Tuesday, March 13, 2012

Pagdating ng Panahon



Darating ang panahon na ako’y lilisan.
Sana hindi niyo ako makalimutan
Babaunin ko sa aking puso’t isipan
Ang ating pagkakaibigan.

Darating ang panahon na ako’y mawawala na lamang
Ako’y patawarin kung hindi makapagpaalam.
Tanging hiling ko lamang ay inyong panalangin
Upang tunay na kapayapaan ay mapasaakin.

Darating ang panahon ang lahat ay matatapos
Kasama ang mga agam-agam at mga takot
Salamat sa pakiisa sa aking paglalakbay
Patawad kung  kailangan nang mapahiwalay

Sa pagdating ng panahon
Wala nang luha, lubos ang tuwa.
Sa pagdating ng panahon
Walang hanggan ay makakamtan na.  

No comments: