Monday, July 15, 2013

Galit Ako (Part 2): Abusing young boys

Read Part 1: http://tonichiarcher.blogspot.com/2013/07/galit-ako-part-1-raping-boy.html

Ang sabi, ang balita ngayon, kinabukasan, panis na. Pero yung galit, yung sakit, yung sugat, hindi yun basta-basta mawawala. Hindi makakalimutan, hindi mababaon ng bagong balita, hindi mapapanis.

Pagkatapos ng ilang Linggo ay wala nang balita dun sa kakilala kong ‘teacher-teacheran’ na nanghalay ng batang lalaking estudyante niya. Nakakulong pa rin siya, yun lang ang tanging alam ko; mahirap daw kaya walang abugadong makuha, hirap daw sa loob ng piitan.

Tanginathis! Hirap sa loob?  Utang na loob! E yung hirap sa kalooban na dinulot niya sa bata? Yung trauma, yung physical pain, yung fear lalo na at may video pa pala nung panghahalay?

Kahit matakpan ang balita, hindi yun mawawala.

Noong unang pumutok ang balitang ito ay maraming nagtanong sa akin. Yung iba naman ay nakikitsismis lang kaya di ko na sinagot. Yung iba naman ay wagas makapaghusga. Pero may isang kaibigan na nakipag-chat sa akin ukol sa kanyang karanasan nung siya ay bata pa.

Siya rin ay inabuso ng kanyang mga gurong lalaki. Kahit di niya pangalanan, kilala ko lahat ang mga sinasabi niyang gumawa sa kanya ng kahalayan. Ramdam na ramdam ko ang galit, ramdam na ramdam ko ang bigat sa kanyang kalooban, ang sakit. Kahit na ang lahat ay nangyari 30 taon nang nakakaraan.

‘Still fresh in my mind, Ton’, chat niya.

Yung isa raw ay nangahas pang kamustahin siya at i-add sa Facebook, gusto nga raw sana niyang bastusin. Yung isa ay nakita niya ang larawan sa isang nakalipas na pagdiriwang. Yung isa ay sumakabilang buhay na. Sa 30 taong nakalipas, hindi pa siya nakakapagpatawad.

‘I thought I already forgave them…I thought time will heal…’

Sabi niya nabuhay muli ang lahat nang pumutok ang yung rape case ng teacher sa 13-year old na estudyante. Iisa lang ang pinanggalingan nung bata at nung aking kaibigan. Iisa ang sinapit nila: yung walang-awang inabuso ng gurong pinagkatiwalaan nila. Yung sa aking kaibigan ay hindi lang isang guro ang gumawa sa kanya ng kademonyohan. Yun sa aking kaibigan ay hindi nabalita, hindi siya nakapagreklamo. At hanggang ngayon, dala-dala niya pa rin ito. At maaaring yung bata ngayon sa balita, dadalhin niya rin ito sa kanyang buhay.

Ang balita ay maaaring mawala at makalimutan bukas, pero ang galit at sakit, hindi basta-basta mawawala at makakalimutan.

‘ I will never forget what they have done to me...

I grew up bitter.’

Thursday, July 4, 2013

Galit Ako (part 1): Raping a Boy

Galit ako, paumanhin po sa lahat ng aking mambabasa, pero nagmumura ako sa galit. Sinulat ko ito sa aking diwa noong Linggo ng gabing di ako makatulog. Pinilit kong iwaksi ang galit kaya ipinagliban ang pagbahagi ng aking nararamdaman; subali’t kailangan ko nga sigurong ipahayag ang galit na ito.

Galit ako sa mga baklang pumapatol, gumagamit, nang-aabuso, nangmomolestiya ng bata. Maski hindi bakla, kahit anong kasarian o katayuan sa buhay; basta nakakatanda o matanda na nang-aabuso ng bata. Doon sa mga taong ginagamit ang kalagayan sa buhay upang yurakan ang pagkatao at dignidad ng iba. Pero sa pagkakataong ito, isesentro ko ang galit sa mga baklang gumagamit ng bata.

