Wednesday, August 31, 2011

Atenista

Noong Linggo ay hindi talaga ako dapat manonood ng laro ng DLSU vs ADMU sa personal na kadahilanan. Pero dahil may kausap ako somewhere sa Ali Mall (high school memories! Skatetown!), napadpad pa rin ako sa Gateway. At dahil gusto kong makita sina Bea at Camille, dumaan pa rin ako sa Pizza Hut, ang meeting place ng TGroup na kasa-kasama ko sa panonood kapag may game ang Green Archers.

Later on, pumasok na sila sa Araneta samantalang ako ay nagpunta muna sa Ali Mall. Saglit lang yun. Pagbalik ko, halos 30 minutes akong nakatunganga sa green gate. Nag- toss coin – head kung manonood, tail hindi. Ilang beses kong dinaya sarili ko, kasi puro head lumalabas. Ilang beses din akong kinausap ng mga nag-aalok ng condo. Yung isa, pinagtripan kong pakinggan. Maya-maya may lumapit sa aking naka-asul, at tinanong ako ng: dude you have a ticket already? Got spare, you might want it, for free.

Di agad ako nakasagot. Una, English. Hehehe. Pangalawa, naka-asul siya, naka-green ako. Bakit ako? Dami namang Atenista diyan na walang tiket. Pangatlo, gwapo siya at maganda katawan. Again, bakit ako? Hinawakan ko ang ulo ko, ang alam ko kakagupit ko lang ng semi kalbo, bakit parang ang haba-haba ng hair ko?

Nakasagot na rin ako sa wakas, in English! You know, I’d be glad to take it, But I already have one…thank you!. At parang gusto kong mag quarter-turn dahil tapos na ang q and a portion. Pero bumanat uli siya, ah ok, I just thought you don’t have yet…

Naisip ko na kaya inakala niyang di pa ako pumapasok dahil nag-aabang pa ako ng libreng tiket.

Pumasok na rin ako sa wakas at ito ang pinakamaganda sa lahat, dahil sa kaartehan ko, ang tiket ko pala ay sa Ateneo side. Ang upuan ko ay napapaligiran ng blue people na hiyaw ng hiyaw ng one big fight. Hmp.

3rd quarter, alam ko na more or less ang kahihinatnan ng game, nagpunta ako sa CR, hindi para umiyak sa napipintong pagkatalo pero para mag-jingle bells. Wiwi, pagpag, hugas ng kamay at emote sa salamin. May naka-asul na bumati sa akin: You’re so thin, what’s your secret?

Siya uli.

Promise, di ko siya kilala. Unang-una, Atenista siya. Pangalawa, Ateneo ang team niya. Pangatlo, naka-asul siya.

Bumirit uli, sorry, you might not know me, but I always see you watching games. Like for 10 years already! And as far as I can recall, you were so chubby before!

Di naman agad ako nakasagot, parang akong si Dindi Gallardo na iniinterview ni Apa Ongpin sa Bb. Pilipinas. Parang gusto kong bumanat ng I beg your pardon?’ Pero napaka-high school naman nun.

‘I’m attending yoga classes, into free weights…but no deprivation diet, just everything in moderation’

‘That’s kewl’ , sagot niya, ‘Saang gym ka?

E marunong naman palang mag-tagalog. Binanggit ko yung pangalan ng gym, saang branch at kung ano-ano pang chika. Saglit naming nakalimutan ang laro, saglit kong nakalimutan yung pagkatalo ng LaSalle, saglit kong nakalimutan yung dahilan kung bakit ayaw kong manood ng laro. [At buti na lang nanood ako!]

Oh, we better get back inside…sorry for LaSalle, hehehe, see you around. By the way, I’m _________. Add me on FB.’

Nauna siya pumasok. Ako nakatunganga at parang may background music: Believe it or not I’m floating…’

Hinawakan ko yung buhok ko, ang haba-haba na lalo ng long hair ko, mula Araneta hanggang Eastwood sa haba. Itsura mo lang Rapunzel.

No comments: