Tuesday, December 13, 2011

Kati Wala

...the Lord answered [her], '[Martha, Martha], you are worried and distracted  by many things; there is need of only one thing.'

Lately ay inaatake na naman ako ng matinding allergy. Kinakati ako in other words. Huling atake sa akin nang ganito ka-fierce ay noong Baguio retreat, as in buong leeg ko ay nabalutan ng makapal at pulang-pulang rashes. This time hindi lang leeg, pati magkabilang tenga, magkabilang pisngi, at ang nakakatakot ang paligid ng mga mata ni Angelita. Naiirita ako kasi madalas kapag nag-iisip ako ng malalim o yung tipong matutulog na lang ako ay umaatake siya. Yung tipong gusto kong magbabad sa whirlpool o itali ang aking mga kamay o burahin ang aking buong mukha.

Ayokong isipin na kaya ako nagkakakaganito ay dahil pressured ako. Sabi ko nga sa huling post ko sa facebook, I am not going to panic. Napost ko yun dahil one week to go ng party for kids, ang dami pang kulang, wala pang pledges for this and that, walang for pick-up. Hay. Hindi rin naman ako stressed o anxious o worried. It seemed that we were running out of time but I needed to be composed. And take a pause and PRAY.

Isang pikit ko lang ng panalangin, ayun may text na si Liz. May pasabi na si Dodjie. May tawag na mula kay Eli. May tawag na from Calgary. May message na from Ireland. Yung iba galing sa mga taong sa FB ko lang na-contact. Yung iba halos 20 years kong di nakikita. Yung iba, hindi ko talaga kakilala. Lahat sila, pinagkatiwala sa akin ang kanilang tulong upang mabigyan ng kaunting saya ang 200 bata ng Sampaloc.

Hindi ko alam kung bakit ako nangangati o bakit ako may allergy. Ang alam ko lang, hindi mawawala ang aking KATI. Ang kating makapaglingkod, the itch to serve. Ang kating makapagpasaya, The itch to make people happy. Ang kating maging alagad ni Hesus, The itch of discipleship.

Yun ang aking hangad: maging katiwala. At lahat tayo, hindi lang sina Beng, Liz, Dodjie, Gov Vi, Madam Nympha, Arnan, Bong, Eli, Che, Charles, Chu, Kris at iba pang tumugon [ pati rin yung mga nagpasabi na pass muna sila this year] ang kasama kong KATIWALA ni Hesus. Lahat tayo, lahat kayo. Sa mga munting pamamaraan, maaari tayong maging katiwala sa paglilingkod sa ating malililiit na kapwa.

Kasama sa dasal ko ngayon na mawala na aking pangangati sa katawan, pero sana, huwag mawala ang KATI NG PAGLILINGKOD, ang pagigiging KATIWALA. 




Monday, November 28, 2011

Trying new things at 44

I am 44 and I want to learn and explore more.

Yesterday, I pushed myself to go to a higher level of Yoga. After all the flexing, stretching and balancing, I thought I was ready to twist or be twisted. Back in grade school, I was the champion in Bending Bodies Game.  I dreamt of becoming a gymnast, Nadia Comeneci was my hero. But I never really pursued that. I procrastinated all my life. But yesterday I was as stubborn as a fearless child:  resolved to join the more  difficult Yoga class.  I flexed my body like never before. Like I stood on mid-air. Like I flew and soared. I was like my hero, graceful in every execution and installation. At 44, I am ready to do more.

And you think the 'higher' Yoga was enough for me? No, I went on to join another group exercise. This time, 'ang nakakawalang poise' called Body Combat. I looked at my 'classmates' and talked to myself aloud: Tonichi, if these people can do it, why can't you?  When the class started, I am humbled and must be humiliated at first. My classmates moved like butterflies that stung like bees. They punched, they boxed, they kicked  --- they knew the steps, they knew the moves, the routines. They are Alis and I was just Nonito --- no, a nobody. For the first round, I thought of giving up. I was near the exit, I can just leave without being noticed. Nobody noticed me anyway when I came in. I learned that in that class, there's no special treatment for new students. It's either you join them at the floor, watch and learn, or walk out that door. But yesterday I was like a caterpillar that's so excited to be a butterfly that stings like a bee. Yelled to myself: This is it Tonichi! Punch, Box, Kick, Jump, Cut, Jab! I knew I was 'mukhang tanga' in following and missing the routines. But at the end of last round, I was standing like Ali or Manny or Nonito --- no, I was just Tonichi. Fierce and fearless. At 44, I am reinventing and rediscovering myself.

What will I do next?




Tuesday, November 22, 2011

Maging sunshine para sa iba

I've got sunshine on a cloudy day...' - My Girl.

Maulang araw na naman sa ating lahat. Traffic, may kaunting baha, basa sa paligid, mahirap magpatuyo ng damit, nakakatamad kumilos, nakakaantok --- at marami pang ibang 'sickness' na bitbit ng ulan. Pero sa ibang tao, araw-araw umuulan. Araw-araw may pinagdadaanan. May problema, may balakid sa pangarap, may bitbit na alahanin. Every day is cloudy for some people due to their problems, worries, anxieties, and fears.

Maaaring walang pang-tuition, walang pambayad sa Meralco, walang load. Iniwan ng boyfriend, binasted ng pinakasisinta, pinagpalit sa iba. Maaaring bumagsak sa exam, di pumasa sa interview, di nakasagot ng maayos sa recitation. Maraming ulan na pinagdadaanan. Maaaring ambon o bagyo sa ilan, pero alahanin pa rin para masira ang araw ng sinumang may bitbit nito.

Kaya sana, maging sunshine tayo para sa kanila. Huwag nang magsuplada. Iaabot na yung bayad sa jeep at huwag nang magbingi-bingihan. I-hold na yung elevator para makasakay si Ate na maraming bitbit (literally and figuratively). Umusog na ng kaunti para maging komportable yung iba maski papaano. Paunahin na yung nagmamadali, huwag nang mainis. Huwag nang magpakanega, huwag nang bumisina nang bumisina. Huwag nang sumimangot o magmura. Huwag nang mambara, huwag nang kumontra sa post nag may post, huwag nang magcomment sa wall ng iba kung alam mong ikakasama lang ng loob niya. Huwag nang mangflood ng mga hinaing o reklamo mo sa buhay. Hayaan na rin yung mga flood ng flood, tweet ng tweet --- tandaan, may pinagdaraan nga lang at maaaring sa social network lang may kumakausap sa kanila.

Hindi naman kailangang kumandirit o mag-ballet sabay awit nang 'goood morniiing sa inyooooooo'. Smile lang ayos na. Sige samahan na rin ng Good Day o Seize the Day parang McDonalds lang. Basta mahalaga, maski papaaano, nakapagpagaan tayo ng pakiramdam ng iba. Malay mo, yung binati mo ng Good Morning e manghoholdap pala ng banko dahil desperado na. Pero dahil binati mo siya, nagbago isip at hinarap ang araw ng may pag-asa.

Sa Ebanghelyo ngayon [Luke 21:5-11]. , panay katapusan ang pinahayag ng Panginoon: katapusan ng templo, katapusan ng Jerusalem, katapusan ng sanlibutan. At maraming tao na parang ganun ang pakiramdam araw-araw. May lindol sa paligid, may kulog sa dibdib, may delubyo sa isip, may kalamidad na sa kanila'y bumabagabag, may digmaang nananaig sa kanilang ginagalawan, may taggutom sa hugkag na pagkatao at tagtuyot sa pagod nang mga puso.  May ambon, may bagyo, every day is cloudy.  Pero binibigay ni Hesus ang walang katapusang awa at pag-asa, walang katapusang pag-ibig at pagmamalasakit, walang katapusang kaligtasan. Si Hesus ang tunay na Sunshine ng ating buhay na nagbibigay liwanag araw-araw, si Hesus ang nagbibigay gabay para malagpasan anuman ang ating pinagdadaanan.


Nawa'y tulad ni Hesus, maging sunshine tayo para sa iba. Smile.










Monday, November 21, 2011

Huling Asa

This is the last time that I will write or talk  about him. Tawagin na lang natin siyang Asa Boy. Siya ang laman ng  ilang blog, siya rin ang laman ng kuwento ko sa ilang kaibigan kong hiningan ko payo ng kung go or no go. Apparently, no go na talaga. At kahapon nga, natuldukan na ang anumang natitirang pag-asa na maging kami nga.

May common friend (CF) kami, nagkita kami kahapon sa gym. Sabay kaming nagbuhat. Alam ni CF na ayaw ko nang pag-usapan si Asa Boy. Pero kahapon, while he was spotting me on incline press, sinabi sa akin ni CF na nagpaalam na si Asa Boy sa kanya.

Paalam? Mag-aabroad?


Uy, biglang naging interesado...


Wala lang, gusto ko lang malaman...


Wag na, baka magalit ka lang...


May mga bagay na sana nga hindi na lang natin nalalaman o hindi na lang pinaalam. Pero dahil sinimulan na ni CF, hindi ko na siya pinigilang magkwento.

Hindi siya mag-aabroad, sasama na kay Senator.


Si Senator ay ang kanyang kliyente. Mayaman siguro, hindi ko alam. Maganda siguro estado sa buhay, hindi ko alam. Noong nag-uusap pa kami ni Asa Boy ay hindi ko tinatanong ang tungkol sa kanila ni Senator, bilang respeto. Nagkuwento siya tungkol rito pero hindi ako nagtatanong. Minsan tinutukso ko siya rito, pero naiinis siya pag ginagawa ko to. Honest naman si Asa Boiy na madalas siyang regaluhan ni Senator. Alam kong may hindi siya sinasabi tungkol sa kanila ni Senator, pero hindi nga ako nagtatanong. Pero ngayon parang ang dami kong tanong.

Ibabahay na siya ni Senator?


Sila na ni Senator?


Paano na trabaho niya? Kay senator na siya magtratrabaho? Kay Senator na siya aasa?


Paano na kami? Paano na ako? Asa pa ako?


Hindi na, hindi na talaga. Sabi nga ni CF, mukhang kiniwento sa kanya para ipaalam na rin sa akin. Para matapos na ang lahat, para mawala na anumang natitirang pag-asa. Sabi ko nga, wala naman talaga siyang maasahan sa akin. Hindi ko naman kaya ang ibinibigay a sa kanya ni Senator. Hindi ko kayang tapatan, hindi ko sasabayan.

Pero sabi ni CF, hindi naman pera o materyal na bagay ang inaasahan sa akin. Sabi raw ni Asa Boy, umasa raw siya na may patutunguhan kami. Umasa raw si Asa Boy sa akin, sa aming dalawa bilang isa. Pero dahil sinabi ko raw na wala, umasa na lang siya ibang bagay. Umasa na lang siya kay Senator.

Hay. Promise, last na ito.




Thursday, November 10, 2011

In fairness to me

Sa aking  FB status kahapon, tinanong ako ng isang kaibigang pari kung sino kaaway ko. Sabi ko, wala akong kaaway. Ang boring na nga ng buhay ko kasi matagal-tagal na rin akong walang kaaway. Not that I wish for it, nakakapanibago lang. And I like the change, I like the peaceful difference of not having an enemy.

Pero alam kong may mga taong ngitngit o galit sa akin. Ang nakakaloka, hindi ko alam kung bakit. Para bang nagising na lang sila isang umaga at nag-usap-usap na huwag nating pansinin si Tonichi. Pero alam ko rin naman na noon pa man, may something na yung friendship namin. It stood on a hollow ground. Shallow. Didn't blossom or grow. Sa simula mo lang, wala nang spark o magic.

Ang masakit, ako palagi yung kontrabida, ako palagi yung suplada, ako raw yung namimili, ako raw yung hindi mabait.

Sigh.

In fairness to me, hindi ko naman hinahangad na sabitan ng medalya sa pagiging pinakamabait. Pero nagsusumikap akong MAGPAKABUTI. Hindi rin ako nagpapanggap na mabait na laging nagbibigay ng kung ano-ano, tapos may agenda pala. Tapos maninira pala ng kapwa. Tapos sasaksakin pala sa likod ang mga taong di nila gusto. Magpapanggap na mabait, itataas ang sarili at magmamalaki. Sige na, kayo na ang mabait. Basta ayokong masiraan ng bait.

In fairness to me, hindi ako namimili ng kaibigan. Sa dami nang naranasan kong rejection, sa dami kong kakilalang bading na biktima ng di pagtanggap ng lipunan --- ako pa ba ang magiging choosy? Dun sa may tunay na nakakakilala sa akin, makikita na pati sa sikyu, tricycle driver, nagwawalis ng kalye e chumichika ako.At kinukuha akong ninong ng mga anak nila kahit hindi ko naman sila close. (Hindi ko na nga mabilang inaanak ko, basta lagpas 45 na.). That's the point, aminin na natin, namimili tayo ng kaibigang pwedeng sabihan ng sikreto o talaga ka-close. Namimili tayo ng taong pwede tayong humarap ng walang make-up o maskara. Namimili tayo ng kaibigang pwedeng  tumawa ng malakas na kita ngala-ngala. Hindi yun pagiging choosy, hindi yun rejection. Sadyang may iba't ibang level lang talaga ng pagkakaibigan.

At hindi ko pinipilit na kailangan e paakyatin mo rin ako sa kuwarto mo. Hindi ko rin pinipilit na isama ako sa lahat ng lakad sa lahat ng oras. Hindi ko rin pipilitin na maging Ninong ng anak mo. Sadyang may kaibigang para sa tamang oras, lugar at pagkakataon. At may kaibigan ding pang-all around, pang all the time. Mayroon din naman kaibigang may parameters. Aminin man natin o hindi.

In fairness to me, hindi naman talaga ako si Lucy Torres na Miss Congeniality ang special award.  At lalong hindi ako si Sharon Cuneta na Miss Photogenic ang award dahil laging naka-smile at lahat favorite. Pero hindi ako suplada. Para lang akong si Gretchen Barretto. Hindi suplada, maganda lang talaga.

In fairness to me, ayoko nang maging kontrabida. Tapos na ang episode na pagiging Cherie Gil at Gladys Reyes ko. Hindi naman talaga ako bad. Pero para na akong kinahon sa ganitong label. Minsan nakakainis, minsan nakakaiyak, minsan nakakagalit, minsan sabay-sabay na emotions. Eto ka na nga, nagsusumikap na magpakabuiti pero nakatatak na talaga sa'yo na bitch ka, bad ka, mataray ka Tonichi, kilala kita Tonichi pala-away ka...

Sigh.

In fairness to me, I know I have mellowed, I have matured gracefully and beautifully. I am not picking my battles, on the contrary, I am not picking any. Yung mga dating kaibigan na ayaw na sa akin, so be it. Ganun talaga. I will take comfort to the fact na wala naman akong atraso sa inyo. Ang alam ko lang, alam na lahat na bading ako, kayo hindi...mahirap talagang itago yan, mga neng.

In fairness to me, I am Gretchen Barretto. You want war? I won't give you war, because I am enjoying this peace so much. Maiinggit na lang kayo mga girlash.

.  

Wednesday, November 2, 2011

asa

Nabaligtad na yata ang mundo. Noong isang blog ko, ako nagsabi na 'di na ako aasa pang muli...'. Pero kahapon, siya ang nagsabi sa akin nito. 


Siya: Ano ba, sabihin mo mga kung may pupuntahan to...sabihin mo kung wala, para di na ako umasa...


Ako: Ha? [Iniba ko topic] Kagigising mo lang ba?


Siya: Oo, pero alam ko sinasabi ko, ano nga, may dapat ba akong hintayin o wala? Para di na ako aasa...


Ako: [tumawa lang]


Siya: Ganyan ka naman, akala mo lahat joke...


Ako: Seryoso ba? O sige, wala na lang...


Siya: Anong wala?


Ako: Yung tanong mo di ba...tama ka, para di ka na nga umasa...Siguro yun ang safe answer...


Siya: Safe answer?


Ako: Kasi ayokong magpa-asa. I know the feeling...Yun. Gusto ko lang i-enjoy nang walang inaasahan...


Siya: Sige...


Ako: Anong sige?


Siya: E wala naman pala, di sige. [sabay alis]


Ako: [tulala - walang background music - walang maramdaman]


The truth is I love being loved. I love being in love. But having a relationship because of that love is way too heavy for me. No, not because of my religious convictions or 'hang-ups' - as they say. No, not because I am scared of what people, including my brothers and relatives, would say. No, not because I am not ready; I am too old for it actually.


But yes, I love love but I just can't handle it. 


Ngayon, aasa pa ba akong may magmahal sa akin?

Tuesday, October 18, 2011

The Gospel according to us


"I have fought a good fight, I have finished my course. . . . Make haste to come to me quickly. For Demas hath left me, loving this world. . . . Only Luke is with me"

Kapistahan ngayon ni San Lukas, isang doktor na naging tapat na kasama ni San Pablo sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Sa kalaunan, naging isa sa nagsulat ng Ebanghelyo. Kung ihahantulad sa panahon ngayon, marami ring naging isyu sa istilo ng pagsusulat ni San Lukas, marami raw inconsistencies, ma-drama o ma-palabok, ‘painter of words’. May nagsabi pa na ang Magnificat ay hindi naman talaga binigkas ni Maria kundi ni Elizabeth. Ginamitan daw ni San Lukas ng ‘creative license’ ang kanyang bersyon, kulang na lang ay kasuhan siya ng heresy, forgery at ng plagiarism.

Paborito ko ang Ebanghelyo ni San Lukas. Sa kanya lamang makikita ang mga talinghaga ng Alibughang Anak at ng Mabuting Samaritano; mga kuwentong napapanahon pa rin hanggang ngayon. Hindi ko naman sinasabi na ang ibang nasusulat ay obselete o hindi applicable sa ating henerasyon. ang punto ko lamang ang istilo ng ni San Lukas ay madaling isalarawan o iugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tila ba, hanggang ngayon ay nangyayari pa rin.

Napaisip tuloy ako, paano kung ako ang magsusulat ngayon ng Ebanghelyo? Paano ko ikukuwento si Kristo para sa susunod na henerasyon?

Gagamitan ko ba ng sarili kong style? Anong lengguwahe --- Bekimon, jejemon, txt language?  Anong medium --- blogger o wordpress? Facebook o Google +? Video ba sa YouTube o still photos sa Multiply o tmbler?

Madrama parang MMK? Hard news parang The World Tonight? Serialized ba parang teleserye? O parang indie film na experimental ang approach? Malakas ba ang dating na parang TV Patrol o free-flowing parang Bandila?

Paano ko nga ba ikukuwento o isusulat si Kristo?

Sa aking pagninilay, maisasalaysay ko lamang si Kristo ayon sa uri ng aking pamumuhay. Kung paano ako nagpapakatao, kung paano ko nararanasan si Hesus sa aking araw-araw na pakikibaka at paglalakabay. Maisusulat ko lamang si Kristo kung paano ko siya kinikilala at kung paano ako naging buhay na saksi para sa Kanya. Malalagay ko lamng sa aking blog, journal, at sa larawang-diwa ang Kanyang Salita kung isinasabuhay ko ito mismo.

Wala sa galing magsulat, wala sa galing lumikha o mang-imbento, wala sa lawak na imahinasyon --- masusulat ko lamang ang Ebanghelyo kung ako’y magpapakatotoo. 

Friday, October 7, 2011

FXperience


FWB: ‘Bakit kasi di ka na lang mag-kotse…’

Me: ‘Sige, mamaya bibili ako ng lima, para di problema coding…’

FWB: ‘Hahahaha, magjeep ka na lang kasi…o kaya cab…’

‘Me: Nag-cab ako kanina…praning na ako sa FX.’

