Friday, September 16, 2011

Gays for Christ



‘Jesus journeyed from one town and village to another, preaching and proclaiming the good news of the Kingdom of God. Accompanying him were … women… Mary, called Magdalene, Joanna, the wife of Herod's steward Chuza, Susanna, and many others who provided for them out of their resources.’


Noong panahon ni Hesus, walang bilang ang mga kababaihan sa kanilang bayan. Sila ay nakatalaga lamang sa tahanan --- kalimitan sa kusina. Sa templo o sinagoga, mayroon silang pinaglalagyan, hindi maaring makihalubilo; silbing tagapagmasid lamang at hindi maaaring aktibong maglingkod. Kaya subersibong matuturing ang pagsama ng mga babae bilang tagasunod at alagad ni Hesus. Pinapakita lamang ni Hesus, walang pinipili, walang sinisikil ang paglilingkod. Walang diskriminisasyon o gender bias ang kaligtasan.

Naisip ko lang, paano kaya ang mga bading na tulad ko?

Malamang kasa-kasama ni Hesus ang mga bading sa bawa’t kasalan at bankete na kanyang pupuntahan. Aakyat sa bundok, tatawid sa lawa, titiisin ang init --- marinig lamang ang kanyang mga turo. Malamang taga-ayos kami ng pila ng mga maysakit, tagapag-aliw ng mga bata habang abala ang kanilang mga magulang sa mga pagtitipon. Malamang masaya naming tatanggapin ang aming misyon na ipahayag ang Kanyang salita at maging katuwang sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa.

Naniniwala akong isasama kami ni Kristo.

Sa panahon ngayon, nasulat ko na ito sa dating blog, marami na naman talagang bading na hayag na naglilingkod sa Simbahan. Dati-rati, tagatahi ng damit ng Birhen, taga-ayos ng mga bulaklak sa altar, taga-tugtog ng organ (mabuhay ka, Bong Infante!)… Pero ngayon, marami na ring mga bading ang ‘decision maker’ sa kani-kanilang parish pastoral council.  Marami na ring mga bading ang organizer hindi ng mga Bingo o ng Santacruzan kundi ng mga communities na nagkakaisa para kara kay Hesus o Batayang Pamayanang Kristyano. Marami na ring bading ang binibigyan ng respeto at dignidad na makapaglingkod.

Kasama kami ni Hesus sa pagsusulong ng kaganapan ng buhay.

Kaya naman, nanawagan pa rin ako sa mga kasama ko sa rainbow. Anuman ang tawag niyo sa inyong sarili, becky, badush, bi, astig, effem, trannies --- lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ni Hesus. Lahat tayo ay tinatawag ni Hesus upang maglingkod. Kung nagkakaisa tayo para sa Miss Universe o para sa Love Yourself Project o para sa Ladlad --- bakit hindi tayo mag-volt in para kay Hesus at palawigin ang kanyang Kaharian? Huwag nang alahanin ang diskriminisasyon, sa totoo lang, sa atin din mismong mga bading, may rejection at prejudice; tayo-tayo naghihilahan pababa. Kapag matatagpuan natin ang ating karisma at gagamitin ang mga ito sa paglilingkod, mabubura na rin yang self-discrimination. Dahil si Hesus  mismo ang babaklas nito; si Hesus mismo ang yayakap sa atin upang tanggapin natin ang isa’t isa at tanggapin tayo ng lipunan.

Gays for Christ. It’s about time.

Thursday, September 15, 2011

Celebrating Life


“Here is the test to find whether your mission on earth is finished: If you’re alive, it isn’t.”

I am still alive. I got varied, some violent, reactions from last blog about my ‘last will’. Some people aren’t really comfortable talking about death. I am cool about it. I cannot say I am ready for it, nobody will ever be. But I would like to be prepared. It’s not about life plan or insurance (I don’t have any) but more of making my life worthy for something truly eternal.

I thank God every morning I wake up, it only means I’m still alive. More than a decade ago, I attempted to commit suicide. But no way I am gonna do it again. I love life and my life. There are things I want to tweak or delete, there are things I want to undo or redo --- and so on and so forth; but still, I love my life as is, where is. It comes with a nice little package with everything on it --- no more, no less, no matter how imperfect.

I am celebrating life, I am living my life. Years ago, I met a freaky accident. Everybody was hurt, most especially the driver, except me. I went out of the vehicle in a stoic manner, like nothing happened. I was in space. I remembered I had a book, I was actually reading that book when the FX we were riding in collided with a bum truck. I found the book across the street, way, way far from the accident scene. The title of the book: Journeying with the Spirit.

I am still alive. My journey isn’t over yet. My mission has just started. My life has just begun. And I am living and loving every second of it.

Wednesday, September 14, 2011

Habilin, hiling at halik

Ang kamatayan ay hindi natatakasan.


Nagising ako kaninang 3AM; sabi-sabi, ito raw ang tinatawag na witching hour. Nakiramdam ako, naghintay ng multo o anuman. Wala.  Pero biglang sumagi sa aking isipan ang konsepto ng kamatayan. Paano nga kaya kung yung oras na iyon ang tinakda? 


Tumayo ako at kinuha ang aking journal. Napagpasyahan kong gumawa ng mga habilin kung saka-sakali ngang ito na ang oras.


Una, ang ilalagay sa aking lapida ay ito: Tonichi B. Fernandez. Born Gay. Died Happy.


Pangalawa, i-donate ang lahat ng organ ko na maaaring pakinabangan ng iba, mula sa retina hanggang sa kidney pati bone marrow.


Pangatlo, anuman ang malabi sa akin, di ko tiyak kung gusto kong pa-cremate. Bahala na ang aking pamilya kung ano ang mas convenient sa kanila. Kung i-cremate man, sana ilagak ang aking mga abo sa ossuary ng simbahan ng Holy Trinity. Malaking bahagi ng buhay ko ang aking Parokya at paaralan, kaya nararapat lamang na doon pa rin ako sa aking kamatayan.


Pang-apat, ayoko sana ng mahabang burol dahil ayokong mapuyat kayo. Pwede namang patagalin basta may viewing hour lamang. Ibig sabihin, may schedule ang pagpunta. Pero may ilang kaibigan akong nais ko sana ay gabi-gabi ay nandun. [kapag naka-tag ka sa facebook link nito, ibig sabihin kasama ka sa hiling ko]. Ayoko nang may sugal, lalo na ng Bingo.


Pang-lima, ayoko ng black. Kung pwede, green and white ang suot ng lahat, mula sa burol hanggang sa libing. Malaking bahagi ng buhay ko ang pagkahumaling ko sa LaSalle Green Archers, kaya hanggang sa huli ay nais kong humiyaw ng 'Animo!' Official photographer ko ang mag-asawang Icasas, Vic at Cyn, kasama sina Les at Karen. 


Pang-anim, kung kaya, sana no make-up make-up. Meaning, hindi halata na ako'y naka-makeup. Ayoko namang bawa't titingin ay sasabihin na ' si Tonichi hanggang sa ataul, oily pa rin'. Ang isususot sa akin ay ang aking barong na may burda ng mapa ng Pilipinas.


Pang-pito, hindi kailangang magmisa gabi-gabi. Ayoko naman mang-obliga ng mga kaibigan kong pari. Pero kung sila may gusto, ayos lang. Hiling ko lamang ay gabi-gabi ay may umaawit. Tulad ng ginagawa ng KSH. Nais ko sana na awitin nila yung Hesus, Hilumin Mo, Awit ng Paghahangad, Saan Ka Man Naroroon at Sa'yo Lamang.


Pang-walo, karugtong ng pang-pito, nais ko talaga na parang concert ang bawa' t gabi. Sana may kumanta ng Minsan at With a Smile ng Eraserheads. IIsa Pa Lamang ni Joey Albert. Kung Ako na lang Sana ni Bituin Escalante, Hagkan ni Sharon Cuneta, Hanggang ni Wency Cornejo,  Gaya ng Dati ni Gary V. at Hiram ni Zsazsa Padilla. Isama na rin sa repertoire ang What I Did For Love, One Hello, Falling, Alone Again Naturally, You made me feel like a natural woman,  Bridge over troubled water, Alone, Every Now and Then, I Turn To You, I just don't want to be lonely tonight, at One Last Cry.


