yan!

Sa tagal ko na sa FF at sa dalas ng aming pagkikita, ang 5 sec rule ay unti-unting nagiging 10, 15, 20, 30..., then 1 minute na. As in kapag nakakasalubong ko siya, pinapadama ko na sa kanya ang totoo --- This guy is in love with you Pare! Kapag nakakasabay ko siya sa pagwowork-out, pinapadama ko na hinuhubaran ko siya sa pagtingin. Bahala na. At dahil tila alam niya na...para na siyang nananadya, tatayo siya sa tabi ko at itataas ang t-shirt niya kunwari sa salamin para tingnan at ipakita ang abs na kinababaliwan ko sa kanya. Ako sige lang, watching. At pag nahuli niyang nakatingin ako sa kanya, bigla ako titingin sa sky o kaya sa floor o kaya sa kuko ko. Alam ko alam niya na alam ko na alam niya na titniingnan ko siya.

Pero dahil sa Assumptionista nga ako, na-break ko na nga ang 5-sec rule, hanggang doon lang yun. Hanggang tingin lang ang Sister Tonichi nyo.

Sa Sauna o sa steam room o kapag nagbibihis siya, simple pero bastos na tititingin ako kapag may ibang tao. Pero kapag kaming dalawa lang, nakapikit talaga ako at naghe-Hail Mary na lang para malayo ako sa tukso. Pero minsan, sa harap ko pa talaga siya tatayo habang naka-white low rise brief lang siya. Alam niya na alam ko na alam niya na alam ko na nanadya na siya.

Dumating sa punto na gusto ko na lang siyang i-friend. May another rule kasi ako: kapag friend o tropa, hindi na talaga talo. Kahit si Coco Martin ka pa ( on second thought....). Yung mga maikli naming pag-uusap o sulyapan, e gusto ko nang habaan. At yung hindi ko na siya titigan ng malagkit pa sa syet. Pero yun ang aking pagkakamali.

Maangas pala si Major, Major Crush. Yung angas na tipong ayaw mong  maging kaibigan dahil baka masapak sa pagka-angas, madamay ka pa. Yung angas na sarap kutusan nang nakatalikod tapos magtatago ka. Yung angas na i-wi-wish mong mabagsakan ng dumbbell. Yung angas na tipong kakaasaran sa Fitness First.

Nung Thursday night, nangyari kay Major, Major Crush ay winiwish ng marami for him. Nope, hindi siya nabagsakan ng dumbbell. Siya ay nabugbog, naheadlock, nakutusan ng husto sa Locker Area dahil sa  kanyang katangahan. Birun nyo naman sa dami ng kanyang aangasan,  isang Major Police Officer pa ang napili niya.

Akala nyo ba may umawat? Wala. At si Major, major Crush, wala ring nagawa, ni hindi siya nakapitik o nakakurot. Ang tanging nagawa lamang niya ay nahubuan niya si Major Police Officer, as in hinila niya pababa ang shorts nito.

Sayang wala ako. Major, major eksena yun sana para sa akin. Crush ko rin kasi Major Police Officer.

Tuesday, July 3, 2012

Kapag pumapatak ang ulan…


Masarap ang champorado at tuyo. Masarap ang kapeng barako. Masarap ang lomi. Masarap ang tinolang manok. Pero mas masarap ang init ng yakap mo.

Masarap humilata at walang ginagawa. Masarap tumunganga at sa kisame tumingala. Masarap matulog o maghapong nakahiga. Pero mas masarap kung katabi ka.

Masarap ang beer. Masarap ang GranMa, pati Empi Light pwede na. Masarap ang Tequila kung may pera o kaya Absolut Vodka. Pero mas masarap pa ring magpainit kasama ka.

Masarap mag hot flow yoga. Masarap mag-muay thai, papawisan ka talaga. Masarap magbabad sa sauna. Pero mas masarap kung sabay tayong pagpapawisang dalawa.

Masarap magmuni-muni. Masarap mag-isip ng kung ano-ano. Masarap mag-imadyin habang hawak-hawak ang alam nyo na. Pero mas masarap yung totohanan na.


Masarap ang lahat kapag pumapatak ang ulan. Pero mas masarap sa lahat ay walang iba kundi ikaw.