Totoo yun, pagkatapos kong maholdap nung Wednesday night, nakadama na ako ng takot mag-FX uli. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang trauma, ang paranoia, ang phobia  [Dr. Bernadette, usap tayo]. Basta alam ko lang, takot ako.

Marami na rin akong experience sa FX. Pa-Makati man o pa-Padre Faura o pa-Gateway.

Papuntang work sa Makati, sa FX ko nakilala ang lalaking akala ko ay may gusto sa akin. Yun pala gusto lang akong bentahan ng insurance. Nagkaroon na rin ako ng crush sa pila ng FX, inaabangan ko, hinintay at minsan nagpapalampas pa ako sa pila dahil alam ko ang oras ng dating niya. Nagkakilala kami --- nagkita kasi kami sa Bed Malate, may kahalikan siyang kapwa-lalaki. Sa FX ko rin nakilala ang mag-asawang gusto akong gawing ‘project’. Gagawin daw nila akong straight dahil mayroon daw ganung session sa Victory.

Pa-Padre Faura, papuntang Fitness First Manila, may nakilala akong law student. Sabado yun at maaga ako kasi hinahabol ko ang yoga class. Kami lang sakay sa gitna. Habang nagbibiyahe ay nagbabasa siya ng notes niya, nakibasa ako. Noong tinaas niya ulo niya, nagsmile siya. At nanginig ang tuhod ko. Maya-maya magkaholding hands na kami. Bago bumaba ay nagkapalitan na kami ng number. Pero hanggang doon lang. Busy kami pareho.

Pa-Gateway, manonood ng UAAP sa Araneta (I refuse to call it by its name today, lahat na lang kasi pinakialaman ni MVP), sa FX ko nakasabay ang dalawang hitad na tinawag na pangit si Kim Chui at Anne Curtis. Sa FX ko rin nakasabay ang dalawang balyena na nag-around the world at inokray ako sa pag-English. Tinawag ko silang mga baboy. Sa FX ko rin nakasakay ang asawa ng anak ng aking kaibigan; may kasamang iba at super sweet sila. Hindi siya mapalagay dahil text ako ng text. Akala sinusumbong ko siya. Oo naman. Ano akala niya, he can get away with it?

At nung Wednesday night, sa FX ako naholdap. Eto ngayon, may phobia sa FX. Hindi ko alam kung kailan ako sasakay uli para sa panibagong experience.

FWB: Mag-iingat ka na lang…kahit saan naman pwede kang maholdap…’

Me: Salamat ha, maglalakad na nga lang ako…

FWB: Pasalamat ka nga buhay ka pa

Me: Oo naman. Pasalamat din yung mga holdupper di ko dala yung bato

FWB: Bato?

Me: Bato ni Darna…

FWB: Luko-luko

Natatawa lang ako, pero ang totoo, takot na takot pa rin akong sumakay ng FX.

Thursday, October 6, 2011

One Lucky Day

Naholdap ako kagabi.


It seemed the whole universe connived for this one lucky day. 


Umaga pa lang, mali na. Late ako nagising kaya di ko nagawa ang aking usual routine sa oras. Bagama't nakapag-Morning Prayer and Reflection, hindi na ako nakapagsimba. I just told myself --- and promised through a prayer na sa tanghali na lang magsisimba sa Don Bosco Makati.


Sa pila ng FX, BV na agad ang haba. Close to 30 minutes akong naghintay at nagwawala na aking mga varicose veins nung may dumating na sasakyan to Makati. Change of routine pa rin kasi dahil usually, sumasakay ako ng tren. Pero dahil tanghali na nga, didn't bother to catch it.


As promised to the Lord, pati na rin sa mga taong humihiling na isama ko sila sa aking panalangin, nakapagsimba naman ako sa Don Bosco at nakapag-short visit  sa Adoration Chapel. May bonus pang Adobo Pandesal na livelihood project ng kanilang mga kabataan.


Pagbalik sa office, nabasa ko sa sports page ng PDI na may laro ang Shopinas at Powerade. So ayun nagbago uli ng plano. Dapat kasi maggi-gym ako after office. Nagdecide na lang akong manood at gumawa ng paraan na magkatiket. Gusto ko kasing suportahan si Coach Franz et al at pati na rin si JVee na nasa kabilang team. 


At dahil paranoid ako pag Pasay ang pinag-uusapan, super tago ako ng aking wallet at celfone. Yung bag ko na may laptop ay super yakap ko all throughout the game. OK naman yung game at masaya ako dahil nakita ko sina Odette, Cholo, Gab Banal, Jvee, etc. 


Di na ako nanood ng second game kahit nandun sina Papa Yeo, et al kasi nga praning ako. Ayokong gabihin sa Pasay! 


Eto na, instead of taking the LIbertad route, sa Roxas Blvd ako naghintay ng FX. Nakasakay naman agad ako ng FX na Sucat-Lawton route. 


May mga lalaking sumakay sa kanto ng Roxas Blvd-Kalaw at bumaba rin agad sa kanto ng Kalaw-Taft. I got a strange feeling so sabi ko pagtawid ay bababa na ako instead of Lawton. Naisip ko madilim sa Lawton at mas safe na sa tapat ng Save More (Masagana dati) ako maghintay ng FX to Espana.


Maraming naghihintay at puro babae pa. E ever-gentleman ako kahit bading ako, kaya pinapauna ko sila kapag may FX na dumarating. Out of the blue, may dumating na FX na walang laman. At dahil masuwerte ako ng araw na iyun, sa harap ako napaupo. All throughout, wala akong katabi until may sumakay sa SM Manila. Pagdating sa bridge bago mag-Quiapo, naganap na ang declaration ng mga buhong na holdupper. 


Nung una, deadma pa ako. Bingi-bingihan. Nung narinig ko na hold-up talaga, nag-attempt akong buksan ang piinto at bababa talaga kami ng katabi ko. Aba, tinutok sa batok ko ang baril. Naramdaman ko! Malamig ang dulo pero mainit ang katawan ko. This is it na ba Lord?


I prayed. 


Noong hiningi celfone ko: Lord, dalawa dala kong phone, yung isa lang po bibigay ko...


Slow motion ako at dahan-dahan kong binababa ang bag kong dala habang inaabot ko ang E75. Dasal lang nang dasal.


Noong hiningi wallet: Lord, kakawithdraw ko lang, medyo malaki to, masakit mawala...


Yung gagong driver nagsalita, ibigay nyo na habang busy ang mga holdupper sa paglimas sa ibang pasahero. 