Galit ako sa sarili ko noong minsang muntik na akong mabitag sa ganito. Kung tutuusin ay hindi na naman siya bata sa gulang na labing-anim(16). Pero kahit na, menor de edad pa rin, kahit anong anggulo tingnan, mali pa rin. Nauduyukan siya ng mga barkada niya, ako naman, nauto rin. Buti na  lang nakita ko sa mukha niyang napipilitan lang. Buti na lang nakita ko ang mukha ko ang sarili ko sa salamin, demonyo ang aking nakita. Hindi ito natuloy. [Hindi sa paglilinis, iyon ang una at huli, dahil noon pa man at hanggang ngayon ay ‘takot’ ako sa bata.] Ganunpaman, ilang taon ko rin itong dinala. At alam ko, dahil tuwing makakasalubong ko yung bata (graduate na ng college) ay matalim pa rin ang tingin sa akin, siya rin dala-dala pa rin niya ang karanasang ito.

Galit ako ng Linggo noong pumutok ang balita tungkol sa isang guro na nanggahasa ng batang mag-aaral. Lalaki yung guro, lalaki rin yung bata. 27 na yung guro, 13 years old yung bata. Putang ina. Maaring lagi na nating nababalitaan ang ganito, sanay na tayo. Pero iba ito. Kilala ko yung guro, kilala ko yung bata at pamilya nito.

Galit ako dahil noon pa man ay duda na ako sa pagkatao nitong guro. Noon pa man ay sinasabi ko nang bakla siya pero walang naniwala. Hindi naman ako nagduda sa kanya dahil bakla siya at karapatan niyang itago o ilihim ito. Pero ang duda ko ay dun mismo sa pagtago niya. Sa aking palagay, yung pagtatago niya ay hindi dahil takot siyang husgahan o talikdan ng pamilya at lipunan, kundi nagtatago siya dahil may masama siyang hangarin. Hindi ko alam, ayoko naman siyang husgahan noon, pero ang lakas talaga ng duda ko na ganun nga siya.

Galit ako dahil noon ko pa sila nakikita noong bata, madalas sa disoras ng gabi. Estudyante niya yung bata, pero sa tingin ko iba yung closeness nila. Parang sunud-sunuran yung bata. Nakita ko noon kung paano sila mag-usap, halos magkadikit ang mukha. Nakita ko rin noon kung paano sa aking palagay ay may control siya sa bata. Noon ko pa gusto makialam. Noon ko pa gustong sabihin kay Father. Noon ko pa gustong mang-usisa sa principal. Noon ko pa gustong magtanong sa lolo noong bata (kaibigan ko sa Simbahan yung lolo niya). Pero hindi ko ginawa, maaaring wala kasi naman akong pakialam. O hindi rin naman ako paniniwalaan. Duda lang naman.

Galit ako dahil totoo yung duda. Pumutok ng Linggo ng umaga ang balita na hinuli ng pulis ang magaling na guro. Ginahasa niya yung bata, inabuso, minolestiya, ginawan o pinagawan ng kung anu-ano na parang sex slave niya yung bata. Hindi pa nagkasya, may video pa. At yung ang ginamit niyang panakot sa bata.

Galit ako dahil hindi lamang ako ang maaaring may duda o may nalalaman. Pilit lang tayong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Pilit lang nating winawalis sa ilalim ng makapal na basahan ang duming ayaw nating makita’t malaman ng iba. 


Galit ako. Galit na galit. 


abangan ang pangalawang silakbo ng galit (part 2)

Wednesday, June 19, 2013

Losing

I am about to lose a job on July 15, as served notice stipulates.

At my age at 45, I am considering my options:

A)   Mag-apply na taga-abot ng jacket ni Willie Revillame
B)   Humabol sa blind auditions ng The Voice of the Philippines
C)   Sumali sa Gay Council ng CPP-NPA at sa bundok makibakla este makibaka
D)   Mag-asawa ng mayaman, yung kasing yaman ni Kris Aquino

Pero mukhang not doable, kaya pwede ring:

A)   Tumalon sa building pero tiyaking may coverage ni Doris Bigornia
B)   Sumulat sa MMK at i-request na si Piolo ang gaganap na ako
C)   Ibenta ang katawan sa mga sakang, kasama na kidney
D)   Mag-macho dancer sa Afghanistan o Mag-boksingero sa Mexico