Thursday, June 28, 2012

Isang blog ng luha 3: Adult bullying

Kung hindi pa ninyo napapanood ang video tungkol kay Karen Klein, ang 68-year old bus monitor who was BULLIED and TORMENTED by kids, click this: http://www.youtube.com/watch?v=E12R9fMMtos

Nakakagalit. Nakakapikon. Nakakainis. Nakakaiyak. Kung ikaw ay natawa o natuwa (sa English, amused) sa mga pinagsasabi ng mga bata tulad ng "You fucking fat ass...look at all this flab right here" "I can't stand looking at your face, put your glasses back..." What's your address...so I can piss all over your door." Tanginathis, may tama ka na sa utak. Kung idadahilan mo e mga bata yan at nagkakatuwaan lang, ang wish ko lang makasakay ka sa letseng school bus na yan at makatuwaan ka rin. At kung sasabihin  nating lahat, e sa States naman nangyari yan, mga bastos talaga mga bata dun, mag-iisip tayo at magpakatotoo.


Kaya rin ako naiiyak dahil bigla kong naalala yung mga teacher ko nung high school. Si Ms. L na tuwing daraaan sa corridor ay biglang maghahalinghingan ang mga estudyante o kaya sisigaw ng 'tigidig, tigidig, nandyan na ang kabayo'. Si Ms A, na ang bansag sa kanya ay bukbok, tuwing tatalikod sa klase at haharap sa blackboard, magtatawanan ng 'bukbok-bukbok-bukbok-bok-bok'. O si Mr B, nagkalat sa pader at sa CR ang drawing ng kanyang ari, dahil tawag sa kanya "Manyak". Si Sir P, tawag bisugo.


Alam ko iniyakan din nila ang panunukso at pangungutya naming mga estudyante. Alam ko nasaktan din sila.


Naaalala ko si Ms. P na pinaglalaruan ng mga babaeng estudyante dahil sa kanyang makapal na salamin. At isa pang Ms A na binobosohan ng mga lalaki at yung iba pa habang naglalakad ay aakbayan o babanggain ang boobs. Naalala ko yung kabigan kong teacher, si Sir R, tawag sa kanya Bitoy. Naalala ko yung kapatid kong guro.


Alam natin mali lahat yun, pero sa tingin ng iba, katuwaan lang. Part of growing up.


Alam ko kayo rin dumaan sa ganito, yung nangutya ng teacher, yung pinagtawanan o binansagan nang kung ano-ano. Alam ko naranasan ninyo rin ito, ang mambastos paharap man o patalikod ng ating guro --- maging ng mga security guard, maging ng mga maintenance o accounting personnel, maging ng mga madre o pari.


Alam ko minsan naging bata tayo at gumawa ng mga kalokohan, kasama na ang pagtawanan at paglaruan ang ating mga teacher at iba pang nakakatanda sa atin. Tandaan lang natin, tatanda rin tayong tulad ni Miss Karen Klein.


Malinaw na malinaw, ang tawag diyan ay adult bullying. Ginagawa ng mga bata sa mga nakakatanda, ginanagawa ng mga estyudante sa kanilang mga guro. Ginagawa hindi lamang sa States, pero maging dito sa ating sa Pinas.


Sa aking pagninilay, HUMIHINGI AKO NG TAWAD KINA Miss Karen Klein, Ms. L, Ms. A at iba pa mga guro o school personnel na dumanas ng ganitong pangungutya at pambabastos. Humihingi rin ako ng tawad sa panahong wala akong ginawa o nagawa at minsan nga ay nakitawa pa. Humihingi ako ng tawad sa mga gurong nasaktan at nayurakan ang pagkatao.


Ipagpatawad niyo po, ma'am, sir. 









Wednesday, June 27, 2012

Mga Epal Kayo!


Epal
Isa ako sa masugid na sumusubaybay sa pagsasabatas ng Anti-Epal Law (pati na rin sana yung RH Bill at FOI Bill). Kasi naman kahit saan ka tuminigin ay namumutiktik ang tarpaulin ng mga politikong epal.  Happy Fiesta. Happy Graduation Day. Happy Birthday Jesus. Happy School Opening. Happy All Souls’ Day. Lahat na lang ng happy mayroon. Mabuti nga sana kung happy tayong lahat sa pinagkakabit ng mga epal na ito.

Sa aming lugar, may epal na nagpatayo ng ihian sa gilid ng Simbahan at buong ningning na nilagay ang kanyang pangalan. Sarap lang isipin na araw-araw na iniihian ang kanyang inaalagaang pangalan. May isa namang epal na nakabit ang pagmumukha maging sa basurahan. Sarap lang isipin ang kanyang nabotox na face ay mistulang tapunan ng lahat ng kalat at dumi.