Pang-siyam, sana magbigay ng eulogy ang aking mga kapatid, kamag-anak at kaibigan. Sa mga kaibigan, aasahan ko sina Fr. Erik, Fr. Jek, Fr. Edmund, CJ, Reynan, Baby Arcilla, Chu at Martin Gaerlan. Aasahan ko rin sina Bro. Jun, Tatay Nards, Nanay Glecy, Ate Carmen, Nanay Becka, Nanay Beng, Pareng Alex Villamar, Mareng Loida Malubago, Macmac, Emy Garcia, Liz, Dyz, Edna dela Cruz, Divino at Naida [ pwede ring isama si Nanay Lita kaya lang baka abutin ng tatlong oras ang kanyang sharing]. Sana rin ay may magbigay mula sa Tgroup, sina Gov et al pati ang dalawa kong prinsesa na sina Bea at Camille. Sana may kumatawan ng Green Archers, kung pwede sana si Simon. Aasahan ko rin sina Gale, Tin, BJ Manalo, Mike Gavino at Jvee Casio. Syempre, dapat magsalita sina Gap Marquez, Dre Villar at si Asyong. Dapat nanadun din sa listahan sina Cecille Santos, Malou Macarubbo, Nandy Ilagan. Mapet Aquino, Tenten Noguera at Atoy Ramirez. Pati na rin sina Che Arandela, Mafeth, Marix, Ryan at Kaye Rivera. 


Pang-sampu, ang mga pallbearers ko ay ang mga taong naging malapit sa aking puso mamon at ilang mga naging paborito. Arnold Van Opstal. Simon Atkins. Macmac Cardona. Mike Cortez. Samuel Joseph Marata. Junjun Cabatu. Joseph Yeo. Ty Tang. Cholo Villanueva. Kasama sina Milan, Wesley at Melvin. Di rin dapat mawala si Anthony Cruz.


Panghuli, hiling ko lamang sa lahat ay isang halik. Kahit sa salamin lamang ng aking ataul. Babaunin ko ang inyong halik sa kabilang buhay bilang pagpapatunay na may nagmahal sa akin.


Panginoon, salamat sa buhay, salamat sa kamatayan.

Tuesday, September 13, 2011

Goodbye South Gate

I was just an ordinary fan, waiting for a glimpse of you, hoping for a smile or at least a wave.

Ganyan ang buhay ng isang dakilang basketball fan tulad ko. Matalo, manalo at abutan man ng dilim, at kung mamalasin, ng bagyo --- nakatanghod sa South Gate ng Araneta. Marami nang taon ang nagdaan, marami nang players ang umakyat sa PBA o nag-iba ng landas na tinahak; marami nang players ang naggraduate at may mga bagong recruit. Nagpalit na ng coach, nagbago na ng managers, nabawasan na rin ako ng timbang --- nandun pa rin ako sa South Gate. Naghihintay, nagbabakasakali ng kaunting kaway at sana may kasamang ngiti. Pero ang importante, masilayan man lang ang mga paboritong Green Archers. Yung matiyak lang na okay sila, yung malaman ko lang na nakalabas sila ng mahusay pagkatapos ng laro. Yun lang masaya na ako.

Pero ngayong taon, wala nang South Gate. Nagpapatayo ang Araneta ng bagong hotel at ang dating parking area patungo sa South Gate ang location. Sa West Gate na pumapasok at lumalabas ang mga players at iba pang may kinalaman sa UAAP. Ewan ko ba kung bakit o dahil nga siguro may sentimental attachment ako sa South Gate, ni minsan ay hindi ako nag-abang sa West Gate. Iniisip ko nga mahigit sampung taon akong tumatayo sa South Gate at ni isang sandali di ko napagtyagaan ang West Gate.

Pero iba noong Linggo. Pinilit ko ang aking kaibigan na samahan ako sa West Gate. Para matiyak na okay lang ang aking mga paboritong Green Archers. Para makita ko lamang sila sa huling sandali, sa kanilang huling laro ngayong season.

Nauna kong nakita si Maui Villanueva; huling laro na ni Maui, huling taon nya na ito sa UAAP. Niyakap ko si Maui nang mahigpit at sinabihang ‘good luck.’ Nagpasalamat siya.

Nakita ko na rin yung iba pa, Jovet, Joshua, LA… pero yung pinakahihintay ko ay tumambad na mula sa West Gate.

Simon Atkins. No. 7 noon, No. 19 ngayon. Tulad ni Maui, huling laro niya na sa UAAP.
Hinayaan ko munang dumugin siya ng ibang fans, picture dito, picture doon, may nanghihingi pa ng pamasahe. Dumaan siya sa harap ko at kinamayan niya ako. Ayos na ako dun. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak uli. Kakatapos ko lang humagulgol sa loob ng Araneta. Kakatapos lang namin mag-iyakan nina Tita Ellen, mommy ni Simon; Tita Bar, mommy-mommyhan ni Simon; pati ng mommy ng Maui at iba pang kaibigang solid sa  Green Archers.

Pagkatapos magpapicture at bumati sa iba. Umalis na si Simon. Nandun lang ako likod niya. Safe distance sa pagsunod. May mga humarang pa rin along the way, nagpapaalam, nagpapapicture. Noong malapit na siya sa entrance ng Gateway, humarap siya sa akin.

Simon, mamimiss kita…’ pabulong kong sambit sa kanya.

‘Magkikita pa tayo, Tonichi, magkikita pa tayo…’

Mayroon pa siyang sinabi at tapos kumaway na para magpaalaam. Pagtalikod niya, hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Sa harap ng maraming tao, iniyakan kong muli si Simon Atkins.
Mawawala na ng tuluyan ang South Gate, pero si Simon Atkins, mananatili sa aking puso.

No, I am not just an ordinary fan. I am a Simon Atkins fan ---- and that makes me extra-ordinary.

 Thank you Cyn Icasas for the pics. 

Friday, September 9, 2011

Walang hanggang pasasalamat

44 years of unending grace.


44 years of unlimited second chances.


44 years of unconditional love.


Thank you Lord for those 44 years.


Hindi natatapos, hindi nauubos, hindi nauupos. Hindi mawawala, hindi magwawakas, hindi mawawaglit. Sa loob ng aking 44 taong pamumuhay, walang hanggang pasasalamat ang tanging alay.


Sa Panginoon ng lahat. Para sa lahat-lahat. 


Sa mga kaibigang dumating o dumaan; umalis at bumalik; nanatili o mayroong nawala. Kayo'y bahagi na hindi lamang ng aking karanasan kundi ng aking buong pagkatao.


Sa mga nagmamahal at minamahal.  Sa mga minahal kahit hindi naghintay ng kapalit. Sa mga nagmahal kahit hindi binigyang pansin. Ang inyong mga pangalan ay nakaukit na sa kaibuturan ng aking puso.


Sa mga nagbigay ng pasakit at nanakit. Sa mga naging pabigat. Sa naging suliranin. Sa mga dahilan ng aking mga pagkadapa at pagkabigo. Sa mga taong iniyakan ko at iiyakan pa. Sa mga taong tulad kong sugatan, sa mga taong tulad kong nahirapan. Kayo ang nagpapapatibay ng aking dibdib, kayo ang nagpapatatag ng aking kalooban.


Sa mga tumulong, sa mga naawa at umunawa. Sa mga nagmamalasakit. Sa mga nagpapasensiya, lalong-lalo na. Sa mga nagbigay ng sigla at naghatid ng saya. Sa mga nagpangiti, sa mga nagpatawa. Sa mga kasama ko sa halakhak at maging sa dusa. Kayo ay nagpapaalala kung bakit ako naging mapalad.


Sa mga nagpatawad. Sa mga hindi tumingin sa aking pagkukulang. Sa mga tumanggap sa akin ng buong-buo. Sa mga hindi nagbibilang ng pagkakamali, nguni't hangad akong ituwid. Sa mga kumakapit sa akin kapag ako'y nadadapada. Sa mga naghahanap sa akin kapag ako'y naliligaw o nawawala. Sa mga nagbabangon sa akin mula sa ibaba. Sa mga nag-aakay sa akin sa liwanag. Kayo ang pagpapatunay na habang buhay may pag-asa.


Sa inyong lahat, walang hanggang pasasalamat. 

Being OK


‘Okay lang yun, J.”

“Hindi ok yun, hindi ok sa kanila yun, mahirap mag-explain.’

Sometimes, in trying to comfort someone, we always utter the darn thing: it’s ok.  Or even the otherwise is obvious; we still try to bring sunshine to a dark moment.

Condolence, are you OK?

Of course, somebody who just lost a mother is not OK.

Of course, losing a game and missing the ride to the Final Four is never OK.

But still, we say it. Ok lang.

As a write this, I am sick. Yesterday somebody texted, see a doctor now! But I texted back, I will be OK.

That’s me!

In putting up a brave front, I say that: OK lang ako,  even I am not.

In showing strength, I muster enough courage and poise, like a beauty queen in a question and answer portion, just to let the world know that: I’m OK!. Even I am crying inside. Even I am hurting.

In trying to be undaunted by the trying times, I ask for prayers but still manage to say, don’t worry I’m Ok. When the fact is, I am so scared.

I remember one quip from a famous impersonator: I am Ok, but I don’t know if I am alright.

That’s my current state actually.

But still, with so much faith, soon I will be OK-alright.

Tuesday, September 6, 2011

Survey: I need your help, badly.

Tulungan niyo po ako. I need to make a decision kung sino ba talaga. 