Hindi ko binigay wallet ko. Nagbigay na lang ako ng ilan.


Hindi ko rin binigay laptop ko dahil hindi naman hinihingi at malamang di na nga nakita bag ko. Lord, sana matapos na, sana bumaba na, sana hindi na kami saktan, sana tama na...


After 5 minutes, the ordeal was over. Bumaba na sila. Tapos na ang hold-up. Buhay pa kami. Buhay pa ako. Nakuhanan man ako, ang mahalaga buhay ako. Natutukan man ako ng baril, ang mahalaga di ako nasaktan. Mapalad pa rin ako.


Indeed, it was one lucky day. And I thank the Lord that I am safe, that I am still alive.







Tuesday, October 4, 2011

Mga Hayop Kayo!

Bilang pagpupugay sa kapistahan ni St. Francis of Assisi, ang patron ng mga hayop, nais ko ring magbigay ng pasasalamat sa aking mga kaibigan:


1. Harry - makulit na aspin. Siya ang dahilan kung bakit tinaasan ang ang aming bakod at gate. Kasi mataas siyang tumalon, as in pang Animal Planet sa taas. Noong di pa siya nakakatalon, nagtataka kami kung bakit lagi siyang nakatingin sa gate. Aatras-aabante, lalapit-lalayo sa gate. Saka na lang namin na-realize na sinusukat pala niya, kung paano bubuwelo, kung gaano ang effort para ma-hurdle niya ang 5-ft high fence. Noong first time siyang nakatalon, muntik nang atakihin sa puso ang kapitbahay naming nagdadaan. Akala niya raw may alaga kaming kabayo. Simula noon, lagi na siyang inaabangan ng mga kapitbahay namin at pinapalakpakan pang nakakatalon palabas. Uulitin ko, talon ha, hindi sampa. As in Elma Muros o Mikee Cojuangco na sakay sa kabayo. 


Noong tinaasan ang bakod ay naging malungkutin si Harry. Hindi na siya makapag-exhibition, hindi na siya makalabas. Pero sadyang makulit, sinasabayan niya kami kapag aalis kami o lalabas, as in sisingitan niya kami. Minsan nakakapundi kasi hahabulin namin. Hanggang mapagod na kami sa kakahabol, hahayaan na lamang namin. Tutal, bumabalik ng kusa. Minsan nga lang, madaling araw na nakakabalik.


Noong isang araw, maghapong wala si Harry. Nakalabas kasabay ng pinsan kong papasok sa UST. Madaling araw na kinabukasan ay wala pa rin. Nag-alala na kami. May araw na ng nakabalik. 


May sugat na halatang sinilo o sinakal siya ng makapal na alambre o ng lubid. Pabilog ang sugat niya sa leeg na nagdurugo pa. Parang bata siyang pinagalitan ng tiyahin ko. Parang anak na bumalik sa bahay na may sugat dahil nadapa o nakipag-away sa kalaro. Pero iba ito, muntik nang mapatay si Harry ng mga tunay na hayop na nagpapanggap na tao. Parang gusto naming rumesbak lahat. Parang gusto naming tugisin ang mga hayop na nanakit kay Harry.


2. Jewel. Ang reynang aspin. Kasi nga, siya lang ang babae sa aming mga alaga kaya laging buntis. Last month lang, 8 ang naging anak. Lahat yata ng aso sa kapitbahay namin ay anak ni Jewel. Malambing at mahilig mandila. Kailangang tuwing umaga at tanghali ay hihimasin mo ang kanyang baba at dibdib, at kung di mo gagawin, didilaan ka niya sa mukha. 


3. Donix. Simula ng bata ako, lagi kaming may asong may pangalang Donix. Babae, lalaki, puti, itim, brown. 17 yata ang naging aso namin na pinangalang Donix. Kalimitan ay namamatay sa old age. Yung Donix today ay cross breed, kaya mukhang may identity crisis. Japanese Spitz na hindi. Ito ang asong laging may subo. Siya lang naman ang kumain ng dalawa kong Havaianas. Ang umubos ng aming basahan at mop sa bahay. Ang tagakuha ng mga medyas at ikaw na bahalang maghanap ng kapares. Tuwing sasalubong sa gate ay may bitbit - basahan, tsinelas, laruan, stuff toy, bola, tshirt, twalaya, etc. Basta kailangan mayroon. Parang sinasabi na laro tayo kuya. Napakalambing din, kapag natutulog ka pa ay kakatok na para gisingin ka, makipaglaro at makipaglandian. Mahilig sumampa sa kama at sofa e ang laki-laking aso. Mahilig mandagan e saksakan ng bigat. At kapag nanood ka ng TV, ang hilig-hilig tumabi.


4. Grande - isang genuine dachshund. Akala namin mabait pero sobrang siba at siga. As parang pit bull sa pag-bu-bully sa iba naming aso pag feeding time. Gusto niya siya ang una e ang bilis niyang kumain kapag ubos niya na, aagawin niya yung ibang lalagyan. Kapag gutom na, kakagatin niya yung kanyang kainan at ihahagis hanggang makagawa ng ingay at makuha ang aming atensyon. Minsan nga, binabalibag pa ito sa may pintuan ng bahay para talaga masabi niyang gutom na siya. 


5. Mucho - isang pure breed mini-pinscher. Actually, adopted lang namin siya dahil nag-abroad yung original na may-ari. Major adjustment para sa kanya dahil nasanay siyang naka-kutson ang kanyang tulugan at fabulous ang kanyang surroundings.  Pero sa bahay namin, pantay-pantay ang treatment sa mga aso. Napakaingay kapag tumili este kumahol at saksakan ng arte. Tatabihan ka sa pagtulog at kapag nagising na siya ay gigisingin ka rin. Kapag di ka pa tumayo, di rin siya tatayo at sisisikin ka lang sa higaan. Pag tumayo ka para mag-CR, susunod siya.


Mahal na mahal ko ang limang aso na iyan. At alam kong mahal na mahal din nila ako. Minsan nga nasabi ko sa mga kapatid ko, buti pa mga aso, sumasalubong, parang tuwang-tuwa kapag nakauwi na ako. 


Makulit man, matakaw, madila, makalat, mabaho paminsan-minsan, maingay --- di pa rin namin papamigay ang mga aso. 


At kahapon lang, nadagdagan ang aming dahilan upang mahalin ng husto ang aming mga aso --- sinubukan kaming looban ng magnanakaw. As in nakasampa na sa bakod, as in papasok na sa aming bahay. Pero dahil sa limang asong parang mga tigre, hindi naging matagumpay ang hayop na magnanakaw.


