Tuesday, December 2, 2014

Para kay Ing

Dearest Ing, 

Pasensya ka na kung hindi ko masabi sayo ito ng personal. Pasensya ka na kung idadaan ko sa blog, ipopost sa Facebook at mababasa ng marami. Pasensya ka na kung masasaktan kita sa kung anumang isusulat ko.

Pasensya ka na kung napasigaw ako kanina. Hindi nga ako tiyak kung sigaw o basta napataas ang boses para lang sa 100 pesos na hinihingi mo. Pasensya na kung naglitanya ako, kung nagalit ako, kung marami pa akong sinabi. Pasensya ka nung nasaktan kita sa mga nasabi ko kanina.

Pasensya ka nang kung minsan ay hindi kita pinapansin, hindi na lang kita tinitingnan. Pasensya ka na kung minsan ay ayaw na lang kita pakialam, kung sinasabi ko sa sariling bahala ka na sa buhay mo. Pasensya ka na kung minsan tinitikis kita, hindi ako nag-iiwan ng pagkain o walang almusal. Pasensya ka na kung minsan kapag nakikita kita ay umiinit ang ulo ko o nasisira ang araw; dahilan kung bakit laging wala ako sa bahay.

Pasensya ka na, Ing. Pagod na ang Kuya mo Ing. Pagod na ako. Pagod na akong hintayin kang magbagong buhay. Pagod na akong isipin kung nasaan ka sa madaling araw o kung anong ginagawa mo sa buhay mo. Pagod na  akong magtanong, magtaka o mag-alala. Pagod na akong isipin kung anong mangyayari sa iyo sa buhay mo, kung paano ka pag nawala na ako. At hindi ako nagbibiro, maaaring mawala na ako nang hindi nyo mamamalayan.

Pero may isang bagay na hindi ko kakapaguran: ang mahalin ka Ing.

Araw-araw kitang minamahal Ing kaya araw araw din akong nagagalit. Araw araw kita minamahal kaya araw-araw din akong nagdarasal na sana mapagod ka na rin Ing. Mapagod ka na sa ganyang buhay. Mapagod ka na sa bisyo. Mapagod ka na sa puyat. Mapagod ka na sa mga kalokohan, mapagod ka na sa mga taong walang kabutihan dulot sayo. Mapagod ka nang manisi ng ibang tao, mapagod ka nang magalit sa mundo.

Mapagod ka na Ing at magbagong buhay.

Pasensya ka na, Ing. Pagod lang ang Kuya mo.


F-Buddy

I loved him.
But he was never mine.


A married man.

A bisexual in denial.

A certified asshole.

But I loved him.


I listened to his angst.

I absorbed all his anxieties.

I sucked his arrogance.

Still, I loved him.


He used me as his diversion.

He made me his distraction.

He screwed me into destruction.

After all, I loved him.


We were friends.

We were never lovers.

We were just f-buddies.

But hey, I loved him.


I loved him.
He was never mine.

I love him.

He will never love me back.