Thursday, July 21, 2011

Si Gretchen, Si Marjorie, Si Claudine

Tatlo kaming bading na magkakapatid. I don't want to sound defensive but we are happy as we are. Kaya nga gay eh. We're not a dysfunctional family. We may not be 'the usual' but probably that makes us also ' extraordinary'.

Ako ang pinakamatanda, si Gretchen. Breadwinner since birth and probably until death. Will do everything for the family. Suplada, hindi demonstrative, hindi affectionate. Stoic, Ice Queen, Reyna ng Deadma. The truth is, sa dami ng bagyong dumaan sa amin bilang pamilya, I had to be strong. Panganay, kaya mataas ang expectations. Pero sa totoo, malambot ang aking puso. Mapagmahal.

Like Gretchen, I'm aristocratic and authoritative. I say what I want to say, with finesse and prudence of course. Like Gretchen, I have mellowed. I used to be a real bitch, pero ngayon paminsan-minsan na lang. It was my mother who taught me this: You'd rather be a bitch than be somebody's mop. Like Gretchen, hindi ako sweet. Like Gretchen, I can be a poisonous scorpion, just leave me alone and I won't sting.

Sumunod sa akin si Marjorie. Mysterious. Now you see, now you don't. Araw-araw, laman ng aking dasal kasi nga hindi sa amin nakatira. Noong Sabado, nagsimba ako, nakiusap ako kay Lord na padalhan naman ako ng balita kung nasaan si Elisa, este, si Marjorie, kung kamusta na siya. Pagkauwi ko, ayun, dumating si Marjorie sa bahay. Sabi ko sa mga kaibigan kong pari, ang Panginoon, napakabilis tumugon. Nagluto si Marjorie ng paborito kong Sinigang sa Miso at Tokwa't Baboy. Kinabukasan, Beef Steak and Pinakbet naman ang niluto.

Kahit umalis din si Marjorie noong Sunday night, ang importante alam naming maayos ang kanyang lagay. Ganon siya eh. Mahilig mamalengke at magluto. Mahilig mawala at bigla-biglang darating at agad-agad ding aalis. Siguro nga ayaw niyang malaman namin ang kanyang mga escapade sa pag-ibig. Siguro akala niya itatatwa namin kung mabalitaan naming nagmamahalsiya ng sobra-sobra. Nagsawa na rin kaming paalahanan siya pero di kami nagsasawang mahalin at intindihin siya.

Si Claudine ang pinamataray sa amin. Party animal, gimikera, at travel bug. Magugulat ka na lang nasa Cebu na pala siya. Showbiz siya kaya nga noong bday niya e bisita namin si Vice Ganda. Dati nga tambay sa bahay namin si Krista Ranillo. Marami siyang gamit, galing kay Pooh, galing kay Pokwang, galing kay Angelica, galing kay Zanjoe, galing kay Pratty... noong isang araw, isang bag na pununpuno ng anik-anik galing kina Melason.

Mahilig din mawala sa gabi, yun ang kanyang lifestyle, dahil nga siguro showbiz. Rumaraket sa mga comedy bar, naghohost sa mga corporate events, nag-p-PA sa kung sino-sinong artista. Close kami ni Claudine although lately e bihira na kaming magshopping together ( wala na kasi akong pang-shopping) pero we try our best na maglunch sa labas kapag may time.

Like the real Gretchen, Marjorie and Claudine, nag-aaway din kami dati ( pero never kaming nag-away dahil sa boylet ha, magkakaiba taste namin, hahaha!). Pero hindi na ngayon. Siguro may mga kaunting iringan at supladahan paminsan-minsan, pero bahagi lang yun ng aming pagiging mahaderang magkakapatid. To each his own pero may pakialam at malasakit sa isa't isa. May kanya-kanyang lovelife (sila, pero ako wala), but at the end of the day at kapag umalis na rin ang huling lalaking minahal, kami pa rin ang magkakasama.

Si Gretchen, Si Marjorie at Si Claudine. Tatlo kaming bading na magkakapatid.




2 comments:

Grace D. Chong said...

Hi, Tonichi! This would make a great theme/plot for a movie. Even the title is attention grabbing.hersant

Grace D. Chong said...

Ooops, I don't know why the word verification "hersant" came out on the comment. Please ignore it. G