Harry. Jewel. Donix. Grande at Mucho (Btw, ang kanilang mga pangalan ay kinuha sa beer, as in San Miguel Grande at Red Horse Mucho). Mga hayop sila. Pero mas hayop ang ibang tao sa kanila. 



The End of An Affair

Before I could say I love you
Before I could believe it's true
Before I could let it happen
Before I get hurt again


Before the beginning
Before it could become never-ending
I know the tears would eventually fall
If you'd become my all


Before it becomes too late
Before it turns out to be another heartache
Before I fall in love again
This has to come to an end


The end of an affair
The end of  pain
The end of a beginning
The end of my dreaming


The end. 

Friday, September 30, 2011

English


Dati-rati, kapag magaling kang mag-English, ang tingin sa’yo conio. Mayroon pa ngang tinatawag na Atenista twang o Lasalista slang. Pero ngayon, kapag nag-English ka sa isang simpleng conversation, tatanungin ka na agad nang: sa Call Center ka ba nagtratrabaho? Para namang taga-call center lang ang pwede o marunong mag-English.

Wala namang masama sa pagsalita ng King’s language ika nga. At marangal na trabaho ang pagiging call boy, este ang pagiging call center agent. Kung nadadala man nila ang pag-iingles sa bahay o kahit saan sila magpunta, hindi natin sila dapat tingnan ng masama. Kahit pa sabihin nila sa jeepney driver na, ‘Kuya, just drop me off that corner’ o sa sales lady ‘ Miss, can I get a size 29 of this pair please and kindly show me where the fitting area is. Tenk yaw’  Hayaan na natin. Minsan, mahirap ma-detach sa trabaho. Lalo na kung kailangang sanayin mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo naman nakalakihan pero kailangag maging ‘second nature’ na sa iyo dahil ito na ang source of income mo.  

Mayroon akong paboritong expression sa English. Freaky. Sinasabi ko to pag nagugulat ako, o pag may nangyayaring ganun, Freaky. Kapag naiinis ako sa isang taong slow o may kakulangan, at hindi ko masabi ng harapan, nabubulong ko sa aking thought balloon, Oh Stupid. Say it after me, Freaky, Stupid.

One time, uy English, papunta ako ng Gateway, may kasakay akong dalawang matabang babae na nagpapayabangan sa kanilang trip abroad. Sa Macau yung isa, ayaw patalo ng kausap, galing daw siyang Singapore. Wala raw makikita sa Malaysia, love raw nung isa ang Thailand. Banat naman isa, shopping sila next week sa Hongkong! Tili naman uli ng isa, nag-iipon ako for Korea. Masama pa nito, marami silang nilalait na tao, kasama na si Paris Hilton. So, jetsetter sila at kabog si Paris Hilton para sa kanila. At ang mas masama, kailangan nilang magsigawan para lang magkuwentuhan sa FX. Wala naman silang mga headset sa tenga o earplug, so hindi sila bingi. Gusto lang talaga nilang iparinig sa aming lahat kung saan-saang lupalop na sila nakarating at pupunta pa.

May hindi nakatiis, yung katabi kong lalaki sa likod (nasa likod din yung dalawang matabang babae, bale katapat namin), sabi niya sa driver:

‘Manong, masyado yatang malakas ang aircon nyo, malakas ang hangin dito sa loob…’

Walang keber ang dalawa, tuloy pa rin. Si Manong Driver naman ang bumanat:

‘Papatayin ko na nga yung radio, mas malakas kasi yung radio dyan sa likod’

Deadma pa rin ang dalawa, kahit may mga natatawa na sa harapan.

Ako, wala lang. Mainggit ba ako? Mainis ba ako? Ewan, basta kanya-kanyang trip yan. Tinitingnan ko na lang sila, hindi naman sila mukhang jetsetter. Hindi sila maganda kaya tingin ko yun lang ang paraan nila na masabing may magandang nangyayari sa buhay nila. O siya, wag nang pansinin ang dalawang babaeng mas maganda pa ang kuko ni Paris Hilton.

So, hindi ko sila pinapakialaman. Pero may nangyaring  freaky.

Muntik na kaming mabangga ng bonggang-bongga dahil na rin siguro sa kapapakinig ni Manong Driver sa dalawa o talagang distracted na nga siya sa lakas ng hangin sa loob ng FX. Napasigaw ako ng, FREAKKKKYYYYY!  At may pabulong na karugtong: Oh, stupid, how could you miss the red light!

At eto, ang dalawang babae, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. At tapos nagtinginan at tumawa.

Sabi nung isa sa isa: Bakit kaya yung mga taga-call center, kahit saan nag-e-English! Hmp.

Aba. Maganda.

Sagot nung isa sa isa: Oo nga, akala mo kung sino, makapag-English lang…

Aba, aba, aba. Ang gaganda.

Marami pa silang sinabi. Napapatingin pa sila sa akin. Yung katabi ko ay hindi rin mapalagay, alam niya ako ang pinapatungkulan ng dalawang balyena.

Pero deadma lang ako. Hindi ko sila pinakialaman sa kanilang around-the-world at eto nga tinatarayan sa pagsigaw ng English. Pero, sige pagbibigyan ko kayong mga balyena kayo.

Eto na, Gateway na. Bababa na kaming lahat. E ako ang mauuna kasi ako malapit sa pintuan. Yung katapat kong Balyena 1, gusto akong unahan. Hinawakan ko yung handle at pinigilan siya, at sinabi ko sa pagmumukha niyang malaki: BAAABOOOOOOOOOY!

Sa Balyena 2: PPPPPPPIGGGGGGGGGGG!  With matching talsik ng laway.

Sa Dalawang Balyena: MGA BAAAAAABBBBBBBOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY! OOOOINKKKKKKKKKKKKKKKKKKK! With a shower of laway freshness.

Natulala sila at hindi nakababa.

Lahat kami nakababa na pwera yung dalawa.  Naglalakad na ako with my version of tsunami walk at nilingon ko sila, with my imaginary bouncy hair.  Na-stuck-up ang handle kaya nandun pa rin sila sa FX na kailangan nang umandar dahil sinisita na ng traffic enforcer.

Freaky!

Sunday, September 25, 2011

Di na ako aasa pang muli

' Di na ako aasa pang muli
Kung ikaw ay darating
Saka na lamang ngingiti
Tandaan mong mahal kang talaga
Tanging ikaw lamang ang nasa aking alala ...' 



Kanta yan ng Introvoys, yung bandang medyo sumikat nung 90s. Pinalitan ko lang ng darating, instead of babalik. Kasi nga eto na naman ako, umasa. Naghintay. Nag-akala. Ayun, di na nadala.


Kung kailan nagpatangay ako sa agos. Kung kailan ko muling binuksan ang puso. Kung kailan ako naniwala na handa na akong magmahal muli. Kung kailan ako umasa na maaaring siya na nga.


Niyaya niya ako ng lunch. 11AM pa lang daw magkita na . So ako, parang nagdadalaga, nataranta. Para akong si Kim Chui na pa-coy effect pero talagang kinikilig sa kaloob-looban. Dumating ang takdang araw, gusto ko nang hilahin ang oras. Gusto ko nang makita si Gerard Anderson ng buhay ko. Ang tagal-tagal ko nang hindi nakaramdam ng ganitong kaba at kilig. Sa loob ng mahabang panahon, natutulog ang aking puso. Parang si Sleeping Beauty lang, kailangang may Prince Charming na dumating para gisingin ang nahimbing damdamin.


Pero tama si Janice De Belen, hindi totoo si Prince Charming. Hindi siya dumating sa aming tagpuan. Dahil dalagang Pilipina ako at ayoko namang isipin niyang atat ako, di ko siya tinext agad. Hinintay ko pa rin at umasa na siya ay darating.  1 PM at talagang nagmumura na ang tiyan ko sa gutom, nagtext ako:


Ako: San ka?
Siya: Kakagising ko lang...
Ako: Hinihintay kita for lunch...
Siya: Ay sori, may bday kasi kagabi, ayun napuyat ako....


Hindi na ako sumagot pa. Kumain na ako. 


Nagtext siya uli, Di na ako sumagot. Text uli. Deadma uli. 3PM. Text siya uli.


Siya: Asan ka na?
Ako: Bahay na.
Siya: Awwww.
Ako: Bakit?
Siya: Bakit di mo ko hinintay?


Asa ka pa talaga? Di ko na sinagot. Text siya ng text hanggang kinabukasan, wala na akong sagot.


Hanggang kanina, nagkita uli kami.


Siya: Hoy Boy Tampo, bakit di ka nagrereply...
Ako: Di na ko bata para magtampo...
Siya: So galit ka, eto naman, may bday talaga...biglaan lang...
Ako: Ok.
Siya: Bawi ako sa'yo, mamaya ha, dinner tayo...


Habang nag-uusap kami, layo ako ng layo, Kim Chui nga eh. Yakap naman siya ng yakap, hila ng hila ng kamay ko. Pakiramdam ko, pinagtitinginan na kami. Kaya sumagot na ako.


Ako: Bahala ka...
Siya: Dinner ha


Nagsabi ng lugar at oras pero walang tumatagos sa aking pusong natututulog muli.


Dumating ang takdang oras. Nagtext siya.


Siya: Saan ka na, dito na ako....
Ako: Ay sori, may bday akong pupuntahan...biglaan lang
Siya: Awwwwwwwwwwwwwwww.


Alam ko nang katapusan na iyon ng aking kahibangang umasa pang muli. 


Sa iyo sana'y maghihintay
Ikaw ang gusto ko sa habang buhay, ngunit…

Di na ako aasa pang muli...







Friday, September 23, 2011

The Best Days of My Life.


The best days of my life
The day I answered Jesus. The invite said RSVP but didn’t click I’m attending immediately. I dilly-dallied. I bought for time. But He never wavered, He patiently waited. There’s no too late, no deadline, no last chance. The door was always open, flashing the neon sign that said: welcome. Finally, I heeded. I entered. My hedonist lifestyle is over, but I’m happier.

The day I stopped being lonely. The pursuit to happiness is endless. And most of the time, pointless. I was happy for a night with a bad hangover next day. I was ecstatic over sex but would feel dirty and guilty after. I was lonely in my struggle to be happy. Then, the paradigm shift. My concept of happiness changed. My happiness no longer depends on who I am with but who I am and what I am. It’s never lonely to be myself.

The day I forgave myself. Healing began in my heart. I could not move on and move forward and forever thought of my father, my mother and everything that has happened to my life.  I was so hard to myself. I was so hard to others. I didn’t feel any love until I forgave. When I decided to break the vicious cycle of hate, I found peace.  I was forgiven, I am now more forgiving.

The day I let go of my weight. And I’m not talking of just physical weight. I had to throw my excess baggage, the only way to believe in myself again. I had to let go of insecurities, anxieties and worries. I embraced myself again. I exhaled all animosity and bitchiness and inhaled all positive energy and good vibes. I am embracing others again. I am embracing life all over again.

The day I love. It’s coming soon, I know it will. I have passed up several chances. I searched for the wrong reasons at the wrong places. Now, I know I can love. I know I am capable of loving. I know I am lovely and lovable. 

Eavesdropping


Sometimes, listening to conversations of strangers makes you feel better about life.

Yesterday after yoga and light work-out, I passed by three lady-sidewalk vendors in front of UP-PGH:
‘Ayan, di na tayo haggard…’ one lady said after applying baby powder at her face.
‘Oo nga, para kahit matumal benta, tayo ay maganda’  another quipped.
‘Tamaaaaa, pa-retouch nga rin….’ The last lady agreed.

 I looked at them and smiled. Yes, they are beautiful in my eyes.

*******

 This morning, two prep boys were a pew behind me during Mass.

‘Our Father in heaven, holy be…’ the first boy, loudly and proudly recited.
‘…Your Kingdom come…’ the other boy was confident, too.
..Amen,’  they chorused.
Communion time, I heard the first boy said:
‘Sabi ni Teacher, di pa tayo pwedeng mag-communion….’
‘Ok lang, teacher said din naman,’  the other boy answered, ‘Jesus is always inside the hearts of kids like us.’

I looked at them and smiled. Jesus is right, if only we can have the kind of faith little ones possess.

********

On my way to work, a male student from CEU-Makati was talking to somebody on his phone:

‘Ma, wag mo na po akong ibili nyan, di ko kailangan ko yan…Ipunin mo na lang po, Ma…I don’t need an Ipad, promise…Ok lang po ako…Opo….eh, Ma, ok pa po naman tong phone ko…’
‘Ma, pogi na ako, di ko na kailangang magpapogi sa gadgets, hehehe…Opo, nag-aaral nga po akong maige, para di ka na bumalik diyan…para magkasama na tayo…Miss na miss na kita, Ma….’
‘Ma, lapit na ako baba, bye na po, ingat ka diyan Ma ha, don’t worry about me Ma, good boy tong pogi mong anak, hehehe…’
‘Ma…I love you!’

I looked at him and smiled. Whoever thought ‘corny kasing mag- I love you’  in that Nescafe TV commercial must listen to this young man [ and in fairness, pogi talaga siya].

Wednesday, September 21, 2011

13


'I was too young to take it all in. I was too young to even realize I was young. I was just living my life.'

I was still playing Chinese garter, pass the message, Siato, Patintero, street football and hide and seek when I was thirteen. Kids today don’t have those simple luxuries. What they have are the likes of Dota, Counter Strike, and what-seems-to-be-innocent-yet-still-borders-on-violence Plants vs. Zombies.  

I had real buddies --- opponents in Taob-Tiyaya teks, partners (Mother and Daughter) in Piko, and teammates in Cops and Robbers. Kids today don’t need ‘tangible’ playmates. All they need is to go online and play network games. They can have 4,999 Facebook friends, 90% of which, they haven’t met in person. They can follow strangers on Twitter and become not just fans but also copycats.

I was already gay when I was 13. I didn’t pass through any ‘identity crisis’ stage nor didn’t face a mirror to ask myself what am I. All I knew I was young and gay. But even then, I could talk to real people. I could express myself. Kids today are not comforted by the idea of having someone to talk to. They rant, shout out and post their status as if the whole world really cares. They chat with a faceless somebody, worse, to an avatar.

I don’t remember falling in love at 13. Perhaps, I had crushes but didn’t really mind them. My world didn’t revolve around them, although I blamed them for my pimples. I had a friend who lost her virginity at the age of thirteen, the guy was 21. Told her, it was rape. She retorted it was love. 13 and so foolishly in love. Take note, she met the guy through, your guess is right, Facebook.

And now this news:
A 13-year old gay shot his assumed 16-year old lover boy.

There are so many questions running in our minds. All the why’s and how’s. How could a thirteener fall in love like that? How could he kill out of love and jealousy? How could he commit suicide in the name of love?

My psychiatrist, who was interviewed on TV this morning, had an answer. He didn’t have someone to talk to. Perhaps, Dr. Bernadette was right.

The 13-year old kid has found and lost love and decided to end life on Facebook. Nobody really believed his status until he actually did it.    

Friday, September 16, 2011

Gays for Christ



‘Jesus journeyed from one town and village to another, preaching and proclaiming the good news of the Kingdom of God. Accompanying him were … women… Mary, called Magdalene, Joanna, the wife of Herod's steward Chuza, Susanna, and many others who provided for them out of their resources.’


Noong panahon ni Hesus, walang bilang ang mga kababaihan sa kanilang bayan. Sila ay nakatalaga lamang sa tahanan --- kalimitan sa kusina. Sa templo o sinagoga, mayroon silang pinaglalagyan, hindi maaring makihalubilo; silbing tagapagmasid lamang at hindi maaaring aktibong maglingkod. Kaya subersibong matuturing ang pagsama ng mga babae bilang tagasunod at alagad ni Hesus. Pinapakita lamang ni Hesus, walang pinipili, walang sinisikil ang paglilingkod. Walang diskriminisasyon o gender bias ang kaligtasan.

Naisip ko lang, paano kaya ang mga bading na tulad ko?

Malamang kasa-kasama ni Hesus ang mga bading sa bawa’t kasalan at bankete na kanyang pupuntahan. Aakyat sa bundok, tatawid sa lawa, titiisin ang init --- marinig lamang ang kanyang mga turo. Malamang taga-ayos kami ng pila ng mga maysakit, tagapag-aliw ng mga bata habang abala ang kanilang mga magulang sa mga pagtitipon. Malamang masaya naming tatanggapin ang aming misyon na ipahayag ang Kanyang salita at maging katuwang sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa.

Naniniwala akong isasama kami ni Kristo.

Sa panahon ngayon, nasulat ko na ito sa dating blog, marami na naman talagang bading na hayag na naglilingkod sa Simbahan. Dati-rati, tagatahi ng damit ng Birhen, taga-ayos ng mga bulaklak sa altar, taga-tugtog ng organ (mabuhay ka, Bong Infante!)… Pero ngayon, marami na ring mga bading ang ‘decision maker’ sa kani-kanilang parish pastoral council.  Marami na ring mga bading ang organizer hindi ng mga Bingo o ng Santacruzan kundi ng mga communities na nagkakaisa para kara kay Hesus o Batayang Pamayanang Kristyano. Marami na ring bading ang binibigyan ng respeto at dignidad na makapaglingkod.

Kasama kami ni Hesus sa pagsusulong ng kaganapan ng buhay.

Kaya naman, nanawagan pa rin ako sa mga kasama ko sa rainbow. Anuman ang tawag niyo sa inyong sarili, becky, badush, bi, astig, effem, trannies --- lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ni Hesus. Lahat tayo ay tinatawag ni Hesus upang maglingkod. Kung nagkakaisa tayo para sa Miss Universe o para sa Love Yourself Project o para sa Ladlad --- bakit hindi tayo mag-volt in para kay Hesus at palawigin ang kanyang Kaharian? Huwag nang alahanin ang diskriminisasyon, sa totoo lang, sa atin din mismong mga bading, may rejection at prejudice; tayo-tayo naghihilahan pababa. Kapag matatagpuan natin ang ating karisma at gagamitin ang mga ito sa paglilingkod, mabubura na rin yang self-discrimination. Dahil si Hesus  mismo ang babaklas nito; si Hesus mismo ang yayakap sa atin upang tanggapin natin ang isa’t isa at tanggapin tayo ng lipunan.

Gays for Christ. It’s about time.

Thursday, September 15, 2011

Celebrating Life


“Here is the test to find whether your mission on earth is finished: If you’re alive, it isn’t.”

I am still alive. I got varied, some violent, reactions from last blog about my ‘last will’. Some people aren’t really comfortable talking about death. I am cool about it. I cannot say I am ready for it, nobody will ever be. But I would like to be prepared. It’s not about life plan or insurance (I don’t have any) but more of making my life worthy for something truly eternal.

I thank God every morning I wake up, it only means I’m still alive. More than a decade ago, I attempted to commit suicide. But no way I am gonna do it again. I love life and my life. There are things I want to tweak or delete, there are things I want to undo or redo --- and so on and so forth; but still, I love my life as is, where is. It comes with a nice little package with everything on it --- no more, no less, no matter how imperfect.

I am celebrating life, I am living my life. Years ago, I met a freaky accident. Everybody was hurt, most especially the driver, except me. I went out of the vehicle in a stoic manner, like nothing happened. I was in space. I remembered I had a book, I was actually reading that book when the FX we were riding in collided with a bum truck. I found the book across the street, way, way far from the accident scene. The title of the book: Journeying with the Spirit.

I am still alive. My journey isn’t over yet. My mission has just started. My life has just begun. And I am living and loving every second of it.