Siya ba?


o siya? 




o isa sa mga ito?










o siya ba talaga ang para sa akin? 




I need to decide na dahil nung isang gabi lang ang may dalawang nagsuntukan diyan dahil sa akin. Please. Totoong survey po ito. Pampa-haba ng hair. Promise.

Cold Boy

Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagkita kami at nagkainuman uli ni Cold Boy kagabi. Salamat sa hiwaga ng Facebook, nagkayayaan, napadaan, napasama sa umpukan, nagkakulitan. Parang mga gabi lang sa Orange dati.


Si Cold Boy ay isa sa mga iilang lalaking minahal ko nang tunay. Karamihan ng minahal ko ay ako ay nasaktan o iniwan.Yung ilan ay unrequited. Dalawa lang sila na ako ang tumalikod, ako ang umayaw, ako ang natakot sa wtf-commitment-thing. Isa si Cold Boy sa dalawang yun.


Sabi nga ni V kagabi, si Cold Boy lang ang nagpahaba ng buhok ko talaga. Si Cold Boy ang walang keber na nakikipag-holding hands sa akin sa Orange. Habang umiinom, habang nagkukulitan, kahit hindi ako ang kausap niya, hawak pa rin niya kamay ko. Kahit saan kami mapadpad, ok lang sa kanya na mag-HHWW kami [kadalasan, ako pa nga ang naiilang]. Tulad kagabi, halos buong gabing hinahawakan niya ang aking kamay at tanong siya ng tanong 'bakit ang payat-payat mo na...' 


Kay Cold Boy ko lang naranasan na ang supposedly 10-minute walk ay nagiging 45 minutes to one hour. Para kaming naglalakad sa buwan palagi. Siguro dahil sa dami naming napapagkuwentuhan, o siguro mabagal akong maglakad dahil sobrang bigat sa haba ng aking pamosong long hair. 


Kay Cold Boy lang ako nakadama ng lalaking komportable na katabi ako. Di namin kami naging official na 'kami', pero parang higit pa dun ang pinadama niya sa akin. He didn't make me feel like a natural woman, but he accepted and appreciated me for what I am.


Pero katulad ng iba,  natapos din ang lahat. Tanga ako eh. Naniwala ako sa reality. Naniwala ako   na it's all fantasy. Natakot na naman ako, Natakot masaktan, natakot maiwan, natakot umasa sa wala.  Inunahan ko na agad.


Noong huling gabing magkasama kami, ito ang tanong niya ' Bakit ang cold-cold mo na sa akin?' Kaya Cold Boy ang tawag ko sa kanya. Hindi ko nasagot ang tanong niya. Pero yun na yung nagpahiwalay sa amin. Pagkatapos nun, kagabi lang kami nagkausap talaga. Kagabi lang uli kami nagkatabi at nagholding hands. 


Kagabi sa aking pagtulog, iniyakan ko si Cold Boy. Iniyakan ko ang katangahan ko. Iniyakan ko ang paghihinayang. Iniyakan ko ang malamig ng gabi. Dahil sa takot kong magmahal, sa takot kong magpakita ng pagmamahal, ito ako ngayon: Ang cold-cold. 

Friday, September 2, 2011

Sauna Boy

Hindi ko alam kung bakit iritado siya sa akin.

Hindi naman siya kasing gwapo ni Neil Etheridge para magsuplado; but in fairness malakas ang dating niya, may personality kumbaga. Tulad ko, wala siyang permanenteng oras ng work-out, meaning pwede sa umaga, sa hapon o sa gabi depende sa free time. Kaya madalas, nagkakasabay kami sa Fitness First at dun niya ako pinagsusupladuhan.

Hindi ko naman siya pinangarap na maging kaibigan. Actually, ganun ako sa gym. Although friendly ako by nature, pero hindi ako trying hard. Para que pang naging Gretchen Barreto ako kung ako ang mauunang tsumika sa mga taong di ko kakilala. Besides, nandun naman ako sa Fitness First hindi para dumami ang friends sa Facebook, kundi para magbawas ng timbang. Hindi naman ako naghahanap ng katropa, gym lang talaga. Kaya kadalasan, ang kabatian ko lang ay yung mga staff, mula maintenance hanggang guard. Maski nga sa mga fitness instructor ay ingat na ingat din ako, baka kasi isipin, lumalandi ako o kumakarir. Sus. Excuse me.

Hindi naman ako nagsususuplado. Nag-iingat lang. We were not born yesterday kaya alam naman nating lahat na hunting ground at cruising area ang gym, lalo na sa Fitness First. Pag niloloko nga ako ng mga kaibigan ko na kaya lang ako nagigi-gym e dahil naghahanap ng lalaki, ito lagi ang aking sagot: e mas bading pa sa akin ang karamihan dun. E totoo naman, sa kalkula ko, mga 80% na lalaki dun ay may bahid. In all labels, in all colors, in all 'denominations'.

Kaya hindi ko na lang pinapansin ang lalaking suplado na ito na tatawagin kong Sauna Boy. Bakit Sauna Boy? Kasi dahil halos sabay kami sa oras, nagtatagpo rin kami sa Sauna/Steam room after work out. Akala ko guni-guni ko lang pero everytime na papasok ako ay lalabas siya. Minsan, may kasama pang balibag ng glass door. Pag nakakasalubong ko siya sa gym area ay nag-iiba siya ng daan. O super side view na parang may kasamang pandidiri na hindi ko maintidihan.

Ayoko naman siyang intidihin.

Pero noong isang Linggo, nalaman ko ang dahilan. Nakita ko siya sa Gateway na may kasamang mga alagad ni Remington, mga pa-machong sinumpang maging bading habang buhay. Nakita kong pumipilantik ang mga daliri at narinig ko siyang humalakhak na parang si Celia Rodriguez at tumataginting ang kanyang boses na para lang si Roderick Paulate. At sa totoo lang, pinkish white ang kanyang foundation. Si Sauna Boy ay certified kapamilya, isang bading na tulad ko.

Ngayon alam ko na kung bakit niya ako pinagsusupladuhan. Kaya pag nagkita uli kami sa Fitness First, aabot ko na sa kanya ang aking korona, ang koronang kanyang kinaiinggitan.

Ikaw na, Sauna Boy, ang Reyna.

Wednesday, August 31, 2011

Shawarma Boy


Isa sa mga comfort food ko ang Chicken Shawarma. Actually, noong panahon na super-diet ako, ito lang halos ang heavy na kinakain ko. Noong isang madaling araw lang, gumising ako ng 2AM para lang kumain ng chicken shawarma on plate sa may kanto ng Morato at E. Rod.

Last week, ito rin ang lunch ko, kasabay ang maliit na yogurt at buko juice. Pero hindi ito ang kwento.

Ang kwento ay ang nakasabay ko sa isang Shawarma kiosk sa Waltermart Makati. Matangkad, matipuno --- hayop sa biceps at pecs, semi-kalbo, with bonus nice butt.

Nauna siya sa akin kaya naunang dumating order niya, apat na beef shawarma. Nanghinayang ako dahil akala ko ay take-out. Yun pala, dun niya kakainin, lahat ng apat na beef sharma. Hayop sa appetite. Kitang-kita naman sa katawan.

Dumating na rin ang order ko at salitan kami sa hot sauce. Halos 1/4 pa lang ng chicken shawarma ang nakakain ko, nakadalawa na siya. Hayop sa bilis kumain. Kalahati na ako, ubos na ang pangatlo niya. Hayop sa sarap niyang kumain. At hindi ko pa maubos ang sa akin, tapos na siya sa kanyang ika-apat siya. Hayop siya, hayuuuuuuppppppp (parang Nora Aunor ang pagkadeliver).

Yun ang totoo, hayop siya sa appeal. Hayop siya sa sarap panooring kumain. Hayop siyang tingnan at titigan.

Yun ang totoo, binagalan ko talagang kumain. Dahil kung nabusog siya sa apat, ako naman busog-busog sa kanya.


At dahil sa hindi ako nakatiis, sinimplehan ko siyang kunan ng pic.


Hayuppppppp!

Atenista

Noong Linggo ay hindi talaga ako dapat manonood ng laro ng DLSU vs ADMU sa personal na kadahilanan. Pero dahil may kausap ako somewhere sa Ali Mall (high school memories! Skatetown!), napadpad pa rin ako sa Gateway. At dahil gusto kong makita sina Bea at Camille, dumaan pa rin ako sa Pizza Hut, ang meeting place ng TGroup na kasa-kasama ko sa panonood kapag may game ang Green Archers.

Later on, pumasok na sila sa Araneta samantalang ako ay nagpunta muna sa Ali Mall. Saglit lang yun. Pagbalik ko, halos 30 minutes akong nakatunganga sa green gate. Nag- toss coin – head kung manonood, tail hindi. Ilang beses kong dinaya sarili ko, kasi puro head lumalabas. Ilang beses din akong kinausap ng mga nag-aalok ng condo. Yung isa, pinagtripan kong pakinggan. Maya-maya may lumapit sa aking naka-asul, at tinanong ako ng: dude you have a ticket already? Got spare, you might want it, for free.