Dahil naniniwala siguro na ‘the more the merrier’ kaya pati asawa o kung sinumang kaanak ay sumama na rin sa kanilang epal bandwagon. Tuloy raw ang serbisyo sabi ng tahimik na asawa ng isang reyna ng tarpaulin. Kung kaya raw ni Misis, kaya rin daw ni Mister, sabi noong isang nagkalat na tarpaulin.  May asawa ni Dok, na kapuso at kapamilya at kapatid ng bayan. Ewan. Mayroon ding tatay, may lolo, at baka sa susunod pati alagang aso.

Nakakatawa minsan pero kadalasan, mas nakakainis. May isang epal na sadyang lahat na yata ng Simbahan, lahat ng sulok ng distrito, lahat ng puno at poste na maaari niyang tampalasin --- mayroon siyang tarpaulin. Minsan nakacostume ng fireman para sabihin nagdonate siya ng fire truck. Sarap lang isipin na sana nakawheel chair din siya noong sinabi niya sa tarpaulin na may sampu siyang libreng wheel chair (Sampu!? Tinarpaulin pa!?) Nagkalat ang libreng scholarship, libreng ganito at ganyan --- na sana nga galing sa bulsa niya. Hello, buwis namin yan no, pati yung mga tarpaulin na pinagkakabit ninyong mga epal kayo, buwis naming yan, mga buwisit kayo! Yung pagpapagawa ng kalye, nakatarpaulin na parang sila nga nagpagawa. Ang masakit, lagpas na sa deadline at hirap na hirap na kami sa kalyeng itong di matapos-tapos, pero ang malamyos pa rin nilang mga ngiti ang nakikita sa tarpaulin. Ang sarap ngaratan o lagyan ng sungay.

Pati Sakramento, hindi pinalalampas. Lahat ng epal may libreng binyag, libreng kasal, libreng libing --- pati yun nakatarpaulin. Mayroon pang nag-i-speech pa bago maganap ang binyag. Hindi bawal magalit ang pari at kung akala niyaook lang sa pari ang kanyang ginawa, nagkakamali kayong mga epal kayo. Tapos  magpapapicture pa, gusto pa nga sa altar! E may funeral mass na susunod eh, magpapicture din ba siya katabi ng kabaong?!  

Hay mahaba pa itong ka-epalan na ito. Magkakalat pa rin ang mga tarpaulin, dadami pa rin ang hanep-buhay TVC ni Cynthia Villar at print ad nina Chiz Escudero at Sonny Angara…marami pa ring epal na susulpot na parang kabute habang papalapit na ang 2013.

Kaya magbantay tayo ha. Kunan ng litrato ang mga epal na ito at ilagay sa Facebook at iba pang social network maging sa website ng mga media organizations, at kung saan-saan pa.  Ipahiya at ikalat natin ang kanilang ka-epalan na parang sinasabi natin sa kanila na: Epal kayo ha! Eto ang sa inyo!

Pero ang tanong, tatablan ba sila? E, epal nga eh! Kaya dapat, isabatas na ang Anti-Epal Law. Now na! 

Tuesday, June 26, 2012

Isang blog ng luha 2

Wala rin. Hindi rin ako nakaiyak para sa aking sarili gaya ng aking inaasahan sa aking nakalipas na blog. http://tonichiarcher.blogspot.com/2012/06/isang-blog-ng-luha.html

Mas naiyak pa ako sa galit noong nabalitaan ko sa text ang nangyari sa aso naming si Harry. Natanggap ko na nga nang maluwag sa aking kalooban na kailangan na naming siyang i-let go pero hindi ko inakala na pwede pa pala siyang mabuhay ng mas matagal. Hindi ko gusto yung word na 'abandonment' kahit alam mong nasa mas mabuti siyang kamay at ayon na rin sa text ng aking pinsan --- "pwede mo naman siyang dalawin, kuya". Sa inis, hindi na ako nagtext. Sa ngitngit, hindi ako umuwi ng maaga, sa galit at pag-alala --- iniyakan ko talaga si Harry ng bonggang-bongga. Kahapon, nagising ako ng alas tres ng madaling araw dahil parang narinig ko siyang kumakahol. Napabalikwas ako sa pagkahiga, naisip ko nakatakas siya PAWS at nakauwi pabalik. Pero wala,.Wala na talaga si Harry.


Mas naiyak ako sa galit at awa noong nalaman ko ang nangyari kay Jayson, isang Personal Trainer sa Fitness First. Akala ko nag-resign o nag-awol gaya ng karamihang fitness instructor na either lumilipat sa ibang gym o nakakahanap ng mas magandang trabaho (karamihan sa kanila RN o licensed physical therapist). Medyo magaan ang loob ko kay Jayson, ewan ko ba bakit. Hindi siya gwapo. Siya yung tipong hindi lalapitan masyado ng mga bakla at matronang client. Siya yung tipong out-of-place o parang hindi bagay doon. Ang alam ko nga nilakad lamang siya ng kaibigan niyang si Jasper (na nag-awol na rin) para makapasok sa Fitness First. May sakit daw kasi ang nanay nito, wala nang tatay, at apat pa ang kapatid na pinag-aaral sa probinsiya. Kailangang-kailangan ng trabaho kaya pinagbigyan siya.


Pero hindi madaling maging fitness instructor. lalo nasa Fitness First. Bagama't may basic salary, you earn more by getting a client or selling a PT program. Hindi pwedeng umasa ka lang sa basic mo dahil may quota kayo ng benta every period. Meaning, dapat makabudget ka ng benta. Halimbawa si Jayson, ang budget niya na dapat mabenta ay P60K sa loob ng isang buwan pero ang nabebenta lang niya ay 1K; bad record yun. Marahil dahil hindi siya gwapo. Out of place siya doon, ang personality niya ay hindi gaanong likeable. Pero sa akin, malpit siya sa akin at hindi nga Sir tawag niya sa akin, minsan Kuya Tonich, minsan Tay (na bagama't ayoko e tinatawanan ko lang).


Grabeng pressure yun para kay Jayson. Lalo na iniisip niya yung nanay niya na kailangang i-dialysis. Lalo na iniisip niya yung apat niyang kapatid sa probinsiya. Lalo na yung iniisip niya girlfriend niya for six years ay inisplitan siya dahil wala na raw siyang oras para dito simula ng nagtrabaho sa Fitness First. Lalo na siya pala mismo ay may kidney deficiency din at may maintenance med siya na halos isang buwan niya nang hindi natetake dahil wala na siyang pambili; kaya ayun namaga ang paa at halos hindi maka-assist sa kanyang kakaunti na ngang client.   


Kahapon ko lang nalaman ang totoong nangyari kay Jayson.


Nag-break-out daw ito ng isang araw. 


Niyaya ang isang kliyente ng mag-boxing ng walang gloves o kahit hand wrap. Sabi niya raw sa kliyente, depensa lang depensa lang habang si Jayson ang suntok ng suntok at ilag lang ilag yung kawawang kliyente.


Nagwala sa locker room dahil may hinanap na kung ano.


Nag-iiyak sa gym floor at nagsisigaw dahil wala pa raw siyang benta at nanganganib matanggal sa trabaho.


Tapos, salita na raw ng salita. Sigaw ng sigaw. Mura ng mura. Nagwala ng tulad ng isang taong tuluyan ng nawala sa sarili.


Sabi raw ng magaling na manager na laging nakangiwi ang pagmumukha: Papapulis kita! Papakulong kita!


Hindi nakulong si Jayson. Bagkus siya ay dinala sa Mandaluyong.


Naiyak ako sa galit at awa sa ginawa nila kay Jayson. Naiyak ako sa galit at awa sa nangyari sa isang taong nangarap lamang na mabigyan ng kaunting kaginhawaan ang kanyang pamilya.  Naiyak ako sa galit at awa dahil wala man lang kumalinga kay Jayson, walang nakinig o umintindi, walang kumausap. Naiyak ako sa galit at awa dahil sa halip na siya ay tulungan, si Jayson ay sinaktan pa raw ng mga kasamahan at kinaladkad palabas.


Naiyak ako sa galit at awa sa nangyari kay Harry at Jayson dahil WALA AKONG GINAWA, WALA AKONG NAGAWA.  


Friday, June 22, 2012

Isang blog ng luha


Luha

May katagalan na rin akong di nakakapag-blog. Bagama’t sankaterbang ideya ang pumapasok at sandamakmak na pangyayari ang worth-blogging, hindi ko pa rin nasulat o nasalin sa titik. Lahat nasa utak lamang, lahat nasa larawang diwa lamang. Nakikita sa isip, nadarama sa puso --- pero hindi ko maisawalat sa pamamagitan ng pagsulat.