Kidding aside, malungkot ako. Sino ba namang mawawalan ng trabaho ang matutuwa? Natural, iniisip ko yung mawawalang income, kahit sabihin pang may iba pa akong racket. Kaya nga biglang dagdag kita, iniisip kong:

A)   Magtinda ng sago at gulaman at karokya sa tapat ng bahay namin
B)   Sumampa sa mga barkong lumalayag at mag-alok ng manicure-pedicure at kulot
C)   Tumanggap ng labada pero bawal ang mga panty at bra (baka masukahan ko)
D)   Magkunwaring bulag at mag-alok ng masahe sa airport at mall

Seriously now, mas malungkot ako para sa mga kasamahan ko at lalo na dun sa boss ko. Pagkatalikod ko nga kay Boss ay di na napigilang umiyak. Nakakahiya mang sabihin, nakaramdam ako ng awa, hindi para sa akin, kundi para sa kanya at para sa mga kasamahan ko. Mahal ko itong kumpanyang ito eh. Nilayasan ko na dati, pinabalik pa ako. Pinagsarahan na nang pintuan, pero lahat ng bintana pati fire escape binuksan. Dito na ako nagkaroon ng puting pubic hair, dito na lumala ang aking varicose veins, dito na tumaba, sumobrang taba at pumayat, dito nagkasugat-sugat ang aking puso --- the whole gamut of emotions --- galit, tampo, takot, aligaga, kaba, tuwa, saya, at ngayon, lungkot. Sobrang lungkot. Matinding lungkot.

Akala ko handa ako. Akala ko alam ko na yung pakiramdam. Hindi pala. No one will be ever prepared; no one will easily accept losing someone or something. It’s not just a job that I am losing; I am losing a company, I am losing this family.

After July 15, hindi ko alam ang gagawin. Malamang pumunta ako sa mga ancestors namin sa Spain o mamasyal muna sa Costa Rica. O kaya magpunta sa Discovery Boracay. O baka magmuni-muni sa riles ng tren. Bahala na.

Ang totoo, nagpapatawa lang ako, pero malungkot palang talaga ang mawalan.



Tuesday, June 18, 2013

Angel in a Devil's Jacket

Kapag ganitong tag-ulan, isang malaking good luck sa ating lahat sa pagsakay ng taxi. Nandun yung namimili ng pasahero, nangongontrata, nagpapadagdag. Para bang ang mga taxi driver ay biglang nasasaniban ng demonyo dahil alam nilang maraming pasahero kapag umuulan. 

Kahapon ay may pinuntahan ako sa may Filmore, Makati. Medyo napasarap ang tsikahan at ang oras ay di namalayan. HIndi ko rin naramdaman na umuulan na pala. Paglabas ko ng condo nang bandang 6:30PM ay saka ko lamang nalaman mula sa guwapong SG na bumuhos pala ng malakas ang ulan. Patay sabi ko, pahirapan sa taxi nito. Nagvolunteer ang SG na itawag ako ng taxi, medyo natagalan kasi puro may sakay ang dumadaan. Nang sa wakas ay may taxi na tumigil, hinanda ko na ang sarili sa pakikipag-haggle sa demonyo. Inaasahan ko na ang pangongontrata o pagpatongpats ng taxi fare. Carry lang sabi ko sa sarili, mahalaga makauwi at baka lumakas pa uli ang ulan.

Nung sumakay na ako ay isang malaking OMG ang aking nasambit dahil kamukha ni Max Laurel yung driver. Alam mo yung mga kontrabida sa pelikula nina Jeric Raval o Roi Vinzon? Ganun yung peg. Dangan lamang ay hindi naka-leather jacket. Gusto ko mang bumaba, wala na akong choice. Pero milagro, hindi siya namresyo. In other words, nung sinabi ko yung destination ko, hindi niya sinabing. sir dagdag ng 50pesos dun ha...traffic kasi. Walang ganun. Check.

Pangalawang milagro, walang traffic sa kahabaan ng south super, malamang stranded pa sa loob ng Makati, sabi namin pareho. Galing daw siya sa Guadalupe, baha na raw talaga at hanggang Ocampo ay gapang na siya. Hanggang Qurino ay smooth sailing kami. PInagtripan namin yung bagong Audi sa harapan namin. Sabi niya, kahit ganito ako kapangit, kapag yan minamaneho ko, magiging Piolo ang dating ko....'  Ang lakas ng tawa ko sa mamang ito. Check. 