Di agad ako nakasagot. Una, English. Hehehe. Pangalawa, naka-asul siya, naka-green ako. Bakit ako? Dami namang Atenista diyan na walang tiket. Pangatlo, gwapo siya at maganda katawan. Again, bakit ako? Hinawakan ko ang ulo ko, ang alam ko kakagupit ko lang ng semi kalbo, bakit parang ang haba-haba ng hair ko?

Nakasagot na rin ako sa wakas, in English! You know, I’d be glad to take it, But I already have one…thank you!. At parang gusto kong mag quarter-turn dahil tapos na ang q and a portion. Pero bumanat uli siya, ah ok, I just thought you don’t have yet…

Naisip ko na kaya inakala niyang di pa ako pumapasok dahil nag-aabang pa ako ng libreng tiket.

Pumasok na rin ako sa wakas at ito ang pinakamaganda sa lahat, dahil sa kaartehan ko, ang tiket ko pala ay sa Ateneo side. Ang upuan ko ay napapaligiran ng blue people na hiyaw ng hiyaw ng one big fight. Hmp.

3rd quarter, alam ko na more or less ang kahihinatnan ng game, nagpunta ako sa CR, hindi para umiyak sa napipintong pagkatalo pero para mag-jingle bells. Wiwi, pagpag, hugas ng kamay at emote sa salamin. May naka-asul na bumati sa akin: You’re so thin, what’s your secret?

Siya uli.

Promise, di ko siya kilala. Unang-una, Atenista siya. Pangalawa, Ateneo ang team niya. Pangatlo, naka-asul siya.

Bumirit uli, sorry, you might not know me, but I always see you watching games. Like for 10 years already! And as far as I can recall, you were so chubby before!

Di naman agad ako nakasagot, parang akong si Dindi Gallardo na iniinterview ni Apa Ongpin sa Bb. Pilipinas. Parang gusto kong bumanat ng I beg your pardon?’ Pero napaka-high school naman nun.

‘I’m attending yoga classes, into free weights…but no deprivation diet, just everything in moderation’

‘That’s kewl’ , sagot niya, ‘Saang gym ka?

E marunong naman palang mag-tagalog. Binanggit ko yung pangalan ng gym, saang branch at kung ano-ano pang chika. Saglit naming nakalimutan ang laro, saglit kong nakalimutan yung pagkatalo ng LaSalle, saglit kong nakalimutan yung dahilan kung bakit ayaw kong manood ng laro. [At buti na lang nanood ako!]

Oh, we better get back inside…sorry for LaSalle, hehehe, see you around. By the way, I’m _________. Add me on FB.’

Nauna siya pumasok. Ako nakatunganga at parang may background music: Believe it or not I’m floating…’

Hinawakan ko yung buhok ko, ang haba-haba na lalo ng long hair ko, mula Araneta hanggang Eastwood sa haba. Itsura mo lang Rapunzel.

Thursday, August 18, 2011

Love+Yourself.

Story 1. Gie is HIV positive. When he got the confirmatory letter, he didn't know where to go and what to do. In his room, afraid that his father will hear his sobs, he cried quietly. He wanted to wail, he wanted a hug. His father is a former military man who never accepted him for being gay. His father never spoke to him after the day Gie told him that he's gay. Christmases have passed, Mom has passed away --- Gie was all alone by himself. He was the only child, his father's junior who happened to be gay.

Gie went out of the room to get water. He found his father at the kitchen crying, holding a piece of paper. It was the confirmatory letter. His father stood up and went to Gie. Gie thought he will get some beating from his stocky, ex-military father. Instead, he got a warm hug.

Srory 2. Maxie went gaga over this college basketball superstar. She watched every game, she followed him everywhere. She gave him gifts, she brought food at his dorm. Maxie is not pretty. She's fair, she's got nice boobs, she's got shapely legs. But for the player, she's not pretty. One rainy night, Maxie went to the dorm and she was surprised that she was allowed to go upstairs. Usually, she would just leave her gift at the guard's station. She went to the unit of the basketball player and like a perfect set-up, something happened to them. The player was so horny that rainy night and even the un-pretty Maxie will suffice. Besides, his teammates placed a bet, dared him to do it with Maxie. Call of money and raging hormones, he obliged. He even allowed some players to actually watch. They hid at the closet and Maxie who was so clueless was just so giving to the man of her dreams.

Nine months later, she gave birth to a handsome young boy. Maxie may have lost her virginity that night, but she's gained her self-esteem after she decided to keep the baby.


Story 3. Toni committed suicide when he thought he couldn't take it anymore. All the expectations, all the harassment, all the accusations. He just wanted to make his family happy --- but in fulfilling his obligations, he forgot his own pursuit of happiness. He just wanted to give them everything, but in the end, he found he's got nothing for himself. He just wanted to provide them the best, but never saved anything for himself. On that miserable fateful day, he found himself alone. Unpaid bills, collectors calling him left and right, and not a penny on his pocket. He thought after giving his all, he's still alone. Unhappy. No money. No dignity. He took 238 pills to overdose himself. He put himself in deep slumber not hoping to wake up again.

After three days, Toni woke up. He claimed he already saw the light. He claimed he heard voices, people calling his name. In the end, one voice remained. It was the voice of his mother telling him, anak, gising ka na....


Today, Gie is giving seminars to raise the awareness on HIV and AIDS. His father drives for him --- to the seminars, to the hospital during check-ups or for his medications.

On Sunday, Maxie's child is celebrating his sixth birthday. I got an invitation for the party, the father is not invited. On the child's birthday and on his life.

On this very minute, Toni is about to finish this blog. He claims he's found the light and embraced it. He's sharing that light to others.

Gie, Maxie and me. We survived, and still surviving, because we found love. And that love started inside our hearts.




Friday, August 5, 2011

Si Audrey, Si Manang Edith at ang Package.

Deny yourself. Carry your cross. Follow Me. Napakalinaw nang sinasaad ng Ebanghelyo ngayon. Kumbaga, no ifs and buts, no excuses, no conditions, as is where is. Kung gusto mong sumunod kay Kristo, aba dapat mong kalimutan ang iyong sarili at pasanin ang krus. Yun na yun. Sabi nga ni Fr. Erik sa kanyang homily kaninang umaga, package yun. Parang promo, you can have one, when you get the other. Di maaaring yung isa lang at huwag na lang yung iba. Hindi tama na sinasabi mong sumusunod ka kay Hesus tapos ay makasarili ka pala at walang pakialam sa kapwa.

Ang Panginoon ay magaling sa 'timing'. Sa Misa kanina, noong peace be with you na, ang nasa likod ko pala ay sina Manang Edith at Manong Jun na 'nakaaway' ko. May quotation mark yung nakaaway kasi hindi naman talaga ganun ang nangyari. Pero matagal ding panahon na kami ay pinaghiwalay ng 'circumstances'. At kanina ngang umaga, pinagtagpo kami sa isang perfect set-up. Deny Yourself. Carry your cross. Follow Me. Kung gusto kong tunay na sumunod kay Hesus, iwawaglit ang pride, kakalimutan ang sakit na dulot nang 'away' na parang krus na nagpapabigat lamang ng kalooban --- isang maningning na Peace be with you lamang ang paraan. Ang gaan-gaan nang pakiramdam ko pagkatapos ng Misa. Nabawasan ako ng tinik, nabawasan ako ng kaaway, nabawasan ako ng krus.

Kung mayroon mang may bitbit na krus sa panahong ito, isa na si Audrey dito. Sa kasagsagan ng mahaba at madamdaming speech ng kanyang asawa, nagtext ako sa kanya. Walang sagot. Naintindihan ko dahil alam ko namang mas kailangan siya ng kanyang asawang nasa gitna ng isang matinding political storm. Pero kahapon, nagtext siya. Nagpapasalamat. Maikli lamang ang palitan ng aming text subali't punumpuno ng damdamin. Nangako akong pagdarasal ko silang mag-asawa. Nawa'y makatagpo ng katiwasayan ng kalooban sina Audrey sa pamamagitan ng pagharap sa katotohanan. Kasama sa package ng Panginoon ang pagtanggap sa katotohanan, gaano man kasakit. Ganun talaga eh - Deny Yourself. Carry your cross. Follow me.




Thursday, July 28, 2011

+


Txtko: Friend, san ka? Gym tayo?
Txtnya: Bes, Masama pakiramdam ko eh.
Txtko: Naku, patest ka na (smiley)
Txtnya: Tapos na...
Txtko: Baliw
Txtnya: Oo nga...
Txtko: Letse...
Txtnya: Mamahalin mo pa ba ako Bes kung sakali?
Txtnyo: let's end this discussion...pagaling ka, sige gym ako mag-isa...mwah


Hindi ko inakalang maaari itong mangyari sa taong kakilala ko mismo. Marami akong blog na nababasa tungkol dito. Marami akong kilala sa Facebook at sa iba't ibang site na HIV+. Akala ko handa na ako para sa ganitong sitwasyon. Akala ko magiging madali na kung sakali.