May katagalan na rin akong hindi umiiyak talaga. Naluha ako kagabi sa His Last Gift, isang Korean movie tungkol sa isang napariwarang ama na binigay ang kanyang liver sa kanyang anak na di siya kinilalang ama. Naluha ako noong isang linggo noong pinanood ko muli (ika-54th time na) sina Popoy at Basha. Naluha ako kanina noong natanggap ko nang kailangan ko nang magpaalam kay Harry, ang alaga naming aso. Ang desisyon ko na lang pala ang hininihintay nila. Kasi alam sa bahay na mahal na mahal ko si Harry kahit saksakan ng kulit. Pero may mga pagkatataong kailangan na talagang magpaalam --- maging sa tao o aso man.

                                          Si Harry yung kayakap ko dito.

Pero yung luha talaga para sa akin ay matagal nang hindi. Hindi ko alam kung magka-ugnay ang hindi ko pagsususulat sa hindi ko pag-iyak o pag-emote, pero sadyang nagkataong sinipag ako ngayon dahil parang gusto ko ring umiyak eh. Yung iyak as in iyak. Hindi yung titingala sa langit na kunwari pinipigilan ang pagpatak ng luha. Hindi yung kinukusot ang mata o sumisinghot para lang ma-induce ang luha. Kundi yung luha na kusang aagos dahil kailangang ilabas. Parang catharsis, yung iiyak mo lahat para in the end you will feel better.

Pero ano nga ba ang dapat kong iiyak? How I wish I can share it with all of you. Sa akin na lang muna. Ako na lang muna ang iiyak. Pero darating din tayo dyan. Mapapaluha ko rin kayo. Malalaman niyo rin, ikanga, sa takdang panahon.

For the meantime, please excuse me as I cry my heart out. Alone.

Wednesday, May 9, 2012

If it were Gretchen


If it were Gretchen, she would not pick a fight with an old guy. She has this fondness with older men like Joey, like Tonyboy. Mon won’t be her type but just the same, she will respect this 65-year old man with a nosy camphone.


If it were Gretchen, she would not grab that camphone. Instead, she would ask Mon to come closer, to make sure he’d capture her best angle. She would request for a retouch and proper lighting. No worries, she has a carry-all make-up kit and she actually walks around with a vanity mirror. 


If it were Gretchen, she would even grant Mon an interview. She would insist she didn’t mind the lost and left out luggage. What she’s giddy about really is that the lady at the counter wore the same red lipstick Gretchen has on her Angelinajoliefied lips. 


If it were Gretchen, she would not lash at, curse, or badmouth the poor ground crew of Cebu Pacific. For her, it would be a waste of time and energy. Besides, she’s too poised and elegant to be violent. Instead, she will ask for a bottle of Evian water, fill herself up then exhale. She will turn again and ask the awestruck crew, tell me, am I still beautiful after what you guys have done?  Gretchen will only turn violent if you’d answer in negative.


If it were Gretchen, she would not get angry. Instead, she would just laugh at the poor ground crew. The sound of her laughter will remind you of her screeching red stiletto. And she will quip: So you left my LV and my Hermes? Mga inday at mga dong, sa inyo na iyun. Isoli nyo lang mga panty ko dun. May happy memories ako sa mga yun. And that delicious laughter again. The crew will turn red in shame, oh yes, they love those luggage --- and her memory-filled panties. 


If it were Gretchen, it wouldn’t happen at all. Hello, you expect her to take that Cebu Pacific flight? Hello, you expect her to be wide awake in the wee hours of the morning to take advantage of the Cebu Pacific’s promo? Ano siya mahirap, walang pera? Ano siya, si Claudine? And yes, hello, you expect her to wait at the conveyor like ordinary mortals do? Ano siya uli si Claudine? 


If it were Gretchen, she wouldn’t make people think she’s a prima donna or a diva or a spoiled brat or a bipolar bitch. She’s not. She’s a queen and she didn’t need to be angry to catch anybody’s attention. 


I am glad it wasn’t me. Really. 

If I were Claudine

If I were Claudine, I wouldn't pick a fight with Mon Tulfo. Not because he's a Tulfo and has gang of brothers. Not because he's a known hard-hitting columnist. Not because he's a homophobic martial arts expert. Not because he's powerful as he claims and has connections with the underworld and netherworld, the underground and the common ground. Not because he's (or used to be) friends with Atong Ang, Erap, FG and all other 'respected' men in his honor roll.  