Pagdating namin sa Pedro Gil ay baha na, at pagkatapat sa Plaza Dilao, dito na nagkatipon-tipon ang mga sasakyan sa traffic. Tinanong nya kung gusto kong kumaliwa at sa Paz dumaan. Ayoko. Una, madilim. Pangalawa, baha. Pangatlo, wala pa rin akong tiwala kay Max Laurel na driver. Sabi ko na lang mas traffic dun sa bandang Unilever dahil sa mga truck na galing o papuntang Romualdez. Ay oo nga, sabi niya. Kinuwento niya na dati siyang delivery driver sa 'putang inang unilever na yan..' At habang pinagtyatyagaan namin yung mahabang traffic hanggang Nagtahan ay marami na siyang kuwento na punumpuno ng 'putang ina...'  

Pangatlong milagro, wala siyang sad story. Kalimitan kasi ng mga driver ay puro reklamo o puro problema ang kinukwento. Style nila yun para maawa ka at magdagdag ng tip sa pasahe. Itong si Max Laurel ay puro kalokohan at mura ang laman ng bibig. Tungkol sa boss niya, sa mga kasamahan niya, sa misis niya, sa mga makukulit niyang anak. Puro masasayang kuwento na hindi mo aasahan sa ganung pagmumukha niya. Kapag pagod na siyang magkuwento sa akin ay tatawag naman siya sa mga ka-driver niya at mangangamusta kung nasaan. Tuturuan niya kung saan dapat idaan, kung anong kalye dapat iwasan. Ayos siya di ba? Yung isa niyang natawagan ay papuntang Floodway sa Pasig. Sabi niya, pare bigyan mo muna ng jacket yang pasahero mo at patulugin mo muna, bukas na kamo kayo makakarating. Exagg pero iba yung delivery niya eh. Tapos, susundan pa ng malutong na PI at halakhak. Check na check.

Nalagpasan namin ang Nagtahan ng walang hassle, sa baba ng flyover ay gapangan papuntang Sta. Mesa. Sa Forbes ay pwede kang magskateboard dahil walang sasakyan. Malamang, ipit pa sa Espana. Pagdating sa G. Tuazon ay dito na kami nahassle. Buwelta kami sa loob, aba, mistulang parking lot. Buwelta na kami. Binuksan niya yung bintana at lahat ng papasok at makakasalubong na sasakyan ay sinasabihang huwag nang tumuloy, lagpas bewang ang baha, pare. Exagg pero alam mong hindi niya kailangang gawin pero dahil may concern sa kapwa driver, ginawa pa rin niya.

HIndi niya na alam kung saan dadaan kaya tinanong ako. Sabi ko dun sa gilid ng Ospital nng Sampaloc, may maliit na kalyeng shortcut, medyo may baha at medyo delikado dahil maraming informal settlers dun. Sabi niya, huwag kang matakot dun sir, kaya natin yun. Ikaw na ang maging Max Laurel! From there ay konting paikot-ikot pa hanggang makarating na kami malapit sa amin. 

Tinanong niya ako kung saan yung simbahan sa Balic-Balic, sabi ko dun ako malapit. Kanto lang namin kako. Sabi niya dadaan muna raw siya, sabi ko sarado na yun. Okay lang daw, madaan lang daw niya yung taxi niya. 

Pagbaba ko sa kanto namin ay nakita ko ngang dinaan niya yung taxi sa tapat ng Simbahan, saglit siyang huminto at pagkatapos ay bumuwelta na. Alam kong nagsambit siya ng panalangin sa Panginoon. 

Kung sino ka mang Max Laurel ka, salamat sayo. Isang kang anghel at magiting na taxi driver. 




PS. 
Pagdating ko sa amin, aba isang malaking surprise uli! May pizza. Yung utol ko na #medyobadboy na kagawad sa barangay namin ay sumuweldo pala at milagro nang-libre! Ang galing talaga ni Lord! 





Wednesday, June 5, 2013

No Homo


Ano bang petsa na?

Bakit ba hanggang ngayon ay makaluma pa rin ang pananaw ng karamihan sa pagiging bading. Sa panahon ng hiphop at fliptop, sa panahon ng social media --- mas naging balahura ang tingin at paggamit sa salitang bakla. Ang tingin pa rin nila ay ang bakla ay katumbas ng pagiging duwag, ng pagiging mahina, ng pagigang malamya at walang paninindigan, at paglalandi at pakikipagtalik sa same sex ang inaatupag. Katulad na lamang ni Roy Hibbert (ayan tuloy natalo) ng Indiana Pacers, nasambit ang katagang  ‘no homo’ na slang o street phrase para ipamukha ang kanyang tapang at galing. Nakalimutan, o nakapa-insensitive on his part, na kamakailan lamang ay may isang Collins na naglalaro rin sa NBA na umaming isang siyang bading.

Hindi lamang sa mga banyaga uso itong ‘no homo’ thing na ito. Maging sa mga Pinoy fans ng NBA ay tila nagpi-feeling Kano ang ilan at ganun na rin ang turing sa kapwa. Kapag hindi raw fan ng Miami Heat, hater. Kapag fan daw ni Kobe, bading. Kapag papalit-palit ng team, gay. Kapag may kaasaran sa Facebook ukol sa pagkatalo ng team, magtatawagang gay. Mayroon akong tinapik through PM na mag-ingat sa paggamit ng salitang gay. Ang sagot niya ay isang classic bigotry: biruan lang daw yun, katumbas ng murahan. Ang turing nila sa salitang gay ay deregatory at profanity at ang pagiging bakla ay isang malaking CURSE. Sa simpleng salita, isang sumpa.

Ano nga uling petsa na?

Bakit ang CBCP hanggang ngayon ay ganun pa rin ang tingin sa pagiging bakla o tomboy? Sabi ng napakahusay na si Fr. Melvin Castro ng Family and Life, si Charice na umaming tomboy kamakailan lamang ay dumadaan lamang sa identity crisis. Identity Crisis my foot! Naman, napaka-80’s ng term na ito, Fr Melvin!

Pero sige gamitin natin. Gamitin po ninyo sa inyong sariling bakuran. Gamitin ninyo po sa ilang Obispo na hindi alam kung ano o sino talaga ang pinaglilingkuran. Gamitin ninyo po sa mga paring hindi alam ang ibig sabihin ng Simbahan ng mga Dukha. At huwag na tayong lumayo sa topic, gamitin po ninyo sa mga seminarista at mga kapariang may bahid. Identity crisis ba kamo, Fr. Melvin? Wala po bang salamin sa inyong palasyo?

The last time we gays and lesbians checked our mirrors, we took pride of what we saw: our true selves. At hindi po yun identity crisis.

Bilang panghuli, nais kong sabihin ito:

I am no homo, I am human. We are all human and we ought to be respected as such. 

Friday, April 5, 2013

I am Miggy: About Forgiving and Being Good


This is not a movie review about It Takes a Man and a Woman. It is more of a life review. That’s exactly how I felt while viewing this gem of a movie. I can relate with it through and true. I am more of a Miggy than Laida Version 2.0. No, I am not a part of a large family conglomerate. No, I don’t run a publication (this one I really wish).  No, I am not about to lose everything I possess and cherish. But yes, like Miggy, I have been to worst.

Like Miggy, I lost my parents. In my case, I lost mine even they were still alive. I love my Mom so much. She was, as the song went, the wind beneath my wings. All throughout, we lived in the same house. We ate breakfast together. We watched soap operas together. We also faced gargantuan financial problems together. But I drifted away. I rebelled not against her but to the huge responsibilities I had to carry. I just thought every time we spoke, she would ask me to pay for this and that. I was paying bills, I was giving money, but I was also running away from Mama. I regretted that. I hated myself for that. And yes, I carried for years that heavy burden of guilt.

Like Miggy, I looked up to my Papa. Yes, you read it right. I looked up to him. How many times I wished I could really reach out to a father figure, I mean, to him. I looked up to him and wished that he would really play father to me. I hated him for most of my life. My parents got separated and hated my father more because of that. I had to carry what he should be providing.

This is the reason why I cried during that scene when Laida’s mother (played by the underrated but always reliable Irma Adlawan) talked about forgiveness and love. It was like my mother talking. How she decided to let go of my father. How she decided to forgive my father after. How she asked me learn to forgive myself and to forgive others including my father. How she asked me to choose to love, whatever it takes, whatever happens.