Txtnya: Bes, payakap.
Txtko: Hugs...
Txtnya: Bes, +
Txtko: Ang alin?

Sa lahat ng pagiging positive, ito ang hindi ko pinapangarap. Para sa aking sarili, para kanino man. Pero ito ang katotohanan. Marami sa ating paligid ang HIV+. Maaaring di nating kakilala, pero napakalaki rin ng posibilidad na may kakilala tayo o kaibigan o maging mahal sa buhay na ganun.

Txtko: Buntis ka? (smiley)
Txtnya: Bes, yung tanong ko, mamahalin mo pa ba ako?
Txtko: Oo friend, unconditionally. Kape tayo?
Txtnya: Di ko pa kayang lumabas eh.
Txtko: Pupuntahan kita.


Sa isang iglap maraming magbabago dahil sa isang simbolo: +

Subali't ito kailanman ang hindi magbabago:


Mama

During my power nap at the office yesterday, Mama appeared three times in my dream. First, I was having lunch with my Green Archers-T-Group friends. We were talking about the recent game and suddenly I saw Mama listening intently, gulping below zero Red Horse Beer in between. Then the scene segued to dinner with my Sunday Group; she was there looking at me, waiting for me to raise a strong opinion against those bishops. But her disarming smile made me stop, as if she was reminding me when to give in an argument. And the last scene was with my brothers; there she was at her favorite side of the sofa, laughing with us at Vice Ganda antics. It was so real, surreal.

I miss Mama. I miss our breakfast together. I miss her fried rice, pork and beans and sunny side up. I miss her litany of bills to be paid and things needed to be bought. I miss her juicy stories about our neighbors. I miss those times she would check on my sleeves, ask if I had a hankie with me, and finally whisper ‘ingat’ before I’d leave for work.

I miss Mama. I miss her sinigang na baboy, tinolang manok, atay at balun-balunan and her ‘world-famous’ binagoongan’. I miss the way she looked at me. I knew when she needed something; I knew when she wanted to tell me something. She knew when I need a hug. She knew when I want to be alone. I miss her pat at the back; I miss her ‘ kaya mo yan, anak.’

I miss Mama. I miss our TV marathon. I miss our discussions about anything under the sun. She was the one who encouraged me to voice out but no vent, to raise an opinion but not to start an argument; she taught me how to listen and give in. I miss her courage, against all odds, against all bills. I miss her candor, her jokes, even at the time Meralco cut our electricity. I miss her charm; even at times I would feel angry for those unpaid bills. I miss her sweetness, I miss her strength. For me, she’s the original Iron Butterfly. I miss her ’pasensiya na anak, alam mo naman sa’yo lang ako nakasandal.’ The truth is si Mama ang sandalan ng aking buhay.

It makes no little wonder she appeared in those scenes in my dream yesterday. In all those vignettes, I was with people closest to my heart. I was with people I’m most comfortable with. I was with people I truly love. And there she was, and will always be, at the center of them all.

Usually, I would wake up from my power nap feeling cold and numb. But yesterday, I felt warm. It was like somebody was hugging me all the time. I touched my face and noticed dried tears. Mama has probably wiped them for me, just like what she would always do when she was still alive.

I miss you, Mama. I love you.

Friday, July 22, 2011

Si Maria Magdalena

Araw-araw nagsusumikap akong makapagsimba. Ganito ang routine ko sa umaga: gigising ng 4-4:30AM. Magdarasal, maglilitanya, magninilay. Magbabasa ng Ebanghelyo mula sa Pandesal, magbubukas ng Bibliya para sa Pagbasa at Salmo. Magninilay at magmuni-muni habang nagkakape. Tapos, magbabawas at maliligo. Lalabas para tumakbo at dadalo sa 5:45 AM Mass. May mga araw na sumasablay o di na talaga kaya at pag ganun ay tila may kulang o parang may mali sa aking araw.

Kaya masakit sa aking tawagin akong ipokritang bakla. Sayang daw ang madalas kong pagpunta sa Simbahan. Wala naman akong sinasabi na ako'y santo o pinakabanal o baklang pinagpala sa lahat. Ang totoo, kaya nga ako nagsusumikap magsimba araw-araw ay dahil sa ako'y mahina at makasalanan. Ang totoo, sa kabila ng aking pagdadasal ay may pagkakataong ako pa rin ay nadadapa at nasasadlak sa putik. Ang totoo, kaya nga ako nagsisimba dahil nais kong may makapitan, may masandalan, may masilungan, may masabihan, may makayakap --- sa lahat ng panahon, sa habang panahon.

Naniniwala kasi ako sa Habag at`Awa ng Panginoon, sa Kanyang Pag-ibig at Pagmamalasakit --- at dun sa pananampalataya ito ako nakakapit. Lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko, kapit lang kay Hesus, kapit lang.

Siguro kung hindi ako nakakapit kay Hesus, nakapatay na ako ng tao. Nakipagsuntukan na siguro ako sa siksikang tren. Nabato ko na siguro bahay ng mga tsismosang sina JG at SM. Tumalon na siguro ako sa Enterprise Center. Isa na siguro akong sex offfender, tapos nakaheadline sa dyaryo, Bakla Naghipo, Tiklo. Nangholdap na siguro ako ng FX. Nagnakaw na siguro ako sa kaban ng Simbahan. Iniwan ko na siguro mga kapatid ko. Tinalikuran ko na siguro nang tuluyan ang Parokyang punumpuno ng makabagong Pariseo at Publikano. May ginilitan na siguro akong Atenista. Sinabuyan ko na ng asido ang lahat nang nang-api sa nanay ko at mga kapatid ko. Hinamon ko na sana ng sabunutan ang mala-anghel sa kabaitang si Charlie Sita na tumawag sa akin ng ipokritang bakla.

Yung karamihan sa taas ay exaggerated at extreme (echos at char-char lang, in other words). Ang pinupunto ko lamang ay ito: I could be worse than as I appear to be now. Kaya nagsususumikap akong magpakabuti. Mahihirapan siguro akong maging at makilalang mabait, pero pinipilit kong maging mabuti sa kapwa, sa sarili, sa bayan at sa harap ng Panginoon. At malaking bagay ang pagsisimba araw-araw, ang mataimtim na pagdarasal, ang tahimik na pagninilay. Dahil doon, natututo akong magtimpi, magbigay, magpa-ubaya, magmahal, umunawa at magpatawad ng iba at ng sarili.

Kapistahan ngayon ni Maria Magdalena. Pareho kaming biktima ng mga maling akusasyon, panghuhusga at 'character assassination and stereotyping'. Pareho kaming kilalang sawimpalad at talipandas. Pero pareho rin kaming nagsusumikap maging tapat na alagad ni Hesus, hindi mang-iiwan, hindi bibitaw. Sa aking buhay, nais ko ring sambitin ang sinabi ni Maria Magdalena sa Ebanghelyo ngayon: ' Nakita ko na ang Panginoon at ito ang kanyang sinasabi!'

Thursday, July 21, 2011

Si Gretchen, Si Marjorie, Si Claudine

Tatlo kaming bading na magkakapatid. I don't want to sound defensive but we are happy as we are. Kaya nga gay eh. We're not a dysfunctional family. We may not be 'the usual' but probably that makes us also ' extraordinary'.

Ako ang pinakamatanda, si Gretchen. Breadwinner since birth and probably until death. Will do everything for the family. Suplada, hindi demonstrative, hindi affectionate. Stoic, Ice Queen, Reyna ng Deadma. The truth is, sa dami ng bagyong dumaan sa amin bilang pamilya, I had to be strong. Panganay, kaya mataas ang expectations. Pero sa totoo, malambot ang aking puso. Mapagmahal.

Like Gretchen, I'm aristocratic and authoritative. I say what I want to say, with finesse and prudence of course. Like Gretchen, I have mellowed. I used to be a real bitch, pero ngayon paminsan-minsan na lang. It was my mother who taught me this: You'd rather be a bitch than be somebody's mop. Like Gretchen, hindi ako sweet. Like Gretchen, I can be a poisonous scorpion, just leave me alone and I won't sting.

Sumunod sa akin si Marjorie. Mysterious. Now you see, now you don't. Araw-araw, laman ng aking dasal kasi nga hindi sa amin nakatira. Noong Sabado, nagsimba ako, nakiusap ako kay Lord na padalhan naman ako ng balita kung nasaan si Elisa, este, si Marjorie, kung kamusta na siya. Pagkauwi ko, ayun, dumating si Marjorie sa bahay. Sabi ko sa mga kaibigan kong pari, ang Panginoon, napakabilis tumugon. Nagluto si Marjorie ng paborito kong Sinigang sa Miso at Tokwa't Baboy. Kinabukasan, Beef Steak and Pinakbet naman ang niluto.

Kahit umalis din si Marjorie noong Sunday night, ang importante alam naming maayos ang kanyang lagay. Ganon siya eh. Mahilig mamalengke at magluto. Mahilig mawala at bigla-biglang darating at agad-agad ding aalis. Siguro nga ayaw niyang malaman namin ang kanyang mga escapade sa pag-ibig. Siguro akala niya itatatwa namin kung mabalitaan naming nagmamahalsiya ng sobra-sobra. Nagsawa na rin kaming paalahanan siya pero di kami nagsasawang mahalin at intindihin siya.

Si Claudine ang pinamataray sa amin. Party animal, gimikera, at travel bug. Magugulat ka na lang nasa Cebu na pala siya. Showbiz siya kaya nga noong bday niya e bisita namin si Vice Ganda. Dati nga tambay sa bahay namin si Krista Ranillo. Marami siyang gamit, galing kay Pooh, galing kay Pokwang, galing kay Angelica, galing kay Zanjoe, galing kay Pratty... noong isang araw, isang bag na pununpuno ng anik-anik galing kina Melason.

Mahilig din mawala sa gabi, yun ang kanyang lifestyle, dahil nga siguro showbiz. Rumaraket sa mga comedy bar, naghohost sa mga corporate events, nag-p-PA sa kung sino-sinong artista. Close kami ni Claudine although lately e bihira na kaming magshopping together ( wala na kasi akong pang-shopping) pero we try our best na maglunch sa labas kapag may time.

Like the real Gretchen, Marjorie and Claudine, nag-aaway din kami dati ( pero never kaming nag-away dahil sa boylet ha, magkakaiba taste namin, hahaha!). Pero hindi na ngayon. Siguro may mga kaunting iringan at supladahan paminsan-minsan, pero bahagi lang yun ng aming pagiging mahaderang magkakapatid. To each his own pero may pakialam at malasakit sa isa't isa. May kanya-kanyang lovelife (sila, pero ako wala), but at the end of the day at kapag umalis na rin ang huling lalaking minahal, kami pa rin ang magkakasama.

Si Gretchen, Si Marjorie at Si Claudine. Tatlo kaming bading na magkakapatid.




Friday, July 15, 2011

Mga Kaibigan Kong Kagandahan

Mapalad ako sa pagkakaroon ng mga kaibigang lubos ang kagandahan ng kalooban. Hindi ko na sila iisa-isahin o papangalanan bilang respeto at proteksyon. Pero sadyang maganda sila, inside and out.

Hindi ko man sila nakakasama araw-araw alam kong mahal nila ako bilang kabigan. Yung iba nga ay nasa iba't ibang bahagi ng mundo --- mula Ireland hanggang sa USA --- at salamat sa Facebook, ang kanilang kagandahan ay nasisilayan. Ang kanilang busilak na puso ay kumikinang hanggang dito sa Pinas. Ilang bata ba ang kanilang pinangiti, ilang scholars ba ang nabiyayaan ng kanilang kabutihan, ilang puso ba ang kanilang pinagalak. Kahit malayo, ang kanilang kagandahan ay aking nararamdaman.

Yung iba ay nakakasama ko sa hanapbuhay. Yung iba ay kapareho ko ng paborito: basketball at malamig na malamig na Red Horse. Pare-parehong nababanaag sa kanilang mga mukha ang dalisay na pusong nagmamahal at nagmamalasakit. May Madam, may Tita, may Gov, may Ms., may Gorgeous, --- iba-ibang tawag, iisa ang kanilang puso: puso ng kagandahan.

May nakilala ko lang sa UAAP. May mga girlfriend at naging asawa ng player, may feeling girlfriend, may best friend ng player, may supporter-friend ng buong team. Pero ngayon, ako na ang kanilang friend-friend. They come in all shapes and size, pero litaw na litaw ng kanilang kagandahan sa pagbubukas ng sarili, sa pagbabahagi, sa pagsasabi ng nararamdaman, sa pagbibigay ng tiwala, ang pagpapahalaga sa salitang kaibigan.

Yung iba ay parang langit at lupa ang aming agwat. Mayaman at nababalutan ng ginto pero mas ginto ang kanilang kalooban. Celebrity o almost celebrity, asawa ng coach, asawa ng manager. Pwede na akong hindi pansinin sa kanilang estado sa buhay, pwede na akong lampasan at di ngitian. Pero sa kanilang kagandahan, hindi lamang matamos na ngiti at beso-beso ang kanilang binabahagi.

Yung iba ay tulad ko ring may pinagdadaan. Pero sa kagandahan ng puso, malaya kaming nakakabukas sa isa't isa at lahat ay gumagaan at ang buhay ay lalong gumaganda.

Yung iba ay matagal kong di nakita. Mula Grade School. Mula High School. Mula College. Yung iba ay lagi kong nakikita. Mula Simbahan. Mula sa Bahay. Mula sa Opisina. Mula sa Karinderia. Mula sa Istasyon ng Tren. Mula sa Facebook.

Mapalad akong mapadalhan ng Panginoon ng mga kaibigang lubos ang kagandahan. Pakiramdam ko tuloy, maganda rin ako.


Mga Kaibigan Kong Pari at Seminarista

Mapalad akong magkaroon ng mga mapagmahal na kaibigang pari at seminarista. Hindi ko na sila papangalanan bilang respeto. Pero tunay ngang pinagmamalaki ko ito. Hindi ko naman sinasabi na sila ang pasaporte ko sa kaharian sa langit, pero sila ang aking nagiging sandigan at gabay upang ang langit ay matikman at makamit dito pa lamang sa lupa. Sila ang mga pinadalang instrumento ni Hesus upang sa Kanyang Habag at Pag-ibig, mananatili akong nakakapit sa Kanya.

My life has always been an open book, even in my Facebook profile and wall posts. Alam nang lahat na ako ay isang bakla. Alam nang lahat na ako'y madalas na nadadapa at nagkakasala. Alam nang mga kaibigan kong pari at seminarista ang aking daily struggle. Alam nilang bakla ako at buong puso nila akong niyayakap at tinatanggap sa kabila ng pagiging ako.

Tuwing Linggo ay kasama ko ang mga matatalik kong kaibigang pari (ang mga seminarista ay nasa loob). Kasabay sa almusal pagkatapos magmisa. At sa gabi naman ay mayroon kaming Sunday Night Club (susulat ako ng hiwalay na blog para dito) kasama ang ilan pang kaibigan. Marami kaming pinag-uusapan, pinagkukuwentuhan, pinagninilayan. From mundane to sublime, from religion to politics, from sports to showbiz, from books we read to movies we watched, from affairs of the heart (naming mga layko) to affairs of the Church, from people around us to all about us ---- just anything under the sun. Lahat ng issues, hihimayin. Lahat ng anggulo, bubusiin. Punto por punto. Minsan nagrorole playing pa kami. Ako si Boy Abunda at sila ang mga Bottomliners. O parang dun sa dating program na Points of View. Basta parang talk show. Lahat may point, lahat may opinion, lahat may kuwento (sa amin tanging si Arbie lang ang hindi kumikibo --- more on that later), lahat may stand.

Dun ko mas pinagmamalaki ang pagiging mapalad ko sa aking mga kabigang pari (at seminarista). Wala silang panghuhusga, lahat pinapakinggan. Bagama't paminsan-minsan ay hindi iisa ang aming opinsyon ( e hindi naman kasi kami mga robot, may mga sarili kaming pag-iisip) sa bagay-bagay, hindi kami nagsasalungatan, nagsasagutan o nagtatalo. Gaano man kababaw o kalalim ang issue, tungkol man sa lovelife ni Reynan (again, more on that later, hahaha) o ni Julius, tungkol man ito sa mga Obispo o kay Pnoy --- kami ay palagay sa isa't isa. Magcomment o kumontra man, laging nandun ang antas ng respeto sa opinyon ng isa't isa.

Mapalad ako sa mga kaibigan kong pari (at seminarista), at bahagi na sila ng aking buhay-panalangin at araw-araw na pamumuhay at pakikibaka. Sa mga panahong pakiramdam ko'y nahuhusgahan ako ng iba (may tumawag sa aking ipokritong bakla at multong bakla at sayang daw ang paglilingkod ko sa Simbahan), sa mga panahong kailangan ko ng assurance at affirmation, sa mga panahon ng kalungkutan at hirap nang kalooban, sa mga panahon ng pagsubok at pagkakasala --- ang mga kaibigan kong pari (at seminarista) ang tagatapik, tagabalik sa akin sa landas ni Kristo, tagapaalala, tagayakap, tagapunas ng aking mga luha, tagapagbigay ng aliw at ibayong sigla, tagapaghatid ng ngiti at malaks na halakhak at kadalasan, tagalibre ng dinner.

Mapalad ako sa pagmamahal nila sa akin bilang ako --- bilang baklang Kristyano.

Friday, May 27, 2011

Iisa Pa Lamang.

Buong buhay ko di pa ako nakakaranas ng romantikong pag-ibig. Wala pang nagsasabi pa sa akin ng 'I love you!' o 'Mahal kita' na hindi matalik na kaibigan o kamag-anak. Sabi nga sa kanta, sa dinami-dami ng lalaking dumaan sa akin, mga kalaro o kabigan .... sa dami-dami ng inaasam-asam...lahat ay panandalian lamang. Marami na akong pinalampas na pagkakataong mag-invest para sa isang pag-ibig na mutual at busilak. Marami na rin akong pinanghinayangan, mayroon ding iniyakan at di na binalikan.

Pero ngayon sa buhay ko ay iisa lang ang aking hinahangad: ang pag-ibig ni Hesus. Yun lang at sapat na. Wagas at walang hanggan ang pag-ibig na inaalay ni Hesus sa kanyang mga kaibigan. Alam ko isa ako sa kaibigan ni Hesus. Ilang beses ko ba siyang tinalikuran pero Siya pa rin tatambad sa aking harapan. Ilang beses ba sa buhay ko na ako ay nagtago sa dilim, nawala at nagwala; pero Siya pa rin ang sa akin ay naghahanap, yumayakap at umaakay pabalik sa liwanag. Ilang pagkakataon ba akong napagsarhan ng pintuan, hinusgahan at nasaktan; pero nariyan Siya upang ako'y kalingain, ingatan at hilumin ang sugatang puso at pagbuksan ng walang katapusang pinto ng pag-asa. Ilang pagkakakataon bang ako'y nadapa, nagkasala, nanakit ng kapwa; pero si Hesus ay di nagbibilang, di nanunukat, di nagbibigay ng parusa --- patuloy Niya akong minamahal, pinapatawad, pinamamalasakitan.

Si Hesus ang tunay na Kaibigan at wala nang pag-ibig ang hihigit sa Kanyang inaalay sa akin.

Subali't sa Ebanghelyo [John 15:12-17] ngayon, pinapaalala ni Hesus: This is my commandment: love one another as I love you. No one has greater love than this, to lay down one's life for one's friends...

Simple lang, hindi sapat na mahal ako ni Hesus. Hindi sapat na naniniwala, nananampalataya at nakakapit ako sa pag-ibig na iyon. Kailangan ko ring magmahal. Magmahal ng sarili. Magmahal ng kapwa. Magmahal ng kapatid, kamag-anak at kaibigan. Magmahal ng kaaway. Magmahal ayon sa pag-ibig na inaalay ni Hesus. Magmahal sa ngalan ni Hesus.

Buong buhay ko iisa pa lamang ang pag-ibig na aking hinahangad, ito'y pang habambuhay, hanggang sa kabilang buhay.

At buong buhay ko, ang iisang pag-ibig na ito ang aking isasabuhay at sa iba'y iaalay at ibibigay.

Ang pag-ibig ni Hesus.

Tuesday, April 26, 2011

Walang Pag-ibig

walang hangganan
walang katapusan
walang wakas
walang humpay na bukas

walang pasakit
walang hapis
walang pait
walang hambing ang tamis

walang kapalit
walang makahihigit
walang kapantay
walang kasing tunay

ganyan ang pag-ibig na
tanging si Hesus ang may bigay

ganyan ang pag-ibig na
tanging hinahangad sa aking buhay.

wala nang iba.
wala nang hahanapin pa.

Wednesday, April 13, 2011

Nang umiyak si Hesus

Tama. Pati si Hesus ay nalulungkot, nalulumbay, umiiyak at nananangis. Sa Kanyang pagiging Tao, siya rin ay nasaktan, siya rin ay iniwan, siya rin ay tinanggihan --- at may ilang tagpo sa Kanyang Buhay na mga ito'y Kanyang ininda at sadyang napaluha. Tulad ng Ebanghelyo noong Linggo [John 11:1-45.] , siya ay nanangis para sa kanyang kaibigang si Lazarus.

Tayo, kailan ba tayo huling umiyak? Kailan ba tayo lumuha para o dahil sa ating kaibigan o mga mahal sa buhay? Kailan ba tayo nagpa-iyak ng kapwa?

Inisip ko rin, karapat-dapat ba akong iyakan ni Hesus?

Habang pinagninilayan ko ito noong Linggo, inisip ko, nakakahiya sa Panginoon. Ako pa mismo atang aking mga kasalanan ang dahilan ng kanyang pagluha. Ako pa ang pabigat at pasakit kaya siya ay tumatangis.

Tumatangis din ang Panginoon kapag ako ay nasasaktan. Pero mas naluluha siya kung ako mismo ang dahilan kung bakit may mga taong nasasaktan.

Sinasamahan ako ng Panginoon sa aking pag-iisa. Pero naluluha siya kapag may mga tao akong pinapabayaan at hindi minamahal.

Niyayakap ako ng Panginoon sa oras ng mga pighati at kabiguan. Subali't mas naluluha siya kapag galit at poot ang nananaig sa aking puso.

Kinakalinga ako n g Panginoon sa panahon ng ako'y tinanggihan, niyurakan at hinusgahan. Pero mas naluluha ang Panginoon kung ako mismo ang dahilan ng kawalan ng hustisya.

Sa mga oras na ako lulumuha, naroon ang Panginoon, nakikiiyak sa akin. Pero mas mananangis Siya kung wala na akong pag-ibig at masalakit sa kapwa; kung hindi na ako marunong magpatawad at magbigay; kung nakalimutan ko nang maging asin at liwanag para sa iba.

Tama. Si Hesus ay lumuha. At patuloy na mananangis kung ako'y hindi mabubuhay muli para sa Kanya at sa kapwa.

pakiusap

kung ikaw ay lilisan,
huwag ka nang magpaalam
kung ikaw ay lalayo,
huwag ka nang lilingon

kung ako'y iiwan mo na
huwag mo na akong tingnan
kung ako'y muling mag-iisa
huwag mo na akong tatawagan

kung tayo'y tuluyang maghihiwalay
ako ay malulumbay
kung talagang ikaw ay hindi para sa akin
pakiusap lang, ngayon pa lang, ako'y iwan na.

Tuesday, March 29, 2011

Minsan

Minsan gusto ko lang magbulalas at magbahagi ng nararamdaman.

Minsan hindi laging ok lang ang ok lang. Hindi naman sa nagpapanggap pero minsan ok lang ako on the surface pero deep inside, nasasaktan. Minsan gusto kong sabihin yun sa mga taong tinuturing kong kaibigan - na marunong din akong masaktan. Akala ng tao, ang pagkakilala sa akin ay matapang at matatag. OO naman. Pero minsan, bumibigay din ako. At minsan gusto ko ring sumalag, gusto ko ring ipangtanggol ang sarili ko. Minsan gusto ring ako naman ang pakinggan ng aking mga kaibigang pari. At hindi lamng yung mga tsismosang nagbabait-baitan o yung mga taong mahilig magpa-awa at magpabida.

Minsan nakakapagod nang maging scapegoat sa mga shortcomings ng iba. Sa mga taong may hang-ups. Sa mga taong sobrang bigat ng excess baggage sa buhay. Wala naman akong problema o pakialam sa kanila. Iniintindi ko na lang. Pero minsan ako pa ang lumalabas ng masama. Kadalasan ako ang ginagamit sa kanilang mga hinaing sa buhay kahit wala naman akong kinalaman. Sa akin binubuhos, ako ang sinisisi sa mga problema o isyung gawa-gawa lamang ng kanilang mga malilikot na imahinasyon o ng mga makakating dila.

Minsan gusto ko nang pumatol. Pero kadalasan ako pa rin ang kontrabida. Ako pa rin si Rubi at si Clara in one. Ako lagi ang Bella Flores-Crerie Gil-Gladys Reyes. Ako pa rin ang talo dahil pinatulan ko raw ang matanda. Ako pa rin ang lugi dahil ako raw ang nagkuwento sa kumbento. Ako raw ang nagsabi. Ako raw ang may ayaw, o ang nagbabawal. Ako raw ang hindi nang-imbita. Ako raw ang nagsumbong, ako raw ang nagtaray. Ako raw tumalak. Ako raw ang nang-away. Ako raw ang nanugod. Ako raw ang tagabulong sa pari. Ako pa rin ang mali, dahil ako ay naging ako.

Minsan parang gusto ko nang bumigay at sumuko. Mahirap nga talaga para sa isang bading na maglingkod sa Simbahan. Para kang nasa aquarium na laging pinapanood ang kinikilos at inaabangan ang sinasabi. Laging misquoted, misunderstood, mismo. Nakakapagod ding magpaliwanag. Nakakapagod na ring mag-adjust. At nakakapagod na ring magpasensya at manahimik na lang lagi.

Minsan gusto ko nang tumalikod. Minsan inisip ko, sana Born Again na lang ako o walang relihiyon. Minsan mas gusto ko na lang na simpleng mananampalataya. Yung simpleng nagsisimba lang, nananalangin at nagsusumamo, nagpapasalamat at humihingi ng awa at patawad, nagnonovena at namamanata, pumupunta sa adoration chapel...Yung simple lamang na tagasunod ni Kristo. Walang isyu at hindi nagiging pabigat kanino man, yung hindi na kailangang ipagtanggol o ipaglaban. Yung hindi laman ng usapan at ng bible sharing. Minsan kasi, maski sa bible sharing, ako pa rin ang pulutan.

Pero siguro nga ang pagsunod kay Kristo ay may katumbas na pagbubuhat din ng krus. Ito siguro ang aking krus sa buhay, ang pagiging bading na tagapaglingkod.

Pero minsan, parang ako ay sasabog. Minsan gusto ko lang umiyak. Tulad ngayon.

Wednesday, February 16, 2011

Focus

Noong uso pa ito, pataasan ang mga kapitbahay namin ng TV antenna. Maya't maya ay may pumapanhik sa kani-kanilang bubong para dagdagan ang taas at suhayan ito upang hindi liparin ng hangin. Kapag lumalabo ang TV screen, may aakyat sa taas upang pihitin ang antenna at sisigaw 'O, malinaw na ba?' May sasagot nang: pihit pa ng konti...o ayan...ay, balik mo, ayan, ...malinaw na....ay gumalaw uli..."

Noong nag-aral ako ng Film Theories, laging binabanggit ng aming instructor ang kahalagahan ng focal point. Kung saan naka-focus ang kamera ay doon naka-focus ang kwento o takbo ng eksena. Bagama't may background o iba pang elemento sa paligid; importanteng malinaw kung saan naka-focus ang paningin ng manonood upang malinaw ang mensahe o sinasabi ng eksena. Kapag hindi malinaw kung saan nakatutok ang kamera, malamang ay maraming distraction na mas napansin ang manonood. Hindi naging malinaw ang kuwento kapag ganito.

Sa Ebanghelyo ngayon (Mark 8: 22-26), nagtanong si Hesus sa bulag na Kanyang pinapagaling kung nakakita na siya. Sumagot ang bulag na mayroon daw siyang nakikita pero hindi malinaw kung tao o puno. Muling hinipo ni Hesus ang bulag at tila tinanong nang 'O, malinaw na ba?'

Ganito rin ang tanong sa ating lahat ng Panginoon. Malinaw na ba sa atin ang lahat? Maaaring nakita na natin si Hesus sa ating buhay, maaaring nakilala na natin Siya, maaaring naglilingkod na tayo sa Kanya at sa ating kapwa...pero maaari pa ring hindi malinaw ang lahat dahil may iba pa tayong tinututukan. Iba ang nakikita sa tinitingnan, iba ang tinititigan, iba ang tinatanaw kaya hindi pa rin malinaw.

Hindi malinaw dahil mas nakatuon tayo sa mga background o sa mga nakapaligid. Sa kapangyarihang nakakabulag, sa kayamanang nakakasilaw. Sa panlabas na kagandahang kumukupas, sa mga panandaliang kaligayahang agad ding lumilipas.

Subukan nating galawin ang antenna sa ating mga sarili. Ang kuwento ng ating buhay ay iisa lamang ang focal point: si Hesus.

Tuesday, February 8, 2011

si lola lourdes, si heidi mendoza at si angelo reyes

Minsan gusto ko nang maniwala na hindi maganda sa kalusugan ang panonood ng TV at pakikinig ng balita.

Minsan hindi lamang sa Mara Clara magdurugo ang iyong puso o magigimbal ang iyong isipan. Mapanganga at mapapasuntok ka sa hangin sa mga balitang hinahayag, sa mga imaheng nakikita, sa mga pasabog na naririnig, sa mga expose' na lumalabas.

Bato na lamang ang hindi nasaktan sa ginawa nila kay Lola Lourdes. Ang mga video sa XXX na nagpapakitang nakakulong, hinahampas at minumura ng sariling anak at manugang si Lola Lourdes ay gumuhit sa aking kamalayan. May ganito ba talagang mga anak? Pero ang nagpaluha sa akin ay ang sinabi ni Lola Lourdes: mahal na mahal pa rin daw niya ang kanyang anak.

Tugatog ang katumbas ng katapangang pinapakita ni Heidi Mendoza. Pero alam nating lahat na hindi niya ginagawa ito dahil matapang siya, ginagawa niya ito dahil ang pagsasabi ng totoo ang tama at nararapat na gawin. Kung hindi makukulong si Carlos Garcia at iba pa, kung hindi madadawit si GMA, kung hind mapapaalis ang Ombudsman --- ang matuwid na daang pinangako ni PNoy ay hindi na mararating pa. Buong bayan ang magbabantay sa susunod na kabanata.

At kaninang umaga, naganap ang bagong kabanata sa katiwaliang nagaganap sa AFP.

Mula pedestal ay bumagsak ang heneral, mula sa mataas na langit na kanyang kinalagyan ay bumagsak siya sa lupa at sa harap pa ng puntod ng kanyang sariling ina. Si Angelo Reyes ay wala na pero ang misteryo ng korupsyon at katiwalian ay hindi mabubura . Anuman ang kanyang nagawa, hangad natin ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa. Subali't hangad din natin ang katotohanan. Hindi mapapatahimik ni Kamatayan ang Katotohanan.

Masakit sa kalooban ang mga balita, kaya pa ba natin?

Wednesday, February 2, 2011

Liwanag

Ngayon ay kapistahan ng Pagdadala ng Panginoon sa Templo (Presentation of Child Jesus to the Temple) na tinatawag ding Candelaria. Kaninang umaga bago ako magsimba ay bumili muna ako ng mga kandila para pabasbasan. Sinabi ko sa tinderang mahal naman ang tinda nyang kandila. Sagot niya, naku, Liwanag kasi ang tatak niyan. Mahal ba talaga ang Liwanag? Kung sabagay, ang Meralco ay ganun din ang sinasabi, May liwanag ang buhay... pero ang totooo ang mataas na electric bill ang nakakadulot sa atin ng nakakamatay na alta-presyon. Nakakamatay ang sinasabing liwanag ng buhay.

Ano, o sino, nga ba ang nagbibigay ng tunay na liwanag sa ating buhay? Huwag na tayong tumingala o lumingon para maghanap pa ng iba, Si Hesus ang Liwanag.

Pero tila baga mas gusto natin sa kadiliman o manatiling nakatago sa dilim. Ako mismo, namuhay sa karimlan. Gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin sa liwanag. Tila mas masarap sa dilim. Tila may kakaibang saya, may kakaibang ginhawang dulot ang dilim. Ang di nakikita nang ganap, ang di nakikilala nang husto --- ito ang nagpapadagdag ng hiwaga ng kadiliman. Nakakaakit ang dilim kaya minsan gusto nating doon nakatago.

Yung iba naman ay nasa dilim dahil sa kalagayan sa buhay, parang nasa ilalim ng walang katapusang kuweba. Problema dito, problema doon. Krisis, kaliwa't kanan. Namatayan, nanakawan, nawalan, nasunugan. Iniwan, nilayuan, pinabayaan, pinagsamatalahan. Walang may gusto sa ganitong kadiliman pero minsan ay doon na lang tayo nakasadlak. Doon na tayo namuhay at nanatili.

Pero si Hesus ay makulit. Hahanapin ka Niya saan ka man nakatago. Tatagos ang kanyang Liwanag sa kadilimang iyong kinasadlakan. Ang kanyang awa at pag-ibig ay patuloy na mag-anyayaya sa iyo upang sundan ang walang hanggang liwanag na dulot Niya.

Patuloy akong naglalakbay patungo sa Kanyang Liwanag. Paminsan-minsan ako ay nadadapa, natisisod at bumabagsak. Paminsan-minsan ay tinatawag pa rin ako ng kadilimang dulot ng kasalanan. Paminsan-minsan ako ay natutukso at nasasadlak sa dilim. Paminsan-minsan nagdidilim ang aking ng puso at isipan; nagagalit sa kapwa at sa mga nangyayari sa paligid.

Kaya patuloy din akong nagdarasal, nagmamakaawa, kumakapit sa Kanyang Pag-ibig. Patuloy kong titigan at susundan ang Kanyang Liwanag. At hindi rito nagtatapos, nagsisikap din akong maging liwanag para sa iba. Isang kandilang magbibigay gabay sa iba, isang tanglaw na maghahatid sa kapwa palapit kay Kristo. Sa aking munting pamamaraan, nais kong maging liwanag sa iyo kaibigan.

Kung magiging liwanag tayo para sa isa't isa, kung si Kristo ang kinakapitan nating Liwanag, masasabi nating tunay ngang may liwanag ang buhay.