I wouldn't pick a fight with Mon Tulfo simply because he's already 65-years old. C'mon! You don't pick a fight with an old guy. Claudine should have second-guessed the headline: OLD MAN (Tulfo) MAULED BY A HAS BEEN (Claudine). 


If I were Claudine, I would approach Mon Tulfo and give him a beso-beso. The pleasantries will be like this:


Claw: Tito Mon, Gosh, Praise God, you're here...you know this CebuPac, fuck them, oh my...


Mon: What happened ba? Heard so much about this darn airline company, PI nila.


Claw: You're so right, Tito (tells her story with matching tears)


Mon: Cge, I will write about this...PI nila...


Claw: Hay, Thank God! (beso-beso again with matching pasagi of her enormous boobs)


Mon: O regards to Atong


Claw: MON! marinig ka ni Raymart!


Mon: Di na kayo close? E si Jinggoy?


Claw: Parang kayo close pa ni Atong, tama na nga, bye...may prayer meeting pa kami sa bahay...write about this freaking Gokongwei, papakidnap ko kamo silang lahat, fuck this CebuPac!


If I were Claudine, I would not badmouth, curse or ridicule the ground crew of Cebu Pacific. I would not threaten anybody. I would not call Lance Gokongwei, Or Lisa, or Robina or even John (they will just ask, weh? sinong Claudine? Trillo? ) . I would not show my true colors, I would not act as prima donna or some diva, kasi hindi naman talaga.  I would not let them think that I am a bipolar bitch. I would not raise a voice and spew my venom to anyone. 


Oh yes, I would not wear that pair of shorts and that tight pink tank or whatever it was. Claudine should have visualized the headline: MATABANG LAOS, MUKHA NA NGANG MATRONA, NAGMAMAMALDITA PA. 


If I were Claudine, I will be stoic not mad; Unfeeling Ice Queen until all those staff from Cebu Pacific melt with shame. I will be sweet like Susan Roces and whisper, you remind me of Gloria Arroyo and smile like Mona Lisa. I will not ask for a refund or damage fee, I will demand free tickets for my yayas so that they will get those bags. I will be nice and even take photos of them and say, souvenir lang, para di ko na kayo makalimutan sa buong buhay ko (sabay ngisi na parang si Selina lang sa Mula sa Puso). 


If I were Claudine, I will just walk away, ask Raymart, my husband to handle the situation and go to the casino, I mean, spa to relax. Nakakakastress kayo! Dyan na kayo!


But sadly, I am not Claudine. I am Gretchen. 

Monday, April 23, 2012

Mama Lola at Mamita

Tulad ko, ang aking Mama ay panganay, walo silang magkakapatid. In alphabetical order ang kanilang mga pangalan, kaya ang mama ko A for Amy. Apat silang babae, yung pangatlo, letter C for Celia, yung panglima, E for Elvie at pang-anim, F for Flor. Si Mama ay nasa heaven na, si Tita Cel ay nasa Chicago. Kaya ang kasama namin sa bahay ay yung dalawang kong single-forever na tiyahin, sina Tita Elvie at  Tita Flor. 


Kung titingnan, extremes sila. Noranian yung isa, Vilmanian yung pangalawa. Maka-Ginebra at Toyota yung isa, maka-San Miguel at Crispa yung pangalawa. Si Tita Elvie, friendly sa kapitbahay lalo na nung may tindahan pa siya. Matsika at talagang kilala niya ang mga kapitbahay namin, ultimo yung mga bagong silang na sanggol. Pinapatakbo nga siya dati sa barangay. Si Tita Flor ay bihira lamang masilayan ng aming mga kapitbahay. Lalabas lang yan pag pupunta ng SM, magsisimba sa Quiapo o sasamahan sa hospital yung isa pa nilang kapatid, yung pang-apat, D for Domingo Jr. 


Noong maliit ako ay lagi akong sinasama ni Tita Elvie sa Trabajo Market, hindi lang para mamalengke kundi para manood ng sine sa Mercury. Doon ko nakilala si Nora Aunor, sa mga pelikulang Kung Ako'y IIwan Mo, Minsan May Isang Gamu-Gamo at Mahal Mo, Mahal Ko. Si Tita Flor naman ay sa basketball ako sinasama. Ang iikli pa ng shorts ng mga basketball player noon kaya nag-eenjoy na rin ako. Na-realize ko lang noong nagkaisip na ako na marahil kaya ako sinasama ay para hindi sila mapagalitan ng aking Lolo, ang kanilang Tatay. Ang dahilan nila, pinasyal ko lang si Anthony. (Ako yun!)