This is the reason why I cried when Laida and her father (superbly played by Al Tantay) readily forgave each other. As they say, healing takes time. In my case, healing happened after death. I regretted that I was not able to take care of my father on his last days. I regretted that there was still resentment when he died. I was not even allowed to go to his funeral. I chose to stay away (my brothers went on). Call me a bad son; I felt I deserve that tag. But please forgive me too for being one. It took time. It took a long process. I won’t go through details here but I was in shambles. Like Miggy, I faced the worst. And it took a decision to set things right again: the decision to forgive, the decision to love myself.

You have probably noticed that the scenes I cited above involved Laida and not Miggy. Stiil, I am more of a Miggy. Over-achiever but more of a failure, go-getter but left empty handed most of the time, driven to be the best and came out worst. Like Miggy, I worked hard to prove myself to my family and to the whole universe. Like Miggy, I tried hard to be strong and unaffected and at some point, unattached. And like Miggy, all I wanted is to love and be loved. All I wanted is to forgive and be forgiven. And I realized, after watching this movie, all I want really is to be a good person.

This is the reason why I had to stand up in the middle of that killer-speech of Miggy’s Dad (the veteran and always perfect Dante Rivero). I remembered my own father. I mirrored my own life. I reflected on my own struggle. I cried in one dark corner of the cinema flashing back my life on my own big screen.

I am Tonichi Version 2.0, not a better one, no longer striving to be the best; all I want is to be a good person.


Note: Thank you JLC. 

Wednesday, January 23, 2013

Bawal ang Mataba


Life can be cruel to those who are obese or generally fat. Kanina papuntang Makati, nakakita ako ng FX na may nakalagay sa gilid na sign bawal ang mataba dito sa gitna o harap, sa likod lang.’

It’s totally disgusting, in bad taste, and rude. Hindi magandang tingnan o pakinggan, hindi makatao at hindi makatarungan. In trying to rationalize it, maaaring may point yung driver o yung may-ari ng FX. Kasi nga apatan ang gitna ng FX, dalawang pasahero sa harap plus yung driver. Meaning kapag may medyo may katabaan sa gitna, usually, nagiging masikip na at nagiging pangtatlo na lang ang dapat para sa apat. Yung sa harap, wala nang sasakay para tumabi sa pasaherong may katabaan. At least sa likod, mas may legroom, mas may space, kaya siguro, pwede dun ang mataba, as the sign would say.

Pero kahit na, nakaka-offend pa rin eh. Saka may aamin bang mataba sila? Kapag sumakay ba sila sa gitna, masasabi ba ng driver na ‘ ay Miss, pakibasa yung sign, sa likod ka na lang…’ ?

Pero may kilala ako, sa pila ng FX papuntang Makati, talagang  hindi niya papasakayin sa harap o sa gitna ang pasaherong may katabaan. Minsan nga, pinababa nya pa at pinalipat. Walang takot o hiya ang driver mapalalaki man o mapababae ang pasaherong sa tingin niya ay pampasikip at pampabigat lang sa biyahe. Minsan, nakatiyempo siya ng mas gago sa kanya. Inalam kung saan siya nakagarahe. Ayun, paggising niya sa umaga, nakaspray paint na ang FX niya, may dumi pa ng aso sa hood. After that incident, di na namin siya uling nakitang bumiyahe.

Pero minsan naman, may mga matatabang tao who would literally and figuratively throw their weight around, sa FX man o sa araw-araw na pamumuhay. Yun bang ang dating e, o dumadaan ako, tumabi kayo, kundi bangga kayo. Yun bang mga pasahero na ayaw umusog at talagang halos nakahilata pa’t walang pakialam sa ibang pasahero. O yung mga nanggitgit talaga…O yung mga sumisingit talaga, yung nambabalya, yung gumagamit ng kanilang lakas o taba para mauna o makauna. Yun bang tipong dahil malaki sila, e nambu-bully na.

Actually, maraming ganyan. Hindi lang sa FX. Hindi lang sa gym. Hindi lang sa elevator. Hindi lang sa basketball. Yung ginagamit ang kalagayan sa buhay para makalamang sa kapwa.

Indeed, life can be cruel, and us, vicious.