Parehong mapagmahal sa mga pamangkin sina Tita Elvie at Tita Flor. Lahat kaming magkakapatid ay dumaan sa kamay nila pareho. Si Tita Elvie ay para sa infant stage, siya ang nag-alaga sa aming lahat noong kami ay mga baby pa. Tagapalit ng diaper, tagapagpadighay, tagapaghele, tagapagbasa ng komiks. Kaya nga sa kanya ko rin natutunang makahiligan ang pagbabasa ng komiks at pagiging malikhain sa paggawa ng sanaysay at kuwento. Si Ate Flor naman ay habang lumalaki ay taga-spoil naman namin. Laging may pasalubong noong nagtratabaho pa siya, laging may regalo at talagang pinapamili pa niya ako noon. Kasiyahan niya na yung ibigay sa amin yung hindi kayang ibigay ng aming mga magulang tulad ng bagong sapatos o bag. Inisip ko nga rin ay ako ang paboritong pamangkin ni Tita Flor. Pero ngayon ang paborito niya na ay si Jerome.


Si  Tita Elvie ay magaling sa pagdidisiplina. Pero mas nakatatak sa aking  isipan ( at tiyan) ang kanyang pinakamasarap na Menudo at Bulalo. As in, walang kapantay sa sarap. Sa kanya ko rin nakita ang pagiging maalahanin at malambing. Kahit ano pang pagkukulang at kalokohan naming magkakapatid, hahanapin pa rin niya si Ing. Ipagtatanong pa rin niya si Joseph. Sasabihin niya sa akin tuwing darating ako, may ulam sa bahay, nagluto ako ng Munggo. Sisilipin niya pa rin kami kung lahat kami ay nasa bahay at tulog na. Yung pag-aalaga ni Tita Elvie sa amin noong bata pa kami ay hanggang ngayon ay dala-dala namin sa aming mga puso. Sa kanya kami lumaki lahat no!


Si Tita Flor ay aaklain mong suplada pero napakagaling mag-alaga. HIndi lamang sa Tito Junior namin, hindi lang kay Jerome at Jenny, kundi sa aming lahat. Tatak niya na yung mataas na boses o yung mga tanong na 'maputi ba mukha ko o hindi ba pangit suot ko?'  Araw-araw yatang naglalaba, araw-araw naglilinis at nagliligpit, araw-araw at gabi-gabing nag-aalaga. May sariling pamamaraan ng pagmamahal si Tita Flor. Mula high school at hanggang college ay niyayaya niya akong mamasyal o manood ng sine. Kapag may kahon galing sa Chicago, lagi akong may lotion o pabango o kahit anong anik-anik na parang nirereserve niyta para sa akin. Binabawi ko na, alam ko, hanggang ngayong ako pa rin ang kanyang paboritong pamangkin!


Ngayon, sina Tita Elvie at Tita Flor  ay may bago nang pinagkakaabalahan: si Nathan. Ang una naming  pamangkin, ang una nilang apo sa aming magkakapatid (may mga apo na sila sa mga iba kong pinsan). May kani-kaniyang role, may kani-kaniyang pamamaraan o style, may sari-sariling touch --- pero pareho nilang minamahal at inaaruga si Nathan. Nauubos din ang oras nila kay Nathan, tumitigil ang kanilang mundo dahil kay Nathan, nakakalimutan nila ang lahat pati na ang panonood ng Dong-yi dahil kay Nathan. Hindi matutulog nang matiwasay hanggang hindi nakakatulog ng maayos si Nathan. Gigising at magigising kapag gigising at magigising si Nathan. 


At dahil kay Nathan, iba na rin ang tawag sa kanila: Si Tita Elvie ay si Mama Lola at si Tita Flor ay si Mamita. Pero kahit ano pang tawag o bansag, pareho silang mapagmahal at magaling mag-aruga. Pareho silang mananatili sa aking puso hanggang sa huling yugto ng aking buhay.

Tuesday, April 17, 2012

Loving Your Neighbor (The Calabash Road Way)


Loving Your Neighbor

Paano nga ba magmamahal ng kapitbahay kung saksakan sila ng ingay kahit hatinggabi na? Kung 6AM pa lang ay bumibirit na ng Dancing Queen sa videoke na naka-full volume? Kung nagpapadumi ng aso sa tapat niyo at iiwan na lang? Kung nagpapakain ng mga pusakal (pusang kalye) ng alas tres ng madaling araw habang parang nagcoconcert ang mga pusakal? Kung gabi-gabi na lang ay may inuman sa daan? Kung sa kalye naglalaba at ang dahilan ay baka madulas daw sila sa bakuran nila? Kung sa kalye ng nag-aalmusal, nanonood ng DVD at nag-totong-its? Kung yung kapitbahay mong naka-wheelchair ay may built-in surround stereo ang wheelchair at daig pa ang may wang-wang pag nagdadaan, kahit madaling araw na? Kung yung kapitbahay mong pag natatalo sa casino ay binabalandra ang sasakyan sa daan at bubusina ng malakas para pagbuksan siya ng gate sa madaling araw? Kung war freak pag lasing? Kung maaga pa lang ay nasa kalye na at pinagtsitsimisan ang bagong issue? Kung hindi nagwawalis ng tapat nila at kung magwalis man e papunta sa tapat niyo ang kalat? Kung iniiwan ang basura sa labas ng bahay at pagkatapos ay titirahin ng mga pusakal kaya magkakalat? Paano nga ba?

Wala akong sagot diyan. Since birth ay dito na kami nakatira sa Sampaloc. Sabi nga nila kakaunti na lang kaming mga original sa Calabash Road at maraming nang mga ‘bagong kapitbahay’. Kasama na yung mamang naka-wheel chair na nagpapautang ng five-six na saksakan ng ingay lalo na pag nalalasing. At yung nagcacasino na gumawa ng eksena noong New Year’s Eve dahil talunan sa sugal. O yung mga bagets na naglagay ng basketball ring sa gitna ng daan at hindi tumitigil sa paglalaro kahit nagdadaan ka. O yung pamilya na may prankisa ng maraming tricycle, may barbecue stand at tindahan. Karamihan sa mga ‘bagong kapitbahay’ ay di ko na gaanong kakilala.  

Pero masaya sa kalye namin. Kahit nangangarap pa akong mag-condo o tumira sa Forbes Park, hindi ko pa rin naisip iwanan ang Calabash Road. Kahit papaano, nakakakita ako ng ‘pagmamahalan’ sa kapitbahayan. Kapag may okasyon, uso pa rin sa kalye naming yung ‘uy dalhan mo naman ng pansit si Baby’. Kapag Piyesta, parang reunion, kasi dumadating din ang mga ‘dating kapitbahay’. Kapag New Year’s Eve, may street party (hindi nga lang kasali yung natalo sa casino), nagpapaagaw ng pera si Melissa, nagpapasiklaban ng mga paputok, bumabaha ng alak at leche flan para sa lahat. May trick or treat, may pa-swimming, yung iba nag-pu-food trip pa sa mga murang buffet resto sa paligid ng Metro Manila. Kaya nga nabuo yung Tropang Calabash. Para lang tourism campaign ang peg. It’s more fun in Calabash Road. 

Nitong mga nakaraang araw ay hectic sa aming kalye at gising na gising ang lahat naming kapitbahay. Dalawa kasi ang namatay nang magkasunod at sabay ang kanilang burol at libing  (sumalangit nawa ang kaluluwa nina Oday at Aling Lita). Kaya nga, lagare nga kami kagabi kasi parehong Big Night (huling gabi ng burol). Sabi nga nuong isa naming kapitbahay, para daw may Bisita Iglesia. Maraming tao, maraming sugal, maraming maingay na motor at pagsigaw ng Bingo, maraming kape at Red Horse, maraming sopas at sotanghon, maraming biscuit.

Pero mas marami ang pakikiramay. Mas marami ang pakikidalamhati. Mas marami ang pakikiisa sa kalungkutan. Magkaiba ang dahilan ng kanilang pagkamatay, magkaibang sitwasyon ng kani-kanilang pamilya --- pero ang Tropang Calabash, magkaisa sa pagbibigay parangal sa namatay at pagdamay sa namatayan. 

Kaninang umaga ay sabay ililibing sina Oday at Aling Lita. Bago ako umalis papasok sa opisina, nakita ko ang aking mga mahal na kapitbahay na tulong-tulong sa pagligpit ng mga tolda at silya, sa pagwawalis ng daan, sa pag-aayos at paghahanda sa paghatid sa kani-kanilang huling hantungan, sa pakikipag-usap sa mga kapamilya.

 Doon po sa amin sa Calabash Road, tunay at wagas ang ‘Love Your Neighbor.’